Chapter 8: Palakasan

9 0 0
                                    

Mae's POV

Pag pasok na pag pasok ko palang sa school ay madami ng studyante, pero napansin kong parang mas dumami ata ang tao ngayon at yung iba ay parang galing sa ibat ibang school. Yung iba nakangiti saakin, yung iba naman ay parang gusto na akong patayin sa mga titi nila.

Habang naglalakad ako papuntang Fiel dun kasi gaganapin ang laro, ay marami akong naririnig na mga bulungan.

"diba siya yung girl na makakalaban ni Jazz Magno? She's pretty huh! But I'm Prettier" maarateng sabi ng babaeng nadaanan ko.

Napailing nalang ako sa sinabi ng babaeng yun, tsk!! kailangan talaga ipagmalaki? Papalapit na ako sa Field ng biglang hilain ni Tim ang kamay ko.

"aray! Naman Tim, kung makahila ka ang sakit kaya" sabi ko sakanya, kasi ang higpit ng hawak niya sa kamay ko ng hilain niya ako.

"Sorry, meron lang akong gustong sabihin sayo" sabi ni Tim na parang nag mamasid.

"ano ba yun? At bakit dito pa?" nagtataka kong tanong sakanya, pano ba namang hindi eh nandito kami sa likod ng caf, kung saan walang pumupuntang tao.

"Gusto ko lang na ipatalo mo ang kompetisyong ito." Halos mainis ako ng sabihin niya yun, hindi ko alam kong ano ang rason niya kung bakit niya gustong ipatalo ko ito.

"hindi ko ipapatalo ang kompetisyong ito" seryoso kong sabi sakanya.

"Sige na please, kahit ito lang, pag sa Talento pwede mo na yung ipanalo" pag pupumilit niya.

"teka, bat gusto mong ipatalo ko ang laban na to?" tanong ko sakanya. Pero di niya ako sinagot, tinignan niya lang ako at kitang kita sa mga mata niya ang pag aalala. "kung di mo sasabihin kong ano ang dahilan mo, hindi ako mag papatalo".

"Ang gusto ko lang naman ay ma protektahan ka sa kanila, ayaw ko lang na Makita nila ang iyong kakayahan, baka sa pamamagitan nito ay mas lalo silang humanap ng paraan para makuha ka nila" naguguluhan ako sa sinabi niya.

"teka sinong sila? Tsaka anong ibig mong sabihing kukunin nila ako? Hindi kita maintindihan"tanong ko ulit sakanya.

Magsasalita na sana ulit siya, ng bigla nalang siyang tumakbo, na para bang natatakot. Dahil sa sinabi niya kanina ay nag dadalawang isip ako kung ipapanalo ko ba o hindi, pero ito lang ang pag kakataon na ipakita ko kung sano ang mga kaya kong gawin.

Andito na kami sa field ni Kuya Jazz, medyo naiilang ako sa sout ko kasi sobrang ikli, ito kasi ang pinasout saakin ni ate para makagalaw daw ako ng maayos. As if naman tatakbo ako.

Teka nasabi ko na ba sa inyo kung anong sports ang napili namin? Archery lang naman, yun kasi ang napag kasunduan namin ni kuya Jazz, at ok lang naman saakin kasi alam ko naman pano laruin yun.

Prrrttttt!!!!!!

Narinig namin ang pag piton g referee kaya pumunta na kami ni kuya Jazz sa gitna, simple lang ang rules, palakihan lang ng score, at tatlong arrow lang ang gagamitin namin, actually dapat hanggang 70 meters kami, pero ginawa nalang 50 meters. Mayrong apat na color sa board, yung nasa pinaka dulo is black (1-2 points) sunod naman ay blue (3-4 points), ang sumunod naman ay red (5-7 points) at ang nasa gitna ay yellow (8-10 points) syempre 10 points ang maka bulls eye.

Nag umpisa na kami ni Kuya Jazz sa 10 meters, medyo di kalayuan kaya keri lang. Naunang tumira si kuya Jazz and as expected bulls eye, pero hindi naman ako na patalo naka bulls eye rin ako.

Next ay nasa 25 meters na kami, medyo malayo na pero kakayanin ko, tinignan ko naman si kuya Jazz na seryosong seryoso, tsk! talaga atang gusto niyang talunin ako, as if naman may balak akong mag patalo, although kanina parang gusto ko nalang ipatalo to kasi natakot ako sa sinabi ni Tim, pero nung nakita ko silang nag uusap ni Kuya Jazz ay nag bago ang isip ko.

Virtual AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon