Chapter 3: The Dance

11 1 0
                                    


Clem's POV


So where's the letter? Yung nakalagay sa envelop? Bakit?!?!?!? Sana mali yung iniisip ko...


Another day, another chapter in my life. Still, I can't find the letter. Magaling na rin ako, kahapon pa, kaso kinakabahan ako kung saan napadpad yung letter ko para kay Drake or confession ko para sa feelings ko sa kanya. Basta, go with the flow of the day, ilang araw nalang, birthday ko na.


" Clem! " tawag ni Mama.


" Pababa na po! " I answered


Ano naman kaya ang itatanong, iuutos, o ipapagawa sa akin ni Mama?


" Clem, pili ka ng dress mo " sabay pakita ng brochure.


" Ma, grabe naman po ito. Okay nap o akong mag-suot ng simpleng dress sa birthday ko, 'wag na po 'yung ganito ka bongga na may glitters, ruffles, at kung anu-ano pa. "


"Kung sayo, okay, akin hindi, kailangan maging maganda ang 18th birthday ng unica hija naming, kaya sige na, mamili ka na. "


Hindi ko akalaing pagkakaabalahan, pagkakagastusan, at gagawin niyang Malaki at garbo yung 18th birthday ko.


Oo nga pala, wala pa akong escort.


"Ma, sino po yung escort ko?"


"Si Jake anak"


"Ma?" Mali yata pag-kakarinig ko, Drake daw?


"Si Jake, nasabihan ko na si Tita Che mo"


"Ahh sige po Ma, buti nalang si Jake 'yung escort ko, ('hindi si Drake') "


Masyado nang nagugulo ni Drake ang tamang pag-iisip ko, hindi na nakakatuwa.Pati yung letseng letter, ginagambala ako. Paano na ito?


"Ma, punta po muna ako sa park."


Park, isang lugar kung saan makakapag-isip ka ng maayos at malalim lalo na kung mag-isa ka lang.


Nakakita ako ng isang rose. Red rose to be exact. Symbolizes love ika nga nila. Minsan, nangangarap akong may mag-bigay sa akin nito kahit isa lang.


"Clem!"


Who's that?


Napatingin ako sa paligid.


"Jake!"


Akala ko si Drake.


"Parang ang lalim ng iniisip mo ahh. Share mo naman!"

Incarcerated in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon