Chapter 11

303 7 2
                                    

Chapter 11:

[Renee's POV]

"Renee, can we talk?" sabi niya na nakapamewang.

Ano na naman ang problema ng lalaking ito bakit ako na naman ang nilalapitan niya. Baka mamaya magselos na naman si Mikay ng wala sa oras. Napakaselosa pa naman ng babaeng yon.

"Look. I don't know how will I tell you this it may sounds weird pero Im your uncle." Seryosong sabi niya sa akin.

Huh? Eh paano naman nangyari yon? Eh halos magkaedaran lang naman kami. Plus sa pagkakaalam ko, yung both parents namin ay shareholder ng school namin so paano nga talaga?

"Basta just don't tell this to anyone. Even Mikay and Niko Okay?" sabi niya sa akin.

"Okay." Sabi ko naman.

Biglang lumapit sa amin si Mikay at tinanong ba kung may problema. Ngumiti na lang ako sa kanya at sinabing wala. Sinabi ko kay Stephen na tumulong naman siya sa pag-aayos nitong mga balot at nagkusa naman siya. Tinanong niya kung paano at kung ano ang pagkakaiba and then that's it. Nagkusa rin siya na nagsabi na tumulong sa aming tatlo.

Sinabi din namin kay Lolo na magpahinga na lang sila ni Mae dito sa bahay at kami nalang apat ang magtitinda ng balut.

#BalutSquadGoals

Wala pang 9pm ay naubos na namin ang paninda. Tuwang tuwa kami kasi may panghatak kami ng mga customer. Si Uncle Stephen. Madaming nagpapapicture sa kanya tapos bibili ng balut. Sinabi pa nga ng iba na mukhang hindi siya nagtitinda ng balut eh.

Pagdating namin sa bahay nila Mikay ay marami kaming nakita na pagkain sa table nila pero hindi ko ata kinakain ang mga ito.

"Ano yan?" tanong ko kay Mae.

"Ah itlog na may Kamatis ate. Try mo." Sabi naman ni mae sa akin at inabot ang kutsara.

"Ah sige mamaya maya nalang." Sabi ko naman.

Kinausap ko si mikay kung pwede nalang ba kaming magpadeliver ng pagkain and I'll just pay the bill but ayaw niya wag na daw, she wanted to try what they eat.

"Masarap 'to promise." Sabi pa niya.

Tinikman ko ito. Medyo weird lang kasi kamatis and hard boiled egg. Nakangiti lang ako sa kanya at bigla nalang akong sinubuan ni Niko.

Nakataas ang kanang paa niya at kumakain. Psh.

"Kumain ka nalang kase prinsesa ko. Oo maganda ka. Pero di ito yung lugar para mag inarte ka."

So wala akong nagawa nagtimpi nalang ako na sagutin si Niko dahil nasa harapan kami ng kainan. My parents thought me some manners while were eating. Nagulat din ako nang biglang ngumiti si Uncle Stephen kay Mikay at sinubuan din ito. Ang weird si Stephen yung namumula.

At nang matapos kaming kumain ay naglaro kami ng snake and ladders at tawa pa ng tawa. Nung pauwi na ako ay narinig ko na nag-uusap si Stephen at Niko.

"Ingatan mo yang kasama mong babae ah, aalagaan ko pa yan pag tumanda na."

Natatawa pa ako kay Niko kasi pinagseselosan niya si Stephen.

[Stephen's POV]


"So how did you know na mag-uncle tayo?" Renee asked me while Im driving.

"I heard your Dad and my Mom at the office. Your dad called my mom Auntie. Siguro connected na talaga ang family natin since then. So hindi na kaylangang ungkatin pa. Masyadong mahabang proseso yun. What matter the most is yung present."

"Ah, talaga.. So uncle na kita?"

"Yeah I think so. But don't take it too seriously. Kasi ang awkward kung tatawagin mo akong Uncle Stephen. Halos magka-age lang kaya tayo."

And then nakarating na kami sa bahay nila. I knew it her dad saw me at the office. Alam na niya siguro na narinig ko ang lahat so he really feel that her daughter was very protected with by my side.

--

[Niko's POV]

"So this is your new room. Do you like it?"

"Oo naman! Gago ka ba sino may ayaw ng ganitong kwarto? Eh parang buong bahay na namin 'to ni lola at ni bunso 'non." Sabi ko sa kanya.

"tsaka pwede ba bawas bawasan mo yung pag-eenglish mo kapag kausap mo ako, medyo nahihilo kasi ako eh."

[A/N: Oo nga, pati ako nahihilo huhu.]

Tinawanan lang niya ako at sinabihang wag daw ako mag-alala kasi masasanay rin lang naman ako. Grabe ang laki ng bahay nila. Mansion na mansion talaga. Yung kwarto ko, may sariling ring pa ng basketball at basketball ang theme nito at may balconahe ka pa. Malulula ka kapag tumingin ka sa baba. Ang cool nga eh halos kumpleto ko na yung lahat. Wala na ata akong hihilingin pa rito.

Ganito pala ang buhay ng mayaman, parang wala kang iniintindi sa buhay. Payapa. Hindi mo na iintindihin kung anong ulam niyo mamayang gabi. Di mo na rin hahagilapin yung perang pambili ng pagkain o pambayad sa kuryente at tubig. Ang swerte swerte ni Stephen kasi hindi niya naranasan yung mga bagay na naranasan ko. Siguro naranasan niya noong nagtinda siya ng burger, pero panandalian lang yun.

"Do you like Renee?" bigla niyang tanong sa akin.

"Ha bakit mo naman naitanong?" sabi ko naman.

"Wala lang. Medyo napapansin ko kasi eh." Sabi niya at napaupo nalang siya sa kama.

Hindi ako nakaimik. Oo gusto ko siya pero parang maypagkamaldita lang kasi siya kung minsan. Minsan sobrang moody, minsan naman sobrang bait. Ganun ba talaga mga babae sobrang unpredictable?

"Grabe. Hindi ko talaga alam kung papaano ko kayo pasasalamatan Stephen. Salamat talaga ha. Promise ko sa parents mo na hindi ko sila bibiguin." Sabi ko naman at nilapitan ko siya sa kama.

"Hanggang ngayon nga di pa rin ako makapaniwala na papasok na ako sa school niyo bukas eh. Makikita ko na kayo." Dagdag ko pa.

Napatingin nalang siya sa akin at napa-WHAT ng wala sa oras. Tinawanan niya lang ako.

" I think you need some make-over." Sabi pa niya.

[A/N: Akala niyo girls lang may karapatang mag make ober? hahahaa!]

The Signlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon