Lunes Santo

1.3K 19 1
                                    

PAALALA:

BAWAL BASAHIN KUNG MAHINA ANG LOOB, MALIKOT ANG IMAHINASYON, PREGNANT WOMAN, MAYSAKIT SA PUSO AT KAPAG GABI AT TUWING MAHAL NA ARAW.

Mahal Na Araw.

1. LUNES SANTO.

Sa bayan ng San Steban ay naghahanda na ang mga tao sa pagtatayo ng mga maliliit na pabasa para sa mahal na araw.

nakiisa ang pamilya ni Marco para tumulong doon. samantalang siya ay nasa bahay lamang at nanonood ng TV.

"kakaboring walang magandang palabas!!!" sabi pa niya habang kinakamot ang ulo sa inis. ilang sandali ay pinatay niya ang TV at lumabas ng bahay. pinuntahan niya ang ginagawang pabasa malapit sa kanilang bahay nang makasalubong niya ang kanyang kaibigan na si Rene.

"o pare kamusta san ang punta mo?" tanong ni Rene sakanya.

"wala pare bakit may kailangan ka ba?" sagot ni Marco.

"oo sana, gusto sana kita isama mamaya sa birthday ni Louie veh iinom sana tayo."

"aba oo naman sige maya sunduin moko sa amin ha?"

"sige pare kita kits mamaya!!"

Pagkatapos ng kanilang usapan ay dumeretso siya sa ginagawang pabasa at nakita niya na abala ang mga magulang niya sa pagtulong ng pagpapagawa ng pabasa. sa isang kubo ay nilalagyan ito ng kumot na may imahe ng santo at nagdisplay sila ng mga santo, mga sound system at mikropono.

"anak halika tulungan mo ako dito sa pagbuhat ng sound system!" ang sigaw sakanya ng tatay niya.

wala siyang nagawa kundi ang sumunod dahil marami pa namang tao at baka masermon lang siya. nagpabugnot-bugnot itong lumakad.

GABI.

habang naghuhugas ng plato ang nanay ni Marco ay nilapitan niya ito at nagpaalam na aalis at iinom sila ng mga barkada niya.

"basta mag-iingat ka anak!" sabi ng nanay niya.

"sige alis napo ako nanay." sagot ni Marco at lumabas na siya ng bahay.

ilang minuto ang lumipas ay nakarating na siya sa mga barkada niya para mag-inuman, agad niyang nakita si Rene.

"oh tol akala ko ba susunduin moko?" sabi ni Marco.

"oo nga pare susunduin na dapat kita kaso nauna kanang dumating eh kaya start nalang tayo!" sabi naman sakanya ni Rene.

agad umupo si Marco sa upuan. lima silang nag-iinuman.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-iinuman ay umagaw sa atensyon nila ang isang para ng mga taong balot na balot ng mga tapis at tuwalya, puno ng uling ang katawan at may mga salitang hindi maintindihan at may dala silang tila isang santo, ang santong iyon ay hindi nila kilala. may pakpak ito at may sungay at iba ang Hand Sign ito, tila Rock Hand Sign!

habang sila ay nagpaparada ay napansin ni Marco na biglang umiitim lalo ang kalangitan, tila nababalutan ng makakapal at maiitim na ulap, ang buwan ay bilog na bilog na medyo kulay pula.

Horrorgate Records: Santo Demonyo (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon