Biyernes Santo

480 13 0
                                    

BIYERNES SANTO.

GABI na nang araw na iyon. Hindi makatulog si Marco, nakakaramdam siya ng kilabot at pangangamba. Ano paba ang sikreto ng santo demonyo na iyon?

Ilang sandali ay pinagpawisan siya. Kaya tumayo siya at sumilip sa bintana. May natanaw siya na isang nilalang sa harap ng kanilang bahay. Ilang sandali ay tumakbo ito. Napilitang bumaba ng bahay si Marco para sundan ang nilalang.

Hanggang sa napadpad siya sa sementeryo at sa pagkakataong iyon ay huminto ang nilalang at humarap sakanya. Napaatras siya at nagulat dahil iyon ang santo demonyo. At ganun din ang eksena ng kanyang unang panaginip tungkol doon.

Tulad ng dati sa kanyang panaginip, ang santo demonyo ang humarap sakanya at muling lumapit at hinawakan ng mahigpit ang kanyang braso.

Sinubukan niyang maglaban, sinuntok-suntok niya sa mukha ang demonyo at nabitawan siya nito. Tumakbo siya at naghanap ng kahit anong kahoy na pwedeng pamalo.

May nakita siyang kawayan at mabilis niyang kinuha iyon. Hinampas niya sa ulo ang demonyo. Hampas dito hampas doon.

"Hindi ka makakawala sa bangungot na ito!" Ang sabi sakanya ng demonyo.

"sino kaba! Bakit moko ginagambala! ano bang nagawa ko sa iyo!" Ang tanong ni Marco.

"Hindi ka makakatakas sa kasalanang nagawa mo! Alam ko ang istorya ng buhay mo noong bata kapa! Dahil bata kapa lang ay puro bisyo na ang inaatupag mo at wala kading paniniwala sa impyerno kaya dapat lang na makuha ko ang kaluluwa mo!" Ang sabi sakanya ng demonyo.

"Wala kang pakealam! Marami namang mga salbahe dyan ha! Bakit ako pa!" Muling wika ni Marco.

"Lahat ng makasalanan ay sa impyerno tutungo! Hindi lang ikaw ang aking ginagambala. Marami pang iba!" Wika ng demonyo at muli siyang inatake.

Horrorgate Records: Santo Demonyo (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon