Miyerkules Santo

569 12 0
                                    

MIYERKULES SANTO

nagpunta ang nanay ni Marco sa pabasa para kumanta. naiwan lamang siya mag-isa sa bahay, katunayan tulog pa siya at nasa kwarto pa.

ISANG NILALANG ANG TUMATAKBO NG PABALIK BALIK SA HARAP NG BAHAY NILA. SA INGAY NA NALILIKHA NIYON AY NAGISING SI MARCO. NAGTAKA SIYA SA LAKAS NG INGAY KAYA BUMANGON SIYA AT SINILIP SA BINTANA. NGUNIT NAKITA NIYANG WALA NAMANG TAO...

NAGDISESYON SIYANG LUMABAS NG BAHAY PARA TIGNAN NG MABUTI. NANG MAKALABAS SIYA AY MAY NAKITA SIYANG ISANG NILALANG NA MAY PAKPAK AT SUNGAY NA TUMAKBO PAPALAYO.

SINUNDAN NIYA ITO. HANGGANG SA MAPADPAD SIYA SA ISANG SEMENTERYO. AT DOON HUMINTO ANG NILALANG AT HUMARAP SA KANYA. "SINO KA!" ANG NAGAGALIT NA TANONG NI MARCO. MABAGAL NA LUMAPIT ANG NILALANG AT BUMULONG SAKANYA. "Abres los ojos. Enfocar la audiencia. Amplíe su mente. porque el mundo me cubrirás tu misterio." 

PAGKATAPOS AY HINAWAKAN NG NILALANG ANG BRASO NI MARCO NG MAHIGPIT. PILIT NA NAGLABAN SI MARCO HANGGANG.........

Aaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!!!!

bumangon siya sa kanyang higaan at pawis na pawis. panaginip lang pala ang lahat. ngunit pag-tingin niya sa kanyang braso ay nandoon padin ang pinagbakasan ng paghawak ng nilalang sa kanya!

nanlaki ang mga mata niya at nagkaroon ng nakakakilabot na emosyon sa kanyang mukha. ngunit may napansin pa siya.

tungkol sa nilalang na nasa panaginip niya.

kamukha iyon ng santo na nakikita niya sa isang bagong pabasa sa san antonio!

nagmadali siyang nagbihis, naghilamos halos hindi na kumain at dali-daling sinarado ang bahay at kumaripas ng takbo. pupuntahan niya ang san antonio.

pagkalipas ng ilang minuto nang matunton na niya ang lugar ng pabasa ay halos mapaluhod siya sa pagod at pawis na pawis.

muli siyang sumilip sa maliit na butas upang makita kung ano ang nasa loob. nakita niyang nasa isang lamesa ang santo at kumakanta ang mga taong puno ng uling ang katawan. ganun padin tulad ng dati. isang salita na hindi niya maintindihan.

hanggang sa may mapansin siya, totoo ba ang nakikita niya? may tumulong dugo sa mata ng santo. isa ba itong . . . "LUHA?"

nanlaki ang mga mata niya sa takot. napa-atras siya at muling tumakbo para umuwi.

pagkalipas ng ilang oras ay muli siyang humiga sa papag dahil tila masama ang pakiramdam niya.

napahingang-malalim siya sa sobrang sakit ng ulo at katawan.

PAGSAPIT NG GABI.

Umuwi na ang nanay niya. nadasnan niyang nakahiga parin si Marco at halos mamula na. "anak?" nahaluan ng takot ang kanyang reaksyon. hinawakan niya ang anak.

"aray!" sabi niya, halos mapaso ang kamay niya sa sobrang init. kasunod non ang pagsuka ng kanyang anak.

"anak ano bang nangyayari sa iyo gabi pa naman..." sabi niya na gustong lumuha sa osbrang awa at takot na nararamdaman. nataranta siyang lumabas ng bahay para humingi ng tulong.

samantala, sinusubukan idilat ni Marco ang kanyang mga mata, ngunit tumambad sa paningin niya ang nilalang na nasa panaginip niya.

nakatitig ng masama sakanya. lumuluha ito ng dugo na tumutulo pa sa mukha niya.

"sino ka?" sabi niya sa isip lamang niya dahil hindi siya makapagsalita.

"santo monyo..."

ang tanging bulong na kanyang narinig.

"naririnig mo ang lahat ng sinasabi ko sa isip ko?" sabi pa niya.

"matarte..." "matarte..." matarte..." ang sagot ng demonyo at narinig niya ito sa isip niya.

hindi na siya halos nakapagsalita pa sa sobrang takot. nakapikit na lamang siya at nanginginig. ilang sandali pagdilat niya ay wala na ang nilalang sa harapan niya. luminga-linga siya sa paligid ngunit walang katao-tao.

Horrorgate Records: Santo Demonyo (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon