Prologue

81 4 0
                                    

Maraming pagbabago ang nangyari sa buhay ko at pag naaalala ko ang mga yun di' ko maiwasang mapangiti

Yan yung mga bagay na pag binabalik  balikan mo masaya ang naiisip mo, kumbaga isa ito sa pinakamasayang naranasan mo sa buhay

Ang pinakamasayang parte ng buhay ko ay nung high school life ko. Ang sinasabi ng iba na pinakamasayang parte ng buhay nila. Dito raw kasi nararanasan ang lahat ng first time

My first day in highschool...

“Anak yung baon mo wag mong kalimutan” - sigaw ni mama

“Ma naman, pwede naman akong bumili ng pagkain sa canteen” - Mary

“Alam ko na yun, kaso gusto ko paring pabaonan ka ng mga pagkaing niluto ko, bakit, Ayaw mo na ba sa mga niluluto ko!?” May halong pagdadamdam sa boses nito

Nakonsenya naman ako. Lumapit ako sa kaniya sabay sabi ng

“Ma wag kanang magdrama pa, alam mo namang luto mo ang pinakamasarap para sakin. Akin na nga yan at mala-late na po ako”

Hinalikan ko na sya sa pisngi para maibsan ang lungkot at tampo nya ng tanggihan ko ang pagkaing pinababaon nya sakin


Agad na akong naupo sa upuan na napili ko, at dumungaw sa bintana ng bus habang umaandar na ito

Mamaya - maya tumigil na ang bus, hudyat na nasa school na kami

Pagkababa ko sinuot ko na ang i.d ko at naglakad na patungo sa gate. Pagpasok ko namangha ako sa ganda at sa laki ng mga gusali sa loob ng eskwelahan. Isa sa mga ito ang magiging room ko

Sa kasarapan ng paglalakad ko ay bigla akong may nabangga

“Aray!” - daing ng nabangga ko

“Ano kaba bulag, Di mo ba ko nakita!? Pangit kana nga, Bulag kapa!” - Pagdidiin nya at dinuro - duro ako

Pinagtitinginan na kami ng iba pang istudyante dahil sa lakas ng boses nya na halos sumisigaw na ito

Samantalang ako natameme at di makagalaw sa kinakatayuan ko. Siguro dahil hindi ko alam ang sasabihin ko at hiyang hiya ako dahil pinagtitinginan na kami o hindi ko alam kung pa'no sya pakakalmahin

Kung tutuusin ang liit- liit lang naman ng kasalanan ko sa kanya, nabangga ko lang siya ng di sinasadya. Hindi ko na maintindihan pa ang iba pa nyang sinasabi

Ang arte naman nito parang nabunggo ko lang! Ganun ba kafragile ang katawan nya at pagnabangga ko bigla na lang mababasag at maghihiwalay - hiwalay ang mga parte ng katawan niya. Bulong ko sa isip ko

Bigla akong bumalik sa katinuan ng makarinig ako ng mga tawanan

Nilampasan ko sila at pumunta na lang sa classroom ko, nilampasan ko sila na parang walang naririnig

Pagkadating ko dumiritso nalang ako pinakadulong upuan, sa upuan ko

Wala naman akong magawa para ipagtanggol ang sarili ko kaya mas pinili ko na lang pumasok at wag na silang pakinggan. Wala naman magbabago kahit ipagtanggol ko pa ang sarili ko kasi sa huli ako pa rin ang talo at mukhang kaawa - awa. Pero sila walang awa kabago - bago ko pa lang sa school nila ito na agad ang natanggap ko

Lagi akong pinagtatawan dahil sa pangit ako. Masakit man pero kinikimkim ko sa loob ko lahat ng hinanakit ko

Ang sakit lang talagang isiping bakit ako naging pangit eh tapos miserable pa ang buhay ko. Para namang pinarusahan ako nito eh


Pag uwi ko sa bahay. Lupaypay ako at parang hinang - hina at pagod na pagod

“Anak andiyan kana pala!” - sabi ni mama

“Opo Ma” - walang gana kung sagot

“Okay ka lang ba?” - tanong ni mama

“Opo Ma, akyat lang ako sa kwarto ko” - sagot ko

“Oh sige” - sagot ni mama

Pag-akyat ko ng kwarto nagpalit na ako ng pambahay at dahil nakakapagod ang araw ko ngayon, humiga muna ako sa kama at nakatulog

Paggising ko bumaba na ako at nakita ko si mama naghahanda ng pagkain

“Oh anak kain na” - Nakangiting sabi ni mama

“Sige po Ma” - At naupo na ako para kumain

Habang kumakain tinanong ako ni Mama tungkol sa school

“Anak kamusta ang school?” - Mama

Sobrang saya, sa sobrang saya nga gusto ko ng tumalon sa building at magbigti - sarcastic na sabi ko sa utak ko

“Ah okay lang naman po Ma” - tatango - tango pa ako

“Mabuti naman kung ganun, basta pag may ng bully sayo dun sa school mo sabihin mo sakin para makulam ko hah!” - diri - diritsong pagsasalita ni mama habang sunod - sunod din ang subo ng pagkain

Tumango na lang ako paano naalala ko sa dating school ko ng may nakaaway akong kaklase ko at sinugod ni Mama

Hoy! Ikaw bata ka bakit mo tinusok ng lapis ang mata ng anak ko! Gusto mo dukutin ko ang mga mata mo mangkukulam pamilya namin kaya kung sasaktan mo ulit ang anak ko kukulamin kita! Papalakihin ko yang mata mo hanggang sa sumabog!” - Pasigaw na sabi ni mama sa ka -classmate ko

“Oooopo” - Sagot ng kakalase ko

Ayon nakick out ako sa dati kong school dahil sa ginawa ni mama

Pa'no daw ayaw ng pumasok ng kaklase ko sa sobrang takot kay mama. Kaya ito kahit nabubully ako sa school ko ngayon hindi ako nagsusumbong kay Mama baka makick out na naman ako gusto kung makapagtapos

Kaya pag narinig ninyo na ang pangalang Emelinda Santiles! Magtago na kayo hahahaha...

Kaya tiis tiis para makapagtapos

-----------------------------------------------------------

First time ko pong gumawa ng story sa wattpad. Sana po magustuhan niyo hehehe 😘😘😘
Don't forget to comment ^-^

I KNOW ITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon