Sa room with my bullies classmate except Valerie
Nasa loob na kami ng room at nakaupo ibang room na to kasi ibang subject na to pero magkatabi parin kami ni Valerie syempre friends kami eh
“Uy! Uy! Uy!” - Pangungulit sa'kin ni Valerie
“Ano ba yun?” - tanong ko
“Yung pogi dun sa canteen kanina oh”..
“Oh!?” - sabi ko
“Nasa likod mo!” - kinikilig na sabi ni Valerie
Pagtalikod ko nakita ko yung lalaking nakita namin ni Valerie sa canteen kanina. Sinilip ko lang sya saglit tapos tumingin na ako sa blackboard
“Uy, uy ano yun!” - Tanong ni Valerie
“Anong ano yun!?” - Balik tanong ko din sa kaniya
“Ganun lang yun!? Sinilip mo lang na parang wala!” - Di makapaniwalang tanong ni Vallerie
“So!” - sabi ko
“Hala sya! so wag mong sabihing tomboy ka talaga!?” - Tanong niya
“Hindi no! Mukha ba kong tomboy?” - Tanong ko din
“Oo nga naman may point ka” - sabay tawa
Pagkatapos ng usapan namin tumigil na kami at nakinig na sa teacher namin
Sa canteen habang nakaupo kami at kumakain ng launch
“Uy andito na naman ulit yung poging kaklase natin oh!” - kinikilig sabay turo niya
“Ano na namang kalandian yan Valerie. Di pa ba tapos yang kakapantasya mo sa kaniya!?” - Naiirita kong tanong
“Ito naman napaka killjoy!” - Biglang sumimangot ang mukha niya
“Nagpapaalala lang ako!” - Pagpapaliwanag ko
“Ikaw naman kasi basag trip ka!” - nakapalumbaba naman siya ngayon at nakatingin sa akin
“Eh Mary may naging crush kana ba?” - Tanong niya
Napaisip naman ako. May naging crush na ba ako? “Ah parang wala pa eh”
“Talaga!” - Gulat na tanong ni Valerie
“Ah oo eh hehehe..” - Sagot ko
“Ikaw lang ang kilala kong wala pang naging crush, alam mo bang kasama sa buhay yun!? Ano ka ba alien!?” - Kwento niya
“Ganun? So nakatagpo ka na ng bukod tanging elyeng katulad ko!” - Sabay turo ng mukha ko
“Grabe ka na man!. Bakit naman wala ka pang crush?” - Sabi niya
“Dahil sa mukha ko!” - Paliwanag ko
“Grabe ka naman!” - Sabi niya ulit
“Totoo naman eh” - Sagot ko
“Kaya ka ba nila binubully?” - Tanong niya
Tumango lang ako
“Maganda ka, kilangan mo lang ng make over, full make over” - sabi niya.
“Wes, ipapamake over kita!” - Sabi niya habang nakangisiKinabahan naman ako at napalunok sa iniisip niya
“A--yoko” - Nauutal kong sabi
“Sa ayaw at gusto mo magpapamake over ka!” seryosong siyang nakatingin sa akin
Kaya sa tingin ko tumutol man ako o hindi wala na akong magagawa tutal hindi naman ako mamatay
Andito kami ngayon nakatayo sa harap ng isang salon binasa ko ang sign Miracle Salon
“Ano!? tara na pasok na tayo?” - Yaya ni Valerie
Napapalunok na lang ako sa kaba.
At pagpasok namin binati si Valerie ng isang taong maedad na may makapal na make up at pulang - pulang lipstick“Hello suki papamake over?” - Tanong sa kaniya nito at sinalubong siya
“Ah oo itong kaibigan ko” nakangiting sagot ni Valerie
Lumapit siya sa'kin at itinuro ako. Tiningnan naman ako nito mula ulo hanggang paa tapos ngumiti
“Okay gagawin ko ang makakaya ko” - Sabi niya
“Okay sige” - Nakangiting sagot ni Valerie
“Anong pangalan mo?” Tanong niya sa akin
"A--hh Mary po” - Sagot ko
“Okay Mary aahitan ko ang kilay mo kasi kunting kunti na lang magdidikit na” - Sabi niya
Kinakabahan man napa - oo na lang ako. Lord kayo na bahala
“Wag kang matakot iha hindi ka masusugan basta wag ka lang malikot” - Sabi niya
“O--kay po” - kinakabahang sabi ko
Natakot ako sa sinabi niya posible palang masugatan ako. Kailangan relax lang ako, relax!
![](https://img.wattpad.com/cover/71727709-288-k677832.jpg)
BINABASA MO ANG
I KNOW IT
RomantikSinubukan magbago para hindi na ako yung pangit na palagi nilang nilalait. Para mag - iba ang tingin sakin ng ibang tao Nakuha ko na ang matagal ko ng hinahangad ang hangaan at mahalin ako, ang sarap sa pakiramdan na ang tingin sayo ay importante't...