Sa school pagpasok ko sa gate pinagtitinginan na ako
“Hahaha.. andiyan na yung pangit!” - rinig kong sabi ng mga estudyante
Grabetong mga to ah makapanglait wagas kala mo ang gaganda at ang gagwapo. Ito na naman ang kalbaryo ko, mabubully na naman ako nito. Palagi na lang bang ganito!?
Dumirtso na lang ako sa classroom ko pagsilip ko wala pang tao nakahinga ako ng maluwag buti wala pa yung mga classmate ko, buti na lang talaga pumasok ako ng maaga. Huminga ako ng malalim tsaka ako umupo
Nagsidatingan na yung mga classmate ko at umupo na sa napili nilang upuan tahimik lang akong inoobserbahan sila
Pagkaupo ng lahat nag- umpisa ng magsalita ang teacher namin. “Class may bagong istudyanteng transferee magiging bago ninyo siyang kaklase kaya be nice to her okay!”
At inumpisahan ko ng ipakilala ang sarili ko sa mga bago kong classmates. “Hi, my name is Mary Claire Santiles. Good morning sa inyo!”
Yung iba tumatawa, yung iba naman seryoso lang at walang pake
Pagkatapos kung magpakilala umupo na ako sa pinakalikod na upuan kung saan ako kanina nakaupo
Pag-upo ko binati niya ako, ng katabi ko. - “Hi”
“Hi”- sagot ko
“Ako nga pala si Valerie, ikaw pala yung bagong tranferee. Nice meeting you” - at nakikipagkamay siya
Nagulat naman ako kahit papaano pala may magwewelcome pa sa akin at magiging mabait. Tinanggap ko naman ang kamay niya at nakipagkamayan
Ngayon lang kasi may naging nice sa akin kaya medyo nagulat talaga ako
“So, Mary friends na tayo ha” - sabi niya
“Tayo, friends na!?” - at tinuro ko ang sarili ko tapos siya
“Oo naman, bakit hindi ba pwede!?” - tanong niya
Ako naman ay napangiti sa sinabi niyang gusto niya akong maging kaibigan, di lang pala siya maganda, mabait pa!
Ng magrecess niyaya niya akong sumabay sa kaniyang kumain
Babayaran ko na sana yung pagkain ko ng bigla na lang sinabi ni Valerie na siya na daw magbabayad di na ko tumanggi tipid din yon, pati ngayon lang may nanglibre sakin
Habang kumakain kami nagtsismisan kami. “Uy Mary tingnan mo yung guy dun oh ang gwapo oh” - sabi ni Valerie haliparut din pala tong babaeng to
Kaya iyon tiningnan ko yung lalakeng tinutukoy niya "Ah ayon ba?"
"Anong ayon! "Ano ka ba ang pogi nya" - sabi niya
Eh ano naman kung pogi sya Wala naman kasi akong paki sa mga lalaki. Wala pa sa isip ko yan, ayoko pang humarot
“Bakit di ka napopogian sa kaniya” - tanong niya
Nagkunwari na lang ako kahit pogi naman talaga yung lalaki. “Hindi”
“Don't tell me girl tomboy ka!” Suspicious din pala ito eh
"Hindi ah, di lang talaga ako napopogian sa kaniya
“Owws? akala ko tomboy ka eh” - sabi ni Valerie
“Eh ikaw naman kasi napakajudge mental mo” - sabi ko
"Sorry na!” natatawa niyang paghingi ng tawad
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na rin kami sa classroom namin
BINABASA MO ANG
I KNOW IT
RomanceSinubukan magbago para hindi na ako yung pangit na palagi nilang nilalait. Para mag - iba ang tingin sakin ng ibang tao Nakuha ko na ang matagal ko ng hinahangad ang hangaan at mahalin ako, ang sarap sa pakiramdan na ang tingin sayo ay importante't...