Videoke #biritpamore #feelingsinger
Umuwi ako ng masaya sa bahay kasi bati na kami ng bes ko kaya ayon masaya kung binati si nanay "hi nay" with matching smile pa ∩__∩
Nginitian naman ako ni nanay "nakauwi ka na pala anak meryenda mo na sa lamesa "
"Sige nay bihis lang ako" nakangiti kong sagot at tumakbo na ako papunta sa kwarto ko
Pagbaba ko kinain ko na ang meryendang hinanda ni nanay para sakin
"Wow ang sarap nito hopia my favorite" tuwang tuwa ako at nakahands up pa
"Thank you nay " tinanguan niya lang ako
"Mukang goodmood ka ngayon ah" nakangiting tanong ni nanay
"Oo nay maganda kasi naging araw ko kasing ganda ko hahaha" sagot ko
Tinanguan lang ako at nginitian ni nanay
Biglang tumunog ang CP ko
*******Tooottootttt********
Pinsan ko pala si Faye
"Uy diputa tara videoke tayo !! oh wag kang magpalusot alam kung wala kang ginagawa tamad ka hahaha ^_^ " tingnan mo to niyaya na ko sinabihan pa kong tamad f.y.i masipag ako paminsan minsan hahaha >_<
"Oo sige diputa wala naman akong gagawin tutal boring din dito sa bahay " reply ko
Tapos nun nagpaalam ako kay nanay "nay pupunta ako kina Faye" pagpapaalam ko
"Oh sige pero umuwi ka bago maggabi" sagot ni nanay
"Opo nay" tapos ayon lumabas na ako para puntahan si Faye
Naglalakad na ko papunta sa kanila ng may makita akong pamilyar na mukha di ako pwedeng magkamali si Faye yun sa laki palang ng katawan alam ko na hahaha = ̄ω ̄= kaya tinawag ko siya
"Faye " tawag ko
Lumapit naman siya sakin "uy Mary tara na excited na kung magvedioke" mukha ngang excited na nagtatalon talon pa
"Naku baka masira yung videoke pag kumanta ka at baka umulan pa hahaha " pang aasar ko sa kaniya
"Tumigil ka nga inggit ka lang sa golden voice ko " sagot niya tinawanan ko na lang siya
Hanggang sa makarating na kami sa vediokehan at excited nga ang gaga at naghulog agad ng lima at pi-nlay ang i dont wanna miss a thing
♪♩I dont wanna miss a thingggg..♩♪ Birit ng gaga pumipiyok piyok pa hahaha... nakakatawa lang siyang panoorin mamaya maya ako naman ang sumunod naghulog na ako ng limang piso at pi-nlay ko ang basang basa sa ulan by ageis hahaha.. kala niya siya lang hah at sinimulan ko na ang pagbirit
♬♪Basang basa sa ulan walang masisilungan walang malalapitan sanay may luha pa akong mailuluha upang mabawasan ang aking kalungkutan♪♬ pamatay litid kong birit
♬♪Sanay may luha pa akong maiiluha♪♬... muli kong birit ng biglang umulan naku baka sisisihin ako ng mga tao dito sa biglang pag- ulan, ng biglang may dumating na kotse biglang bumukas ang pinto ng kotse at pagbaba grabe ang guwapo... ano ba to anghel ang puti ang tangos ng ilong matangkad at ang labi niya hayyy... kissable lips teka... parang pamilyar siya oo tama ! Yung lalaki sa canteen yung lalaking nakaeye ball ko kung saan huminto ang mundo ko ang unang lalaking nagpatibok ng mabilis ng puso ko my gooood anong ginagawa niya dito..!! umupo siya sa isang bakanteng lamesa natigil ako sa pagdedreaming ng niyugyug ako ni Faye
"Huy ! yung kanta mo " sabi niya habang niyuyugyug ako natauhan naman ako yung kinakanta ko pala inistop ko yung kanta at naghulog ulit ng limang piso at pi-nlay ang kantang IKAW by yeng constantino at sinimulan ko ng kumanta
♬♪Ikaw ang pag- ibig na binigay sa akin ng maykapal♪♬ di ko namalayang nakatingin na pala ako sa kaniya napaiwas naman ako ng makita kung tumingin din siya sa akin nahalata niya yata na nakatingin ako sa kaniya T_T
Tinuloy ko na lang ang kanta ko hanggang sa natapos ko yung kanta nacurious naman ako kung andon pa siya sa kinauupuan niya kaya ayon sinilip ko siya at anak ng sisiw na basa...! *.* nakatingin rin pala siya sakin kaya nagkatitigan kami
Ito na naman si pagtigil ng mundo pagtibok ng mabilis ng puso ko huhuhu... T_T ako na lang ang unang umiwas ng tingin mamatay na kasi ako sa sobrang bilis ng heartbeat ng puso ko na halos hindi na ako makahinga
BINABASA MO ANG
I KNOW IT
RomanceSinubukan magbago para hindi na ako yung pangit na palagi nilang nilalait. Para mag - iba ang tingin sakin ng ibang tao Nakuha ko na ang matagal ko ng hinahangad ang hangaan at mahalin ako, ang sarap sa pakiramdan na ang tingin sayo ay importante't...