Chapter 4 - Sa School!!

25 4 0
                                        

Andito na kami sa harap ng school ni Valerie at papatawid na. Kinakabahan pa rin ako...

Pagpasok namin pinagtitinginan kami ni Valerie habang naglalakad papunta sa room namin. Marami ang mga nagbubulungan

"Bago ba yan ang ganda naman sino kaya yan??" bulong ng isa

Ako nakahawak lang sa kamay ni Valerie at mas lalo ko pang hinigpitan kaya tiningnan niya ako na parang sinasabi niyang okay lang at pinapakalma ako

"Oo nga ang ganda mukha nga siyang bago ngayon ko lang siya nakita dito eh" bulong pa ng isa

Andito na kami ngayon ni Valerie sa may pinto ng classroom namin at papasok na lang

"Wag kang kabahan relax ka lang okay" - Valerie

Tumango na lang ako tanda ng pag sang ayon ko sa sinabi niya

Pumasok na kami at ngayon na sa loob na kami ng room at pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko at pati ang teacher namin. dumiritso ako sa upuan ko at naupo nakayuko ako dahil sa kahihiyan di ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon matutuwa ba o malulungkot!?? di ko alam kung ano ang mararamdaman kung emosyon ngayon "Hayyysss!"

Naririnig ko ang mga usapan nila

"Sino ba yan ba't nakaupo siya sa upuan ni Mary si Mary ba yan!?" bulong ng isang kaklase ko

"Iwan alam mo naman ang itsura ni Mary eh di ba pangit yun kaya malayong siya yan baka di na pumasok si pangit sa kahihiyan dahil narealize niya kung ganu siya kapangit "hahahaha" sabi ng isa ko pang kaklase

"Sabagay may punto ka kung ako rin kung may ganun akong Pagmumukha itatago ko na lang hahaha" sagot ng isa kong kaklase

Ako nakayuko pa rin sa upuan ko at ng naraaramdaman ko ng tutulo ang mga luha ko kaya kinagat ko agad ang labi ko at humawak sa palda ko at ginasumot ito gamit ang kamay ko para mapigilan ang mga luha kong pumatak

Hinawakan ako ni Valerie at may binulong siya sa akin

"Wag ka ng masaktan dahil hindi na ikaw yung dating Mary na sinasabi nila bago ka na ngayon ikaw na ang maganda at bagong Mary Mary na hindi na magpapaapi sa kanila "

Sa sinabing yun ni Valerie nagkaroon ako ng lakas ng loob kaya naman tumingala ako at nginitian ko ang mga kakalase ko

"Ako nga to si Mary pero hindi na yung Mary na pangit na inaapiapi niyo noon. Dahil ako na ngayon si Mary na maganda at hinding hindi na magpapaapi pa sa inyo kahit kailan" pasigaw kong sabi sa lahat

Gulat na gulat namang nakatingin ang mga kaklase ko pati narin ang teacher ko at si Valerie sa akin. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng confedence nung mga oras na yun basta ayun na lang ang lumabas sa bibig ko

Natapos ang klase ng wala sa sarili ang lahat di sila makapaniwala sa mga nangyayari sa mga sinabi ko sa lahat!

I KNOW ITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon