[Xyriell’s POV]
Di ko talaga makalimutan yung nangyari kanina sa school. Ang daming nangyari kahit first day palang. At, sobrang napahiya pa ako sa harapan ng maraming estudyante. Bigla ko tuloy naalala yung nangyari sa room kanina bago ako umuwi. Bakit naman kaya niya gusting kunin yung bag ko ?? Magka-parehas lang naman kami ng bag ehh. Teka, baka naman, nagkapalit kami ng bag !?
Agad ko naming kinuha yung bag ko. Hinalungkat ko lahat ng gamit. Tinignan ko kung sakin nga talaga yung bag nay un. Baka kasi, bag niya ‘to ehh. Ehh di, pahiya na naman ako nun ?? Notebook ko naman yung mga nandito ehh. So, akin nga ‘tong bag na ‘to.
Habang naghahalungkat ako. May nakita akong pink na envelope. Tinignan ko ynug nakasulat sa labas nun.
To: Zacheous <3
“Sana, basahin mo itong letter ko”
From: Euphy
Teka nga, ito ba yung tinatawag nilang love letter ??
“From Euphy ???” – pabulong kong sabi sa sarili ko.
So, kaya pala niya gusto kunin yung bag ko kasi, nagkamali siya ng bag na pinaglagyan niya ng love letter niya na ‘to para kay Zac ?? Sabagay, katabi ko kasi si Zac ehh. Saka, parehas pa yung bag naming. Nakaka-curious naman ‘tong laman nito. Buksan ko kaya ?? hinawakan ko yung envelope saka itinaas. Naitapat ko sa may ilaw kaya nahalata ko na ….. Walang nakalagay na letter sa loob. Envelope lang siya. Siguro, nakalimutan niya ?? ang clumsy naman nung babaeng yun ! buti nalang, di niya naibigay kay Zac ! kundi, mapapahiya siya ! hahahahahaha !
*CREEEEAAAAAKKKK*
Ano yun ??? Tinignan ko yung orasan ko. 11;30 na pala. Ano naman yung bumukas ?? Imposible naman na si mama yun kasi, madaling araw na siya umuuwi kapag may day off man siya. At saka, kung may day off siya, tumatawag naman yun.
Wag mo sabihing, magnanakaw yun ??? Kumuha ako ng kahit anong pwedeng pamalo. Pumunta ako sa may bandang kusina. May naaninag naman ako na parang babaeng nakaputi na may hawak na kahoy ba yun ?? basta, parang pamalo din. Di ko masyado Makita yung mukha kasi nakapatay yung ilaw saka naliliwanagan siya ng buwan na galling sa bintana kaya di Makita yung mukha niya. Pero, sure ako na babae ‘to. Mahaba kasi yung buhok ehh. Saka, parang, nakadress ba yun ?? basta mahaba. Tapos,, Bigla nya nalang akong sinugod ! taena ! buti naka-ilag ako ! habang ina-atake niya ako, ilag lang ako ng ilag saka kinakapa kung nasan yung switch ng ilaw.
Maya maya lang, Bingo ! nai-switch ko na din yung ilaw ! ngayon, malalaman natin kung sino kang magnanakaw ka.
“IKAW !?!?!?”
Alam niyo ba kung sinong akala kong magnanakaw yung umatake sakin ?? Walang iba, kundi yung babaeng, pinahiya ako sa harapan ng maraming estudyante. Pinagsabihan pa akong parang baliw saka lalampa-lampa ! Ano kilala niyo na ?? in short. Si Euphy LANG NAMAN !!
Inatake niya ulit ako, pero, naka-iwas din naman ako sa atake niyang yun. Delikado pa naman yung hawak niyang pamalo. Yung katana yata yung tawag dun ?? Yung parang espada na kahoy ?? Basta yun, yun.
“Achuuuuuuuuuu~!” – Euphy
Binuksan niya yung cabinet na katabi niya saka niya hinablot yung damit na nandun saka niya siningahan. Kadiri naman ‘tong babaeng ‘to ! kababaeng tao, di alam kung paano maging malinis sa sarili ! Talagang gnamit niya pa yung dait na nasa loob nung cabinet na yun ha ? Pero, ok lang. Mga di naman na ginagamit yung mga damit na nandun ehh.
“Hoy ! Gumamit ka nga ng tissue ! kadiri ka !”
“Yaaaaaaaaaaahhhh !!” – Euphy