[Xyriell’s POV]
*Lunch Break*
Andito ako ngayon sa room namin. Kumakain na ako ng lunch. Di kasi ako sanay kumain ng lunch sa cafeteria ehh. Mas gusto ko ditto. Saka, konti lang tao dito sa room pag lunch break.
“Hoy aso !! sumama ka sakin” – Euphy
Tss. Nasabi ko ba na kasama sa ‘konting tao’ dito sa classroom yang babaeng yan ?
“Ano na naman ba kailangan mo ?”
“Sumamaka nalang kasi !” – Euphy
“Di mo ba nakikitang kumakain pa ako ha ? tsk ! istorbo ka talaga kahit kailan !”
“Ehh di kunin mo yang baon mo at sumama ka sakin !” – Euphy
“Tsk ! oo na !”
Nilagay ko ulit yung baunan ko sa bag ko. Pwede naman kasing idala yung bag naming kapag kakain ng lunch or ng snacks ehh kaya idadala ko nalang. Ito kasing babaeng ‘to ehh. Di ko pa nga nakakalahati ehh yung kinakain ko, nang istorbo kaagad ! Tss. =__=++++
SInundan ko lang siya. Actually, magkasabay kaming naglalakad ngayon dito sa corridor. Kaya nga, pinagtitinginan kami ng mga estudyante ng nadadaanan namin ehh. Paano ba naman na di kami titignan ? ehh magsama ba naman na maglakad ang dalawang kinatatakutan dito sa school ? oh diba ? ang saya !
Di ko namalayan na nandito na pala kami sa may field. Walang katao-tao. Syempre nandito kami sa may lilim ng puno. Mainit kaya ! alangan naman na nasa gitna kami ng field sa ganitong oras na tirik na tirik yung araw ? pero, okay lang. mahangin naman ehh. Kaya yung setting naming ni Euphy, parang, nagpi-picnic.
Nilabas ko na yung baon ko. Syempre, kakain ulit ako nuh ! nabitin kaya ako kanina sa may room. Nang-istorbo pa kasi ‘tong babaeng ‘to ehh. Tsk !
Nung tinignan ko siya, nilabas niya din yung baon niya saka siya kumain.
“Hoy ! ba’t ba tayo nandito ? ha ?”
“May naisip na kasi akong gagawin about dun kay Zac” – Euphy
Wow ha ! ang bilis naman niya mag-isip !
“Ano naming naisip mong gawin ??”
Kumakain pa din kami habang nag-uusap. Masarap kaya ulam namin ! lalo na, ako yung nagluto ! huehuehue :))
“Magko-confess ako sa kanya mamaya” – Euphy
“Ahh magko-conf----WHAT !?!? sasabihin mo na agad agad sa kanya na gusto mo siya ??”
“Oo. Ehh ikaw ? may naisip ka na ng plano mo kay Yesha ?” – Euphy
“Wala pa nga ehh”
“Ehh di mag-confess ka na lang din sa kanya tulad ng gagawin ko” – Euphy
“Seryoso ka ? parang di ko kaya gawin yun”
“Ang torpe mo naman !” – Euphy
“Hoy ! maka-torpe ka ah ? hindi naman kasi ako katulad mo na mabilis kumilos nuh !”
Hindi niya na ako sinagot nung sinabi ko yun. Kumain nalang siya ng kumain. Syempre pati ako, kumain na din. Nung natapos kami kumain, bumalik na kasi sa classroom. Tatlo pang subject bago kami mag-uwian. English, Science saka Filipino.