[Xyriell’s POV]
Nandito ako ngayon sa school. Sa katunayan, nasa harap ako ng parang bulletin board kung saan nakalagay yung mga naka listang pangalan ng bawat student’s ng bawat year level at kung ano yung section pati kung anong room niyo. Habang tinitignan ko yung parang bulletin board (sorry, di ko alam yung tawag dun ehh ^__^V) biglang nagsi-glid yung mga estudyante. Para bang, nag give way sila sakin.
“Uyy ! Andiyan na yung delinquent !” – sigaw nung isang lalaki
“Nakakatakot talaga siya nuh !” – bulong nung isang babae
“Oo nga ehh. Itsura palang nakakatakot na !” – bulong niya din sa kasama niya.
Napa-yuko nalang ako dun. Sanay naman na ako sa mga sinasabi nila ehh. Kaso nga lang, nakaka-irita na din minsan kapag dadaan ka tapos, magbubulungan sila. Tapos, kapag lalapitan mo lang, bigla na silang aalis.
May tumapik naman sa balikat ko. Nung tinignan ko ….
“Yo Bro ! magka-klase ulit tayo” – Zac
Second year na pala kami ngayon ni Zac. Pati nung first year kasi, magka-klase kami. Siya lang yung ka-close ko dito sa school.
“Haha. Oo nga Bro !” sabay apir naming dalawa
“Tara na Bro ! punta na tayo sa room. Malapit na din mag time” – Zac
Habang naglalakad kami ni Zac sa Corridor papuntang room. May isang 3rd year na lumapit samin.
“Zac, pinapatawag ka ni Ms. President. Pag uusapan niyo daw yung mga pwedeng baguhin dito sa school at yung mga bagong rules na kailangan para sa school year na ‘to” – 3rd year
“Ahh .. ganun ba ? sige, pupunta na ako dun” – Zac
Umalis na yung 3rd year. Ang hirap talaga maging student council offier. Ewan ko ba dyan kay Zac kung bakit gusto niyang maging officer.
“Bro ! alis na ako ah ? kailangan na daw ako sa SC” – Zac
“Sige Bro ! Una na din ako sa classroom”
Tinapik ni Zac yung balikat ko tapos umalis na din siya.
Naka-yuko lang akong naglalakad. Alam ko naming nakatingin sila sakin ehh. Kaya, mas maganda kung di ko nalang sila tignan. Mas naiilang ako ehh. Ang dami ba naming nakatingin sayo diba ?
*tapik tapik*
Tinignan ko yung tumapik sa balikat ko.
“Hello ! Classmate kita diba ?”
Parang gusto kong kiligin ! Gusto kong tumili ! pero, joke lang syempre ! Baka pagkamalan akong bading ehh.
“A-ah O-oo”
“Haha. Kilala mo na ba ako ?”
Oo ! Kilala kita ! kilalang kilala ! crush kita ehh ! Grabe ! naba-bakla na ata ako >.<
“O-oo”
Fucshia ! bakit ba kanina pa ako nauutal ??
“Talaga !? Sabihin mo nga sakin yung pangalan ko ??”
Hawak hawak niya ngayon yung kamay ko. Tapos, ang saya saya niya. Parang batang excited ? tapos, yung ngiti niya, abot hanggang tenga. Ito yung nagustuhan ko sa kanya ehh. Yung pagiging masayahin niya at yung pagiging friendly. Wala siyang paki-alam kung anong tingin ng ibang tao sayo.