[Xyriell’s POV]
Hayy ! simula nung dumating si Euphy sa buhay ko. Nagging miserable at mahirap na ang buhay ko =__=”
Tsk ! pauwi na ako ngayon sa bahay pero dala-dala ko yung bag ni Euphy. Di nga siya pumasok ng last subject kanina diba ? ehh sa isa akong mabait na binata, dinala ko na yung bag niya. Baka iuwi pa ng ba ehh. Kawawa naman siya. Haha !
Umuwi muna ako sa bahay saka nagpalit ng damit na pambahay. Naglinis muna ako ng bahay saglit saka ako nagsaing at nagluto ng ulam. Habang niluluto ko yung ulam, ginawa ko muna yung mga assignments ko. Nung natapos na akong gumawa, luto na yung ulam at kanin so kumain na ako.
Napatingin ako sa orasan. 7:46 na. Kumain na kaya si Euphy ? baka gutom na yun.
At dahil nga ulit sa mabait akong binata, dadlahan ko siya ng makakain niya. Di ko din naman kasi mauubos yung pagkain na niluto ko ehh. Di naman siguro uuwi si mama kaya ibibigay ko nalang kay Euphy yung sobra na hindi ko na makain. Dinala ko na din yung bag niya tapos pumunta na ako sa apartment niya. Pwede naman silang magpapasok ehh. Kaya, walang dapat ikabahala.
Nung nasa tapat na ako ng apartment niya, kumatok ako. Pero walang nagbubukas o sumasagot. Hala ! baka naman, nahimatay siya sa sobrang gutom !? O__O
Agad agad kong binuksan yung pinto since hindi naman pala naka-lock. Kanina pa ako katok ng katok nakabukas lang pala =__=So ayun nga, sa dami ng pintuan dito sa apartment niya, lahat ng pintuan binuksan ko.
“Euphy ?”
Door #1
“Euphy ?”
Door #2
“Euphy ?”
Door #3
“Euphy ?”
Door #4
Isang pinto nalang yung natitira. Andito naman na siguro siya ? dahan dahan kong binuksan yung pintuan.
“Euphy ?”
Pinasok ko yung kwarto niya yata ‘to ? may kama kasi ehh. Hinanap ko siya. Ang laki naman kasi ng kwarto niya ehh ! Nung nakita ko yung kama niya, parang yung pang prinsesa ? yung my parang mga kurtina sa bawat gilid ? kayo na bahalang mag-imagine.
Nung tinignan ko yung left side ng kama, nakita ko si Euphy na nakaupo sa sahig saka nakadukmo.
*Sob*
Teka, umiiyak ba sya ?
Nilapitan ko siya na konti.
“Ano, Eu----phy”
Hindi ko nabigkas masyado yung pangalan niya nung tinignan niya ako. Umiiyak sya !! umiiyak ba siya dahil sa nangyari kanina sa school ?
“Umiiyak ka ba ?”
Di ko naiwasang itanong sa kanya. Nakita kong pinahid niya yung luha niya saka tumingin sakin at pinilit na ngumiti.
“Ha ? hindi ahh ! haha. Napuwing lang siguro ako” – Euphy
Ba’t ganun ? parang, naaawa ako sa kanya ? para siyang batang umiiyak na nawawala at hindi makita yung mama niya.
Lumapit ako sa kanya saka umupo sa tabi niya. Saka ko siya niyakap.
“Tss. Wag mo nga akong lokohin. Pwede mo naman iiyak yan ehh”
Hindi na siya sumagot sa sinabi ko. Umiiyak nalang siya habang nakayakap ako sa kanya. Medyo napayakap din siya sakin.