Chapter 9

312K 4.8K 281
                                    

9

Napakamot ako ng ulo ko habang tinitingnan si Jaysonsa habang kumakain. Pagkatapos naming maglunch kanina ni Emerson, my fiance, at nung makabalik na ako sa clinic, andun na siya. Patiently waiting for me. At dahil nga may usapan kami, kahit na walang siyang appointment, wala akong nagawa kundi ang harapin siya. At ang tinamaan  ng magaling, inabot na kami ng alas sais ng gabi hindi pa rin tapos ang pagtatanong niya. Hanggang sa niyaya na nga niya akong magdinner kasi daw may itatanong pa siya. At para daw isang bagsakan na lang ang tanong niya at hindi na siya pabalik balik sa akin.

Pumayag naman ako siyempre kasi para nga naman hindi na siya maya maya pabalik balik sa akin. Kahit na nga ba sabihing nagbabayad naman siya.

Pero mag iisang oras na kaming  kumakain dahil sa dami ng inorder niya at sa bagal niyang kumain, ay wala pa siyang ni isang tinanong sa akin. Ang mga tinanong niya ay mostly mga personal questions such as saan ako nagcollege, saan ako nagmed, and personal things such as saan ako nakatira.

And now, as I look at him, while he is slowly nibbling on his steak, his intentions becomes quiet clear to me. Lalo na nung ngumiti siya sa akin na parang nagpapacute. No! Not parang! Nagpapacute talaga. Napailing ako at hinintay ko siyang lumunok.

“Tell me, Jayson, nilalandi mo ba ako?” Napatigil ang pagtusok ng tinidor na hawak niya sa steak na kakahiwa lang niya.

“Ha? Hindi ah!”  Dirediretsong sabi niya. Ay, ang walanghiya! Nilalandi nga niya ako. Kasi kung hindi, dapat hindi ganun kabilis ang pagtanggi niya. Kung hindi totoo ang sinabi ko dapat normal lang ang ginawa niya. Hindi yung nagrereact siya agad na parang defensive.

“Neknek mo!” Sabi ko sa kanya!

“Paano mo naman nasabing nilalandi kita?” Tumingin na siya sa akin ng diretso pero huling huli na siya. His initial actions betrayed him at gusto kong sabunutan ang malanding lalaki na ito. Bibiktimahin pa niya ako. Akala niya sa akin? Highschooler?

“I wouldn’t be a Psychologist for nothing.”

“kung alam mo na pala bakit mo pa tinatanong?” Bakit nga ba?

“Siempre dahil gusto kong maconfirm.”

“Then you are not a good Psychologist because you still need confirmation.” Mayabang na sabi niya. Nasalang naman ang ego ko. Loko loko to ah! Akala ko ba nabawasan ang yabang ng mga lalaki kapag may ED? Bakit yung kay Jayson ay hindi?

“Gago!” Hindi ko napigilang sabihin.

“You should not say that to your patient.” Sabi niya na may ngiti na sa mga labi. Ni hindi man lang nag effort na itago ang pagkaamuse niya sa akin.

“Bakit?  Isang doctor ba ang turing mo sa akin nung dinala mo ako dito? Dinala mo ako dito para pormahan, para landiin.” Tapos ngayon kung maka-Patient siya para namang Kataas taasan, kagalang galangan, kapita pitagang anak ng bayan. Pwe! Kung hindi ko pa alam.  

“Kung magsalita ka parang sa motel kita dinala ah.” He sound offended but I know that he is not offended.

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon