Chapter 36

170K 4.5K 442
                                    

36

Pagka iwan niya sa akin, dumiretso na din ako sa cottage ko. Nawalan na ako ng ganang maligo pero kinain ko pa din ang inorder niya. Nagutom ata ako sa usapan namin and besides siya naman ang kumain ng inorder ko kaya dapat lang na kainin ko din ang inorder niya.

Kinaumagahan, alam ko na agad na wala akong peace na makukuha sa lugar na ito dahil nandito si Jaysonsa. Katulad na lang kagabi, hindi ako masyadong nakatulog kaya tinanghali ako ng gising. Plano ko pa naman sana maligo sa dagat ng maaga para hindi pa masyadong mainit. Gusto ko na din na magcheck out na lang pero pinareserve ko ang cottage for five days at nanghihinayang ako sa ibinayad ko.

Bumangon na ako at nagshower tapos lumabas ng cottage para makakain pero nasa balcony pa lang ako nang cottage nung matigilan ako.

I saw Jayson jogging on the seashore. Pero kakaibang jogging ang ginagawa niya dahil pabalik balik lang siya. Mga 10 meters lang ang distance ng tinatakbo niya tapos babalik na naman. And worst sa katapat lang ng cottage ko siya nagjojogging kaya naman makikita niya talaga ako pag lumabas ako ng cottage.  Hindi ko alam kung gaano na siya katagal nagjojogging pero siguro kanina pa niya ginagawa yan dahil sa trace na nasa sand. I groaned. Talagang tinotoo niya ang sinasabi niya.

Kahit na labag sa loob ko. Lumabas ako ng cottage at nagkunyaring di ko siya nakikita. Pero lalo akong nainis nung sumunod siya sa akin. Hindi siya nagsasalita. Nagjojogging lang siya habang nakasunod sa akin. Mas lalo kong binilisan ang lakad ko pero nakasunod pa din siya. Nairita ako kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na lingunin siya.

“Ano ba!” Singhal ko sa kanya. Ikaw ba naman sundan na parang aso tingnan ko lang kung di ka mairita.

Tumigil siya sa pagsunod sa akin, este sa pagjogging nung tumigil din ako. Ang mas nakakaasar, tumingin muna siya sa paligid na para bang hinahanap kung sino ang kausap ko. Talagang sadyang iniinis niya ako.

“Ako ba ang kausap mo?”Painosenteng tanong niya.

“Hindi po! Ang buhangin ang kinakausap ko!” Bwisit! Ang aga aga.

“Ahhh..okay.” Sabi niya tapos nag jog in place. Hindi ako makapaniwala sa pinag gagawa niya.   Parang masisiraan ako ng bait sa kanya.

“Jayson, pwede ba, tantanan mo ako?” Sabi ko nung hindi na ako makatiis. 

“Bakit? Inaano ba kita? Nagjojogging lang naman ako. Bawal na ba magjogging?” Painosente pa ding sabi niya.

“Ewan ko sa’yo.” Tapos tumalikod na ako at naglakad nang mabilis. At naramdaman ko na naman ang pagsunod niya sa akin. Kung hindi ba naman baliw. O baka naman, ginagawa niya yan para mabaliw ako? Pero kahit na asar na asar na ako sa pang aasar niya, hindi na ako ulit lumingon para tingnan o kausapin siya. Mapagod siya kakajogging!

“Hi. Nagjojogging ka din?” Narinig ko ang boses ng isang babae. Hindi ako lumingon.

“Yes.” Sagot naman ni Jayson. Sino na naman ang kausap niya? Gustong gusto ko nang tingnan sila pero pinilit ko ang sarili ko na hindi gawin yun.

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon