Chapter 42

149K 4.5K 356
                                    

42

I am disoriented. I can’t barely breath. Pakiramdam ko may dumadagan sa buong mukha ko. Pagdilat ko, nakita kong nakatakip sa mukha ko ang air bag ng kotse ko. I looked around me. Walang tao sa paligid. I maneuvered myself para makaalis sa upuan ko at tiningnan ang kotse na nasa harap ko.

Then bumalik sa akin ang nangyari bago ako maaksidente. Hidni naman mabilis ang takbo ko, normal lang kasi nga may iniisip ako. Pati din ang item na kotse sa harap ko. At dahil nga busy ako sa pag iisip hindi ko napansin ang dalawang motorcycle na biglang nag overtake sa kotse ko at tumapat sa itim na kotse na nasa harap ko at tapos pinagbabaril nila ang kotse. It was all so sudden. Biglang tumigil ang kotseng nasa harap ko and it was too late for me kaya hindi ako nakapagbrake kaagad.

Upon realizing what happened, bigla akong nagtago. Baka kasi andun pa ang mga bumaril at ako ang balikan. Nung napagtanto ko na wala, tsaka ako ulit sumilip sa windshield. Walang movement sa kabilang kotse pero nakita ko na may dalawang kotse na tumigil at may bumabang pasahero at pumunta sa kabilang kotse.

AT dahil siguro isa akong doctor, nangibabaw ang instinct ko kaya nagmamadali akong bumaba ng kotse ko at pumunta sa kabilang.

“Miss ano ang nangyari?” Sabi ng lalaking lumapit sa kotseng itim.

“May bumaril sa kotse nila.” Agad akong tumingin sa loob ng kotse at nakita kong duguan na ang driver. May lumapit din na isang babae. Siguro asawa ng kausap ko kanina.

Kaya ang ginawa ko pinabuksan ko ang kotse sa may passenger seat at pinatawag ang babae sa police at sa hospital. Pagkabukas ng itim na kotse, nanlumo ako sa nakita ko sa driver. Madami siyang tama ng baril at isa sa ulo. At tagos iyon. He’s dead. At nung mapatingin ako sa passenger seat narinig kong umuungol ang taong andun kaya nagpatulong ako sa lalaki na ibaba para mabigyan ng first aid ang biktima.

After 10 minutes dumating ang ambulance at isinakay ang mga biktima kasama ako.

“Doc, okay ka lang?” Tanong ng Medic sa akin na nagkataon na kilala ko naman.

“Okay lang ako. Nabagok lang ako pero okay lang ako.”

Pagdating namin sa hospital ang dami nang media. Doon ko nalaman na senador pala ang biktima.   At kahit na ayaw kong magpatingin, chineck pa din ako. Pina CT scan pa ako. At habang nakaupo ako sa hospital parang sinampal ako ng katotohanan. 

Paano kung walang airbag? Paano kung sobrang bilis ng takbo ng sasakyan ko? Paano kung namatay ako?

I shook my head to erase the unpleasant thought.  

And I realized life is too short and too unpredicatable. Love is too fragile to be wasted. Kung may nangyari sa akin, hindi ko masasabi kay Jayson ang gusto kong sabihin. Mamamatay ako na nag aaway kami. Magiguilty siya and who knows what might happen next. Mamamatay akong hindi masaya dahil mas pinairal ko ang pride ko.

Napalunok ako sa mga pinag iisip ko.  No…I can’t allow it to happen.

“Doc, cleared na po kayo. Okay naman po ang CT scan niyo.” Napatingin ako sa Nurse sa ER at tumango. Tapos nagmamadali akong lumabas ng ER at lumabas ng hospital. Nagmamadali ako kasi gusto kong makausap na agad ni Jaysonsa.

Pero kung akala ko, makakalabas agad ako sa hospital, nagkakamali ako dahil paglabas na paglabas ko sa entrance dinumog na ako ng media. Pati ang nakabantay na guard sa hospital walang nagawa.

Tinanong nila ako tungkol sa mga nangyari at sinagot ko naman sila based sa mga nakita ko. Nung masatisfy na siguro sila, nagpasalamat sila at bumalik na sa mga pwesto nila. And then an  idea occurred to me.

“Teka lang, teka lang.” Sabi ko sa isang reporter ng isang sikat na TV network.

“Yes po Doc?” Nakangiti pang baling sa akin ng reporter.

“Pwede mo ba akong kunan? May sasabihin lang ako.” Kumunot ang noo niya at mukhang hindi pa papayag kaya wala na akong nagawa kundi sabihin sa kanya ang gusto kong gawin. Napangiti siya.

“Sige pero hindi live ah. Pero pipilitin kong isingit mamaya pag nag update kami sa evening news.” Sabi pa niya. Nagpasalamat ako. Pero nang itinutok na sa akin ang camera, nanlalamig na ang kamay ko. Pakiramdam ko pati boses ko nanginginig na. Ninenerbiyos ako.

Pero kung hindi ako magkakalakas ng loob ngayon, kelan ko pa sasabihin? Magsasayang na naman ba ako ng panahon ulit?

Sinenyasan ako ng cameraman na start na. Tumikhim ako ng ilang beses at pumikit tapos huminga ng malalim. Then I looked at the camera and began speaking.

“Jaysonsa Ivanne Aldueger, oo na. I love you too. Inaamin ko na. I’m sorry kung hirap akong sabihin. I’m sorry if I am not vocal with my emotions but what happened a while ago made me realize that I need you and I need to say it to you. Kailangan kita sa buhay ko. Alam mo naman siguro kung gaano nakakahiya itong ginagawa ko pero…mas mahirap kapag hindi ko pa sa’yo nasabi ang nararamdaman ko. Because that is the only thing that stop us from being together. At ang hirap pala ng buhay kapag wala ka. Hindi na halos ako makatawa. Your absence bothered me so much. Hindi na ako makatulog sa pag iisip sayo. At dahil dyan pwede bang tayo na ulit? And will you marry me? Yes, magpapakasal na ako sayo. Kahit saang simbahan, hindi na ako magmamatigas. Hindi na ako mag iinarte. Promise.”

“Kaya kung mahal mo talaga ako like you said so, makikipagbati ka na sa akin dahil kong hindi…” I hesitated.

“Susunugin ko ang lahat ng gamit mo na naiwan sa akin at isusumpa ko ang lahat ng kulot na lalaki sa mundo.” Huminga ako ng malalim at pumit.

 “At kung mahal mo talaga ako, you wouldn’t subject me to another cold lonely night, would you?”

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon