Chapter 38

157K 4.5K 566
                                    

38  

And his hand landed on my breast just on top of my bikini top. Napaigtad ako at napapiksi.

“Ano ba!” Reklamo ko habang inaalis niya ang mga buhangin sa katawan ko. Pakiramdam ko kasi hindi normal ang ginagawa niya. Pakiramdam ko nananantsing na siya. Kanina nasa pwet ko ang kamay niya and I swear pinisil niya ito. Hindi nga lang ako nagreklamo kasi sobrang bilis ng nangyari pero ngayon, hindi ko na mapapalagpas ang kapangahasan niya.

“Bakit ba? Ikaw na nga itong tinulungan, ikaw pa ang galit.” Painosenteng sabi niya. His hand on my stomach at inaalis more on, hinihipo ang tyan ko.   

“Paanong hindi ako magagalit eh hinihipuan mo na ako! Akala mo hindi ko napapansin?” Napatigil siya sa ginagawa niya.

“Akala mo lang hinihipuan kita kasi malisyosa ka. Malinis ang hangarin ko Roselyn. Ikaw itong nagbibigay ng malisya. At isa pa, para namang hindi ko pa nahawakan ang lahat ng yan.” Nag init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

Bitiwan mo na nga ako. Magtatampisaw na lang ako sa dagat para maalis ang mga buhangin.” Inismiran ko siya.

“Kanina pa ako nakabitaw.” And he smirked dahil napahiya ako sa sinabi niya. OO ng ano? Kaya naman, tumalikod na lang ako at nagsimulang maglakad papuntang dagat. 

Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin hanggang sa makarating kami sa dagat.

“Race tayo.” Sabi niya na para bang hindi kami magkaaway  at nagbabakasyon kami sa resort na ito. Nakakaasar lang kasi ako, apektadong apektado, samantalang siya, mukhang walang problema.

“Race mo mukha mo! Pagkatapos mong makipaglandian sa babae sa lounge chair, sa tingin mo makikipag race ako sa’yo?” Himutok ko which earned chuckle from him. Mukhang amuse na amuse siya  sa mga nangyayari.

“Selos ka na niyan?” Bulong niya sa akin sabay lagay ng kamay niya sa bewang ko. Napakislot ako at parang nanayo ang mga balahibo ko sa katawan.

“Selos ka dyan! Hindi ko ugaling magselos sa mga hipon.” Tumawa siya ng malakas and my heart melted. Ang tagal kong hindi narinig ang kanyang tawa. 

“Okay. Sabi mo eh. Pero hindi naman masama ang umamin eh.” Naramdaman kong lalo siyang lumapit sa akin. Nilalandi ba ako ng lalaking ito? Akala ko ba ako ang manlalandi? AT bakit nga ba hindi natuloy ang paglalandi ko sa kanya? Ahh… dahil nainis ako dahil may kalandian siyang iba.

“Wala akong aaminin dahil…” Natigil ang pagsasalita ko nung may biglang tumili. Napalingon ako sa lugar na may tumitili and I saw a bobbing head sa medyo malayo kung saan lampas tao na ang tubig.

“”May nalulunod.” I muttered and lalanguyin ko na sana nung may humablot sa kamay ko.

“At saan ka pupunta?” Matigas ang boses na sabi niya sa akin.

“Tutulong…”

“Dyan ka lang. Hindi pala. Umahon ka. Doon ka sa pinaglibingan sa’yo. Wag kang umalis doon. Hintayin mo ako.” Tapos lumangoy na siya palayo sa akin papunta dun sa nalunod. Wala akong nagawa. Alangan naman na makikiepal pa ako. Umahon na lang ako katulad ng sinabi niya at pumunta sa ‘pinaglibingan’ sa akin. Nagulat pa ako nung makita kong dalawang baso na ng shake ang nakapatong sa lounge chair. Yung isa yung kay Jayson at yung isa, wala pang bawas. Umupo ako sa lounge chair at ininom ang shake.

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon