06 | Teal Blue

898 42 3
                                    

Simula nang malaman ni Venice na sinasaktan ko ang sarili ko ay todo bantay na siya sa akin, ayaw niya kasing sinasaktan ko ang sarili ko. Ganyan si Venice ka bait. Mahal na mahal niya ako bilang isang kaibigan, ganun din ako. Pero may mga bagay talaga na kailangan kong iwan eh.


Ngayon, Christmas party na, at nagkayayaan naman ang buong klase na mag-outing ngayong gabi sa isang resort na pagmamay-ari ng kaklase namin. Pumayag naman kami kaya pagkatapos-na pagkatapos ng party ay agad kaming sumakay ng jeep na nirenta namin, sabi nga nila on the spot na'to. Haha. Nakarating na rin kmai ng walang problema sapagkat 'di naman gaano kalayo ang town na kung saan located ang resort.


And right now? Kasama ko si Venice, as usual. She's been guarding me. Para nga ako 'yong aso siya 'tong amo. Palagi niya akong kasama at siya naman ang nababantay sa akin. But still, I'm thankful kasi nandiyan siya palagi sa tabi ko. Nag-aalala. Hahaha.


Nakasuot lang naman ako ng oversized na T-shirt, tapos boxer sa loob ko. Pero kita parin ang legs ko. Hehe. Ganito kasi ako paminsan, malandi sa pananamit.


So, nagsimula na kaming mag-swimming sa swimming pool ng resort, hanggang sa inbutan na kami ng dilim. Enjoy na enjoy pa nga kami tutal kami nalang ang naiwan sa swimming pool. Maybe, hanggang eight lang open ang swimming pool nila eh.


Enjoy lang namin ang buong swimming ng mga kaklase ko, last na kasi namin 'to na outing na magkakasama. Agad namang dumating si Blue at nakisabayan sa amin, si Blue ang tipo na may sariling mundo niya. Kaya madalang na nakakasama siya sa mga outing na'to. Idagdag mo pa na pinilit talaga namin siya na sumunod, at 'yon nga napa-Oo namin siya.

Nakasuot lang si Blue ng pulang checkered na boxers, bakas na bakas ang hubog ng katawan niya sapagkat nababatak sa paglalaro ng basketball. Agad naman akong natameme nang makita ko siya sa harapan ko pa mismo.

Mistulang nagbabalik na naman lahat-lahat sa akin.

Na-iinlove na naman ako.


I promised Venice, na hindi na ako maiinlove sa kaniya. Pero nagbalik na naman. Lumapit si Blue sa akin atsaka kinausap ako, "Alam mo bang lumangoy?" Tanong nito sa akin.


Umilling lamang ako, hindi kasi ako ang tipong mahilig lumangoy at magpa-beach. Simula nang bata ako, every-other year lang kami nagpapa-beach kaya naman ang tanga ko when it comes to swimming. Tumawa naman si Blue.


Shocks, ang lapit niya sa akin. Nate-tempt akong hawakan ang katawan niya.

Pull yourself together Terrence. Kailangan mong mag-move on.


"Gusto mong turuan kita?" Tanong ni Blue sa akin nang matapos siyang tumawa.


"'Wag na." Ani ko naman sa kaniya, kumunot ang noo nito. "Bakit naman?" Tanong ito ulit sa akin.


"Hindi ko na kailangan ng tulong mo." Saad ko pa.


Nag-akto siyang nasaktan sa sinabi ko, "Ouch." Ani Blue.


Biglang lumapit si Venice sa aming dalawa atsaka bigla akong hinila ni Venice palayo sa kaniya. Pumunta kami sa kids section ng swimming pool.

"Diba sabi kong 'wag ka nang makipag-usap sa bastardong 'yon?" Nagagalit na sinabi sa akin ni Venice. Sumimangot lang ako.

"Sorry. Eh kasi naman, bigla siyang lumapit." Sagot ko dito.

"Kahit na. Next time na makita ko kayong dalawa, sasampalin ko yang pwet mo." Banta ni Venice, tumawa naman ako. "Hay nako, magswimming na nga kang tayo." Aya ko sa kaniya.


"Promise mo ha?" Paninigurado ni Venice sa akin.


Nagpanata ako sa kaniya. "Promise."


Pero hindi ko alam na masisira ko pala 'yon. Sumapit ang alas-otso ng gabi atsaka pina-alis na kami ng swimming pool. Nagyaya ang buong klase na kumain na at magchika-chila daw later. At 'yon nga, hanggang sa nagsitulog na lahat-lahat. 'Di na kasiya ang loob ng cottage na kinuha namin, inaya akong matulog ni Venice sa gilid niya pero sinabi kong ayaw ko munang matulog.

Pero sa totoo niyan, gustong-gusto ko na talagang matulog. Napatingin ako sa orasan ko, alas-onse na ng gabi at lahat ng mga kaklase ko ay humihilik na. Patay tulog sila, sapagkat pagod sa byahe. Napatingin ako sa kanilang lahat.


Ang saya lang na makita silang lahat-lahat. Last na namin 'to na pagkikita.


Nakaupo lang ako sa labas ng cottage, kung saan may mga green na damo. Tanging tunog lang ng mga insekto ang naririnig ko. Nakikita ko ang malawak na kalawakan. Umupo lang ako dito atsaka nakinig ng music.


Nabigla naman ako nang may kumalabit sa akin. "Ay toko." I yelled, silently.

Tumingin ako sa taong kumalabit sa akin.

"Got a minute?" Ani ni Blue.

© 051916

BLUE (boyxboy)(bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon