08 | Stone Blue

959 43 1
                                    

Simula nun, 'di na nagpaparamdam si Blue sa akin. Nabalitaan ko ring wala na sila ng girlfriend nito, at may bagong dine-date na naman. January nang nagkaroon kami ng team-building at mga tips para sa college daw sa simbahan malapit lang sa amin. Nalate pa nga siya ng dating nun, kasama ko ngayon si Venice as usual. At nagkaroon kami ng mga masasayang team building exercises, enjoy na enjoy ako. Ang saya lang, tawa kami ng tawa. Parang wala lang akong problema. Pero sa totoo, ang sakit-sakit ngayon ng pakiramdam ko.


Medyo nilalagnat rin ako.


Masakit ang ulo ko. Parang bibiyak na.


Sabi nga nila, ang puti-puti ko na daw nowadays. Sekreto kaya 'yan ng mga magaganda.

Tumulo rin ang dugo sa ilong ko kaninang unaga nang magising ako. Pero tinawanan ko lang naman. Diyan lang naman ako magaling eh, tumawa.



Nagtagal ang team-building ng ilang oras, susunduin sana ako nina Mama at Papa dahil pupunta rin naman sila sa Mall ngayong gabi upang maghaponan pero sinabihan ko nalang sila na sila lang. Hindi rin nga ako makapaniwalang bati na sila.


"Kanina lang." Sagot ni Mama sa akin nang tanongin ko kung bati na ba sila.

"Masaya ako para sa inyo." Sabi ko kay Mama at Papa atsaka hinalikan sila sa pisnge.

"Are you sure na 'di ka sasama?" Tanong ni Mama, tumango lang ako. "Sige, mauna na kami. Uuwi naman kami Terrence eh. Ingat ka mamaya ha?" Pa-alala ni Mama. Tumango ulit ako. Atsaka umalis na sila, bumalik ulit ako sa simbahan.


Sasabihin ko sanang masakit ang ulo ko ngayon kay Mama at magpapa-check-up sana kami pero 'di ko na nasabi. Sige na lang, mamaya na lang ng gabi.


Tumagal ang exercise ng ilang lras hanggang sa magalas-otso na ng gabi. Naiwan ako sa loob sapagkat ang dami-dami ng mga gamit  na naiwan ko. Katatapos lang nga namin maglaro ng Longest Line. 'Kaya naman nagbihis na ako ng damit at lumabas ng banyo nang makita kong kasa-kasama ni Blue si Ellen.


Si Ellen, ang babaeng nililigawan daw niya.

Nalungkot ako.

Pero napaupo ako sa gilid nila. Kasi wala naman akong choice eh, kaysa naman lalabas ako na walang sapatos. Inayos ko ang sapatos ko.


"Ako na." Sabi nalang ni Blue atsaka inayos ang sapatos ni Ellen.


Natulala ako, feeling ko kasi  gumuho ang mundo ko. At natapos na lahat-lahat. Napatingin ako sa kanilang dalawa.

Bagay na bagay silang dalawa.

Kaya naman binilisan ko ang pag-ayos ko ng sapatos ko atsaka dali-daling lumabas. Nagpasama ako kay Venice na umuwi. At naglakad naman kami sa kung saan may bantayan ng van. Wala na kasing mga tricycle ngayon.

Habang papunta kami sa bantayan ay kinausap ko si Venice.


"Ven, may sasabihin lang ako ha."


"Ano 'yon?" Tanong nito sa akin.



"Nakita kong linalandi ni Blue si Ellen. Bagay na bagay sila." Umiyak ako sa harap ni Venice ulit. "Binigay ko na lahat sa kaniya. Bes bakit 'di parin sapat?" Hagol-gol ko dito. Napahawak ako sa leeg nito, nahihilo ako.


Alam na rin ni Venice ang nangyari sa amin ni Blue. Pero naging tahimik lang ito ayaw niya kasing pagusapan, ang dumi-dumi kasi.


Hinawakan ako ni Venice sa likod at hinimas-himas ang likod ko para itahan ako. Iyak ako ng iyak, huminto kami sa gitna ng pavement atsaka umupo sa mga damuhan. "'Hindi ko na alam kung ano gagawin ko Ven." Iyak ako ng iyak sa harap ni Venice.


"Mahal ko siya."


"Hindi ka niya mahal Terrence."


"Eh ano 'tong nangyari sa amin?" Pagmamaktol ko. "Ano 'yon?"


"Bugso lang 'yon ng temptasyon niyong dalawa. Iba 'yon Terrence." Mahina pero seryosong sinabi ni Venice sa akin. Naramdaman kong may pumitik sa leeg ko, malapit sa batok ko.

"Aray." Bigla kong sinabi.

May bumosena sa harap namin na isang sasakyan, sa loob si Blue nagda-drive. Tumingin siya sa akin, na parang-nag-aalala. I dried my tears off, atsaka ngumiti lang ako sa kaniya. Pero 'di ko alam kung anong pumasok sa isipan ko dahil nagsalita ako sa kaniya.


"I love you Blue." Akala ko di niya maririnig ang sinabi ko pero tumama ang dalawa niyang kilay.

"Bye." Sinabi ko na lang sa kaniya. Napatingin si Venice sa akin, sumasaki na ang leeg ko at parang mina-migraine ako.

Napayakap ako kay Venice. 'Di ko alam pero feel ko lang talaga. "Bes, I love you always." Bigla kong sinabi sa kaniya.


Biglang bumaba si Blue sa harap naming dalawa, bawal mag parking diyan. Haha.

Hinarap niya ako, ngumiti ako sa kaniya. 'Di ko alam pero gusto ko sanang tumayo pero Hindi ko kaya. Niyakap ko lang naman si Venice.


"Terrence?" Sabi ni Venice sa akin.


"Oh?" Mahinang-mahina kong sinabi sa kaniya.


"Terrence?!" Sigaw ni Blue.


Gusto ko pa sanang magsalita pero nang sasalita na ako, mistulang nabura lahat-lahat sa paligid ko. Wala akong makita, kundi puro kulay Bughaw, 'di naman 'to kalawakan dahil walang mga ulap. Hindi ko alam ang nangyayari pero para akong nahuhulog sa isang infinite cliff. Malamig na malamig.


Pero ang paghulog ko, dahan-dahan lang.

May mga nagpe-play na video sa paligid ko.

Puro sila kasama si Venice, si Blue, mga Classmates ko at ang pamilya ko. Pero may video na nakapagtuon pansin sa akin.


Sa video na'to, nakahiga ako sa damuhan. Kasama si Venice at si Blue, humagol-gol si Venice. Si Blue, kinarga ako.


Then.

I realised everything, wala na pala ako.

May naririnig akong pamilyar na boses.

"Terrence, sabi ko sayo maghintay ka lang sa akin eh!"


Si Blue.


Napangiti ako habang ino-obserba ito, "Huli na lahat Blue." Ani ko sabay tingin sa paligid ko, I closed my eyes.


Huli na lahat.

© 051916

BLUE (boyxboy)(bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon