Chapter Three

34 11 2
                                    

Alas 8 ng umaga, maaga pa rin akong nagigising kahit na rest day ko. Nasa hapag kami, kumakain ng almusal nang biglang tumawag si kuya. 

"Hello, kuya? napa tawag ka." sambit ko.

"Aniah, tumawag sa 'kin si tita Fely, tinatanong niya kung pumayag ka na daw."

"Eh kasi kuya di ako makapag decide kung go-go ako oh hindi e."

"Okay naman daw ang trabaho dun, malaki ang sahod tapos after ng shift mo pwede ka pa gumawa ng ibang trabaho. Usap tayo mamaya pag uwi ko ha, video call natin si tita para makapag usap kayo, okay ba yun?" 

"O sige kuya, I'll wait for you." I hung up.


"Oh ano sabi ng kuya mo?" tanong ni mama.

"He's still barging me about tita Fely's offer." napa simangot ako sa isip ko.

"E ano ba ang desisyon mo? Di ba ang plano mo naman talaga e sumunod sa kanya sa america? matagal ka na rin iniintay ng tita mo dun," tumayo si mama papunta sa sink. "Alam mo naman na paborito ka nang kapatid ko na yon, kaya kulit siya ng kulit."

"Iniisip ko kasi kayo ma, lalo na si Sophia ko. Baka malungkot kayo dito." 

"Ano ka ba naman Aniah, malaki na si Sophia at nasa high school na siya. Kaya ko naman na siyang alagaan kung un ang inaalala mo. Tsaka, wala naman yang ibang pinupuntahan kundi bahay at school lang. Depende nalang kung pupunta siya sa daddy niya or sa bestfriend nyang si Patty. Malay mo dun mo pa ma meet ang soul mate mo." si mama talaga nag biro pa.

"Kakausapin ko na rin po muna ang anak ko at ang daddy niya, tsaka kelangan ko pang mag paalam sa trabaho ko."


Gusto ko naman talaga na maka alis at i-try kung ano ang buhay na meron ako sa america, kaya lang, iniisip ko kasi si Sophia e. Padalaga na siya, tapos saka naman ako aalis. Kung aalis naman din ako at di ko magudtuhan ang trabaho ko don, pwede rin naman akong umuwi.


___________


Nasa salas kami nang dumating si kuya. Nandon kami lahat nanonood ng movie. Nag mano muna siya kay mama bago umakyat pataas at nagbihis. Pagka baba niya ay umupo siya kasma namin.

"Kumain ka na ba 'nak?" tanong ni mama.

"Yes ma, I already had dinner with Trina." biglang napa tuon ang tingin ni kuya sa akin.

"Oh nga pala Aniah, ano na?" natatawa niyang sabi, alam siguro niya na medyo nakukulitan na ako sa kaka tanong niya.

Tinaas ko lang ang balikat ko. Nakaupo ako sa isang maliit na sofa habang nakahiga naman si Sophia sa hita ko.

Lubamas si mama galing sa kusina, may dala siyang popcorn at juice na nakalagay sa isang tray. Samantala, si kuya ay kinokontak na si tita Fely.


"Hi tita, how are you?" bati ni kuya, sabay tingin sa akin.

"Fely, kamusta na? You look so pretty." bati rin ni mama.

"Okay naman ako, kayo jan? And where's my favorite inaanak slash pamangkin? I wanted to talk to her."


Ibinigay sa akin ni kuya ang iPad niya. 

"Hey, tita. It's good to hear you're okay." bumangon si Sophia at kumaway sa camera.

"Hi, Sophie! I missed you! You are so beautiful," tita Fely said, blowing a kiss to Sophia.

Sophia blew back a kiss, "I miss you too, lola." 


"Ano anak? nakapag desisyon ka na ba?" i purse my lips together.

"Hmmm... Nag dadalawang isip po ako tita e." sagot ko.

"Why don't you just try? Diba sabi ko naman sayo na kung di mo naman magugustuhan dito e pwede ka naman bumalik dyan. Ayoko pati na kumuha ng ibang assistant e. At alam ko pati na magaling ka." 

Honestly, I still can't decide kung ano ang isasagot ko. Wala naman na akong ibang poproblemahin dahil may passport na ako.


"Ganito nalang po tita, give me one last week para maayos ko ang mga dapat kong ayusin," pinapakinggan lang nila at ni tita ang sinasabi ko. "Gusto ko pa rin po na kausapin si Andrew at Sophia bago ako mag desisyon," dagdag ko pa."

"Alright I understand, but promise me you'll have your decision within this week. Okay?" I can see her frown.

"Yes, tita I promise." I smiled at her.

"Miss na kita anak ko,"

"Miss na rin po kita tita. Ingat ka jan ha? Ikamusta mo nalang ako sa boyfriend mo." Biro ko pa.

"Ikaw talaga, sige, paki bigay mo kay mommy mo, please." I blew her a kiss before I pass the gadget to mom.


____________

I invited Sophia to sleep beside me tonight, para na rin maka usap ko siya sa mga plano ko. I was brushing her hair and I start to get in the topic.

"Sophia," simula ko.

"Yes mom?" she responds.

"Si tita Fely, she was offering me a job. I don't know if I should take it or not," She turn to face me. "Iniisip ko pa kasi baka malungkot ka, tsaka sila mama, diba?" She was silent and just listening.

"I just want to know your reaction about it first, before I make a decision." I tuck a hair strand in her ear.

"Mom, I'm going to miss you of course, but whatever makes you happy would makes me happy too." She gave me her warmest smile. "And besides, I'm a big girl now. Nandyan naman po si lola para samahan ako, pati sila tito." 

"So, hindi ka magagalit kay mommy pag umalis ako?" She shook her head. I smile and pull her for a hug.

"Thank you baby, I need to talk to your dad too." 


________

"What?! mag reresign ka na??" gulat at pasigaw na sabi ni Klara.

"Wala naman mawawala pag nag try ako diba, kasama ko naman ang tita ko at sa opisina niya ako magtatrabaho." Nag aayos na ako ng table, lunch break na namin. Dumaan muna ko sa opisina ni sir Frank.

I knock before I enter. Nakaharap siya sa computer niya nang pumasok ako, "Sir, lalabas lang po kami para mag lunch." 

He lifted his gaze to me, "Okay, enjoy your lunch." he said and smile his coolest smile I've seen from him.

"Do you me to buy you anything, sir?" 

"I'm fine, thank you," lalabas na sana ako nang bigla niya akong pinigil. "Wait, Aniah." Lumingon ako, "I just want to ask if you could join me later for dinner?" nabigla ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, hindi ko naman , mahindian dahil siya ang boss ko. "But, if you already have plans," bago pa siya matapos ay sumagot na ako, "Okay sir, dinner sounds fine." I smile and shut the door behind me and head out with my two girlfriends, Klara and Jeff.

Yes, Doctor?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon