Chapter nine

22 7 0
                                    

Hi love ko! Sana magustuhan mo itong next chapter ko. By the way, I was just thinking na i-jump ko na ang story ko sa mas exciting na part. Suggestions/comments are open so feel free to jump in okay?

Sorry about the mistakes!

Thank you Love!!! enjoy! :*

______________________


Ang sarap talaga sa pakiramdam na alam mong nasa tabi mo lang sya... gigising ka ng umaga na sya agad yung makikita mo.... mag-lalakad kayo sa park na magkahawak ang mga kamay nyo... Haaaaysss! Sana wag nang matapos ang two days na 'to!


"Love, what do you want for lunch?" I asked Francis. Naka upo ako sa sofa habang sya naman ay nakahiga sa hita ko. Ganito lang talaga ang gagawin namin buong araw, katulad nga ng sinabi nya last night. We made breakfast, shower together, brush our teeth together, selfie sa lahat ng kilos namin (except shower :P) , nood ng movie, at kung ano ano pa.

His eyes were still on the tv screen, "Ikaw love, ano ba'ng gusto mo? Kung gusto mo kain tayo outside? buy tayo nang kahit na ano... para makabili din tayo ng pasalubong kila Sophia?"

"Uhmmm.. pwede rin love... Sige ganun nalang gawin natin today. Pwede daan din ako sa bahay? Nahihiya ako na sa phone lang ako nagpaalam kay tita kagabi e."

"Okay love, it's fine." tumayo sya at hinila ako. "Lets go? I'll let you borrow another shirt..." pabiro nyang sabi, "Anyway, my shirt looks good on you." then he wink.


____________


Pumunta kami sa isang mall, nag shopping kami ng mga pasalubong para kila mama at sa family na rin nya. Naghahahanap na kami ng resto na kakainan namin nang bigla kaming matapat sa isang store na may naka display na couple shirt. Tumigil sya at hinila ako.

"That looks nice." Francis said. "Let's buy it, love."

I sip my juice at lumingon sa tinutukoy nya. Hindi na nya inintay ang sagot ko at pumasok na agad kami sa store na iyon. Lima. OO limang couple shirt ang binili nya para sa aming dalawa. Pag-labas namin ay suot-suot na namin ang isang pair shirts na binili namin, white shirt na may tatak na paborito nyang super hero si Iron Man. Bumili kami ng pair shoes, slippers, cap, bracelets at kung anu-ano pa!

"Love...." I said, my lips pouted.

"Hmmmm? ano yun love?" tanong niya.

"My feet hurts... I think it's enough of walking?" palambing kong sabi.

He hold my chin up, "Okay, let's go home then." then took a peck on my lips.


___________


Pag-akyat namin sa hotel ay dumiretso na agad ako sa kwarto. Sobrang sakit ng mga binti ko... Habang ipinapahinga ko ang sarili ko sa kama ay naisip ko na tawagan ko si Sophia. 'Ano ba'ng oras na sa Pinas?' isip-isip ko at tumingin ako sa watch ko.

"Hi 'nak! how are you??? miss na kita baby ko!" Bati ko sa kanya pagka sagot nya ng phone nya.

"Mom! miss na rin po kita! Nandyan pala si Tito Francis? kamusta po kayo dyan?"

"I'm fine baby, and so as Tito Francis. Tulog na ba si mama?"

"I guess yeah, it's almost mid-night na rin po e."

"Oh I see, but why are you still awake?"

"E nag ring po ang phone ko nakita ko po ikaw yung tumatawag kaya sinagot ko na po." I can see her smile from the line.

"Ah.. kumain ka na ba?"

"Yes po. Ikaw mom?"

"Kumain na kami sa labas 'nak. Sige na matulog ka na baby ko. Wag ka na mag puyat, okay? I'll call you again. Love you baby ko, miss na miss na kita! Ingat kayo dyan ha? Pray before you go to sleep."

Yes, Doctor?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon