Hinde pero YES talaga.

108 4 4
                                    

“Ui nabasa niyo na yung poster sa bulletin board? Mygosh! Sana makuha ako dun.”

“Oo nga sana ako din! Graabe, pwede na ko mamatay pag nangyare yun!”

“OMG!!! EXO-K will be picking students here? Ohmygosh! Need to call my mom.”

“Kyaaah! Sana ako makuha, para makasama ko na si Chanyeol.”

“Nako! Si Sehunbaby andun!” *insert tumataginting na mata here*

Lahat sila busy sa pagkakakilig nila dun sa bulletin board sa may office ng mga teachers. Ewan ko ba di ko pa nakikita yun eh. Di rin ako interested dahil wala akong interes dun! Di ako nabibilang sa kanila. Hindi ako kabilang sa mga kabataang nahuhumaling sa mga artista! Di ako against or hater ng mga yan pero wala lang talaga akong interest. Paano ako nawalan ng interest sa mga artistang hinahangaan ng mga kabataan ngayon? Simple lang. Ikaw ba naman ang anak ng sikat na Manager ng mga artista eh hindi mo malaman yan.

Bukod sa wala akong interest eh di ako natutuwa sa kanila. Dahil sa mga artista nawawalan ng oras samen ang papa ko bago siya mamatay. At ipinaalam niya saken na wag ko daw gustuhing pumasok sa showbiz dahil puno lang daw ng kasinungalingan ang industriya na yan kaya eto ako ngayon mas pinipiling magkaroon ng oras sa mga bagay na mas makatotohanan.

Oo isa lang din naman akong commoner. Masyado mang cliché pero totoo naman eh sa buhay masasabi mong masyado ng magkakatulad ang nangyayare. Well sa dami ba naman ng tao sa mundo ewan ko na lang kung di pa kayo magkapare-parehas ng papel sa buhay.

“Beshi!” sigaw ni Ayako. Half Japanese half Pinay na bestfriend ko.

“Ano na yang chika mo? Yung pinost na naman sa bulletin board! Pwede ba. Alam mo namang wala akong interest jan eh. Iba na lang chika mo. Grades mo ba nakita mo na?” sabay sandal ko sa upuan ko at nagcross arm.

“Naku! Eh kahit naman ata di ko na tignan yun alam ko na kalalabasan…Araaaay!” sigaw niya after kong hitakin ng mahina yung laylayan ng buhok niya na nakatirintas.

“Ano bagsak? Di pwede Ayako Michuiya ha! Tigilan mo ko. Nireview kita di pwedeng bagsak ka.” Oo ako na nagreview sa kanya dahil gusto ko siya pa din kasama ko next year sa pag pasok ko sa college namen. Medyo slow kasi yang si Ayako pag sa pag-aaral pero pag sa mga iniidolo niya hyper na hyper siya at tandang-tanda niya ang bawat information tungkol sa kanila. Specially sa EXO-K na yan.

“Eeeeh! Pasang awa naman siguro yun. May mga nasagutan naman ako sa mga tanong sa exam eh. Saka ikaw nagturo saken kaya sure ayos yang grade ko. Eeeeh wag mo na ibahin topic. Ui Sali tayo dun sa reality show ng EXO-K sige na naman Beshi!” tas nagplease hands siya sa harap ko.

Napabuntong hininga ako at pinatong ang kamay ko sa desk saka nagsalita “A-YO-KO. Ayako tama na yan. 99% sa 100% ang chance na di ka makukuha jan. Sa sobrang pagkaadik ng mga kaklase naten sa mga yan imposibleng hindi sila magpatulong sa mga kakilala nila para makapasok jan noh?! At alam mo namang wala akong interest. Kaya please iba na lang.” sagot ko sa kanya.

“Eeeeh malay mo naman. Gamitin mo na lang pangalan ng Daddy mo sige na naman Beshiii!” tas nagpout pa siya.

“Kahit gamitin niya yun di pa din pwede! Imposible. Dba Breanne.” Singit naman nitong babaeng kilalang-kilala ko na. Syempre bilang part ng cliché na buhay may kontrabida din naman.

“Wala kang pakealam Shichira.” Maikli pero madiin kong sagot sa kanya. Pinsan lang naman siya ni Ayako na sobrang impakta ay syempre papel niya sa buhay ang pagiging kontrabida. Lagi siyang nakikipag-kompitensya saken. Ewan ko ba jan. Di naman niya  ko kayang tapatan. Di pa din siya napapagod. Kahit ang papa niya di matapatan ang papa ko kahit patay na ang papa ko! Oo magkakompiptensya ang papa namen sa managing business sa mga artista.

UNWANTED REALITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon