✘CHAPTER 3✘

44 4 1
                                    

Chapter 3

"Hey, buy me some juice." Tinatamad na utos ni Crislan habang nakapatong ang baba niya sa ulo ko.

"Ikaw na, may paa ka naman diba? At saka may gingawa pa ako dito oh."

"Come on, this is your job, right?"

"Trabaho ko ang gawin ang mga pinapagawa ng tatay mo sa'yo hindi ang pagbile ng juice mo. At saka, umalis ka nga, ang bigat-bigat niyang baba mo."

"Tch, so uncute..." pabulong niyang sabi habang nagumpisa ng maglakad palabas ng kwarto. Siya rin pala ang bibili eh.

Napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy na lang sa ginagawa ko.

Halos isang linggo na rin ang nakalipas simula ng nag apply ako bilang student assistant ng Chairman ng school namin at isang linggo na rin ang nakalipas simula ng naging utos-utusan ako ng napaka bastos at spoiled brat na anak ng chairman.

"You're still not finished?" tanong nito pagkabalik niya sa kwarto habang may hawak na isang maliit na juice.

"Malapit na."

"Make it fast, gagamitin ko 'tong kwarto."

Tiningnan ko siya ng masama at sinabi, "Kung tulungan mo na lang kaya ako eh no? Para mas mapadali 'tong trabaho na dapat ikaw naman talaga ang gumagawa."

"Kaya mo na yan."

"Ugh, nakakainis!" sa sobrang inis ko kulang na lang mabali ko na yung gamit-gamit kong ballpen. "Wait..." tumigil ako sa ginagawa ko ng ma-realized ko yung sinabi niya. "Anong sabi mo ulit? Gagamitin mo 'tong kwarto?"

"Yeah."

"Hay nako, Crislan pwede ba wag mo gamiting party venue 'tong office ng tatay mo?" sabi ko habang nailing.

"Huh, anong pinagsasabi mo? I'm going to use this room so I can skip my next class. Why would I want to use this room as a party venue? I'm not that cheap..."

"Aba malay ko ba? Ang dami kaagad sinabi eh!" binalibag ko yung ballpen na hawak ko at saka tumayo na.

"Where are you going?" inis nitong tanong habang nakahanda na akong pigilan.

"Uuwi na! Tapos na yung trabaho ko. Sige na, bye, salamat!" aalis na sana ako pero tulad ng kutob ko pinigilan niya ako. "Oh, ano na naman?"

"Stay here."

"Ha? Bakit, wala na akong gagawin diba?"

"Meron pa. Stay here and give me some pleasure."

Halos lumuwa ang mata ko ng sabihin niya ito. Para bang normal lang na sabihin yun. Pero hindi ako nagpatalo at nanatiling kalmado.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko habang pinipilit na ngumiti.

Ngumisi siya at inilapit ako sa kanya. "You still don't understand? I want to have sex with you."

"WHA-!" malakas ko siyang itinulak at saktong napaupo siya doon sa upuan na nasa likod niya. "A-a-anong pinagsasabi mo!?"

Hindi siya sumagot kundi ngumisi lang.

"Bahala ka nga sa buhay mo!" at tuluyan na akong umalis. "Ugh, nakakainis! Napaka bastos niya. Kahit isang linggo na kaming magkakilala naiinis pa rin ako sa pagmumukha niya!"

"ANNA!" tumigil ako sa paglalakad ng may tumawag sa aking pangalan. Hininanap ko kung sino yun at nalaman ko na si Lester pala.

"Oh, Lester. May problema ba?"

Student AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon