✘CHAPTER 6✘

44 2 2
                                    


Chapter 6

"Rule number 1, kaylangan mo magpanggap bilang girlfriend ko and while you're doing it, hindi ka pwedeng magka boyfriend."

"Rule number 2, I'll give anything you want but you'll also give anything I want and that's pleasure."

"Rule number 3, walang limits ang ibibigay ko sa'yo, kahit anong gusto mo. Lupa, bahay, kotse, mamahaling gamit, kahit ano pero...ganun ka rin. Ibibigay mo ang kahit anong gusto ko."

Sa pagsabi niya ng mga rules na ito wala ng pumasok sa isip ko kundi sakyan na lang ang spoiled brat na ito.

Mahirap man pero kakayanin ko.

Magbabayad ng saya? Madali lang yan...kilala ako bilang isang postibong babae, kaya ko magbigay ng saya sa isang tao kahit sa isa pang spoiled brat na katulad niya.

Kakayanin ko ito...para sa aking pamilya...

"Welcome sir., ma'am." Masayang bati sa amin ng staff ng seven eleven.

"Hm, what should I get?" sabi ni Crislan sa kanyang sarili habang nagsimula ng magikot sa loob ng tindahan.

"Nakakainis! Talagang pinagtitripan ako ng lalaking 'to." Napailing na lang ako at nagsimula na rin magikot. Naisipan kong bilhan na rin sina mama ng makakain.

"Hey, what do you think is much more delicous? The spicy one or the seafood?" tanong nito sa akin habang hawak-hawak ang dalawang cup noodles.

Hindi ko maiwasang tumawa dahil ngayon ko lang nakita siya na bumibili sa isang convinience store.

"What's so funny?"

"Hindi ka bagay bumili sa mga ganetong tindahan. Para kang bata." Pabiro kong sabi habang natawa. Imbis na magalit tinitigan lang niya ako ng masama at nilagay ang parehong cup noodles sa basket na dala ko.

"Pareho na lang bibilhin ko." Inis nitong sabi at nagptuloy na sa paghahanap ng pagkain. Umiling na lang ako habang may isa pa ring ngiti sa aking mukha.

Patuloy siya sa paglalagay ng iba't ibang pagkain sa basket at ako naman ay ganun din. Halos lahat ng pinamili niya ay mga junk foods at candy. Nakakapanibago sa aking paningin na makita siyang ganeto. Usually, puro magagarang pagkain ang baon niya sa school kaya hindi ko inaakalang bibili siya ng mga ganetong pagkain.

Laking gulat ko ng bigla siya huminto sa paglalakad at dahil nakasunod ako sa kanya halos mauntog ako sa matigas niyang likod.

"Aray naman! Huwag kang basta-basta hihinto, alam mo namang may tao sa likod mo diba?" akala ko susumbatan niya ako pero nanatili siyang nakahinto at nakatitig doon sa mga sanitary goods. "Crislan?"

"Anna..."

"Oh?" nanibago ako sa pagkaseryoso ng kanyang boses.

"What's this?" tinuro niya yung panlinis ng tenga. Hindi yung cotton buds kundi yung panglinis talaga na parang bakal.

"Huh? Panlinis ng tenga. Hay, nako Crislan, huwag mong sabihin ngayon ka lang nakakita niyan?" natatawa kong sabi at halos maubo ako ng umoo siya. "HA? SERYOSO?!" tinakpan ko ang aking bibig at dahil sa aking biglaang pagsigaw nagulat yung staff ng 7 eleven.

"Yeah, I'm serious. Wait, did you just said, this is an ear cleaner?" kinuha niya ito at tiningnan ng malapitan. "This is my first time seeing something like this."

"Seryoso ka...grabe...halos lahat ng tao sa mundo alam kung ano yan, kahit ata baby alam na kung saan ginagamit yan eh."

Akala ko maiinis na siya sa mga pinagsasabi ko pero nanatili siyang kalmado habang seryosong tinitingnan yung hawak niya.

Student AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon