Chapter 4
Wala na akong ibang hiniling pa kundi ang maging masaya ang pamilya namin...
Wala ng iba...kundi yun lang...
[Si Mai Mai...nahimatay kanina at hanggang ngayon hindi pa rin siya nagising...posible daw na...ma-comatose siya...]
Pagkasabi niya nun nanghina ang buong katawan ko at nabitawan ko ang cellphone ko. At nagsimula ng mabalot ng kadiliman ang aking paligid.
[Anna? Anna nandyan ka pa ba?!] paulit-ulit na tanong ni Nanay pero makalipas ng ilang minuto binaba na rin niya ang tawag.
"Oi, what's wrong...you look pale..." naguguluhang tanong ni Crislan habang nakawak sa balikat ko.
Tumingin ako sa kanya at nagsimulang tumulo ang mga luha na galing sa aking mata.
"Ano nga ba ang nangyayari? Hindi ko na alam..."
"Why the heck are you crying? Oi, snap out of it!" sigaw niya habang inaalog-alog ako pero wala pa din akong mahanap na sagot. Nagblanko ang isip ko at patuloy na umaagos ang mga luha sa aking mata.
"Si Mai Mai...bakit siya pa?" mas lalong lumakas ang aking pagiyak.
"Oy, bakit ka ba naiyak? Makaiyak ka diyan parang namatayan ka." Pabiro nitong sabi habang nakasimangot. Alam kong nagbibiro siya pero dahil dun tuluyan na akong humagulgol ng parang bata.
"Bakit mo...kaylangan...sabihin yan?" inis kong tanong sa kanya habang nahagulgol. Alam kong biro lang yun pero mas lalo lang ito nakadagdag sa mga iniisip ko. "Hindi yun nakakatawa...bakit...nakakainis! Bakit si Mai Mai pa?"
Paulit-ulit ko itong tinanong sa aking isipan habang sinusuntok-suntok ang dibdib si Crislan kahit alam kong wala naman akong lakas.
"Stop crying, hey, I said stop crying! Tsk. Can you please stop crying?!" pasigaw nitong tanong at laking gulat ko na bigla niya ako yakapin ng mahigpit. "Just please stop crying..."
Papalag sana ako at binalak na itulak siya papalayo pero hindi ko ito magawa. Hindi ko alam kung bakit pero ang yakap niya na ito ay mas lalong nagpalakas ng aking pagiyak...
"Sinabi kong tumigil ka na sa pagiyak eh..."
Hindi ako nagsalita kundi nagpatuloy lang sa pag-iyak ng parang bata habang nakalubog ang mukha ko sa kanyang dibdib.
Alam kong hindi ako dapat umiiyak ngayon kundi dumeretso na sa ospital pero hindi ako makagalaw at ayaw gumana ng aking isipan. "Ano na ba ang dapat kong gawin?"
Halos kalahating oras din ang tinagal bago ko tuluyang maibalik ang aking isipan. Nang tumigil na ang aking pag-iyak, tumingin ako ng deretso kay Crislan at nahihiyang nagpasalamat sa kanya.
"It's nothing. So...what are you going to do now?"
"Pupunta ako sa ospital kung nasaan si Mai Mai ngayon."
"I see. Well, good luck."
"Hindi mo na kaylangan sabihin yan."
"If you need help...my contract is waiting." Sabi niya sa akin habang nakangisi at inilagay ang isang papel sa bulsa ng aking pantalon. Tiningnan ko siya ng masama at minura siya. Wala na kasi akong panahon para sa kalokohan niya.
"Sabihin mo na kung ano ang gusto mo sabihin pero kahit keylan, hindi ako iingi ng tulong sa'yo. Kahit maubos pa ang pinaka huling pera sa bulsa ko!" pagkatapos ko itong sabihin hindi ko na inintay ang sagot niya kundi nagmadali ng pumunta sa ospital kung na saan si Mai Mai ngayon.
BINABASA MO ANG
Student Assistant
HumorKapag mahirap ka ano ang mga gagawin mo para maka ahon sa kahirapan? Magnenegosyo? Maghahanap ng trabaho? O kaya naman tataya sa lotto o magsusugal na lang? Lahat yan pwede gawin kaso papaano kung isa kang estudyante? Isang College student? Doon pap...