Ms. Bitter meets Mr. Nerd

21 2 0
                                    

Sirsha's POV
  
Arrgg!!! First day namin ngayon as seniors so far wala pa ring nagbago. Bitter pa rin ako.
    Naligo na ako at nagdamit ng sandong pink at nagjeans tapos nakajacket ng black dahil akala ko malamig sa labas.          Nakalimutan kong tapos na pala ang winter at nasa Pilipinas nga pala ako. Kaya late na ng marealize ko yun. Nasa school na ako. Well first day lang naman eh ok lang kahit late ako. 8:50 am. Na ng makapasok ako sa school halos wala ng tao sa labas. Lahat nasa program ngayon. Psshh. Program lang naman eh. No biggy. Kaya naglakad na lang ako papuntang program hall, sisilip lang. Pero habang naglalakad ako papuntang hallway may naririnig ako mula sa likod ko na tumatakbong lalaki. Nabangga nya ako. Napaupo naman ako. Tapos yung lalaking nakabangga naman sa kin? Dirediretso sa pagtakbo nya. Pfftt...hindi man lang nagsorry. Napakagentle nya huh?!
  Tumayo ako. Ang nagpatuloy sa paglalakad habang pinapagpag ang pwetan ko ang sakit kaya. Ang lakas. Aarrrggg....naiinis ako kapag naaalala ko ang mukha nya. >_< I hate him.

Winter's POV

Shocks!!! Late na ako. Magsspeech pa ako sa program namin sa school. Kaya nagdamit na ako at nagmadaling pumasok sa school.
  Nang makarating na ako sa school wala ng katao tao sa labas. Nagsstart na ang program kaya kumaripas na ako ng takbo papuntang hallway. At may nakita akong babaeng naglalakad papuntang program. Takbo pa rin ako ng takbo. Lumingon sya. Napatingin ako sa kanya ng konti. Nagkaeye contact kami ng konti. First time kong magkaeye contact sa babae. Maganda sya. Maputi.
  Ngingiti na sana ako sa kanya ng biglang nagbangga ko sya at napaupo naman sya. Wala akong nagawa kundi tumuloy sa pagtakbo dahil late na late na ako. Fvck di ko man lang sya tinulungan sa pagtayo o kaya magsorry man lang. Ahhh. Hingal na hingal ako ng makarating ako sa stage. Ako na lang pala ang hinihintay nila. Buti na lang maraming nagperform na students. Kaya uminom muna ako ng tubig at kumalma at nagspeech na.

  Ng magspeech ako napatingin ako sa pinto at nakita ko ang babaeng nabunggo ko kanina sa hallway. And pagkatapos kong magspeech. Nagpahabol ako ng sasabihin ko seryosong biro. Sabi ko," So thank you sa new students and sorry sa kung sino man ang nabunggo ko kanina sa hallway haha. Late na ako eh" sabay tawa naman ang mga teachers dahil minsan lang ako malate may nabunggo pa ako. So yun. Tiningnan ko sya at umalis na nag eyeroll sa kin.

Sirsha's POV

Hmmmp. May nalalaman pa syang sorry sorry sa mic mismo. Pasikat. Kaya pala sya nagmamadali dahil late na sya sa speech nya psshhh. Sino ba yun? May paspeech speech pang nalalaman. Pagkatapos nyang magsorry sa harap ng maraming tao tumingin sya sakin. Nagmaldita ako sa kanya at umalis. Pumunta ako sa canteen para kumain. Habang kumakain ako may naupo sa harapan ko. Pagkatingin ko. Ang lalaking pasikat na nakangiti na may dalang juice at chippy. Arrg. Di ko sya pinapansin kumain lang ako. Nagpakilala sya," I'm W-Winter Pa-Pagsolingan" sabi nya ng pautal utal. Anong prolema nito sa mic kaya nyang magsalita ng maayos pagdating sa pagpapakilala lang utal utal? Pfft. Pathetic. Hindi ko sya pinapansin. Hanggang sa iwan nya ako. Ha! Parepareho kayong nang iiwan. Pinatunayan nya na papansin lang sya. Tiningnan ko sya habang papalayo na sya. Ng bigla syang lumingon sakin at lumapit ulit at pabulong na sinabi sa kin na "Sorry" sabay kumaripas sya ng takbo papalayo sa kin. Napakaweird nya.

Winter's POV

Matapos kong magspeech pumunta ako sa canteen dahil hindi pa ako ng bbreakfast. Pero puro junk foods pa lang ang nasa canteen kaya no choice ako. Pagkabili ko ng chippy at juice nakita ko ang babaeng nakabungguan ko. Lumapit ako sa kanya at naupo sa harapan nyang nakangiti. At nagpakilala ako pero bakit ako kinakabahan? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit? Anong meron sa kanya? "I'm W-Winter Pa-Pagsolingan" aahhh... bakit ganun ang pagsasalita ko. Kinausap ko sya tinanung ko kung anong pangalan nya pero hindi sya sumasagot. Umalis na lang ako... ng bigla akong lumingon sa kanya at bumalik at may binulong sa kanya na "sorry" sabay takbo ko sa sobrang kaba. Bakit ako kinakabahan? Bakit? Bakit ang dami kong nasasabi? Bakit? I am Winter Pagsolingan and I don't have time for women but bakit ko sya naiisip?

Author: Wow nagmeet na ang WinSha couple hahah. Nagkakafeelings na ba si Winter kay Ms. Bitter? Sino kaya ang magpapatibok ng puso ni Sirsha?
Thanks for reading keep reading!

Who's My Mr. Right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon