Sirsha's POV
Kakagising ko lang napuyat kasi ako kagabi sa kakaisip sa lalaking yun eh. Ang cute nya talaga. Lalo na kapag ngumingiti yun nga lang kamag anak nya si Jin Wo. Bakit?! Bakit kelangang magkakakonektado ang mga kilala kong kaibigan? Bakit?!
Wala akong magawa sa bahay. Linggo pa lang kasi eh kaya napagpasyahan kong magsimba muna at tumambay sa paborito kong tambay spot, ang playground!!!! Hahaha. Kaya nagbihis na ako at umalis na ng bahay.
Pagkatapos ng misa, dumiretso agad ako sa playground at nagpalipas ng oras. Habang nakatingin ako sa sunset, may nakita akong lalaking nagsskateboard. Napatingin ako sa kanyang mga style na ginagawa. Ang galing nya. Kaming dalawa na lang ang nandun. Napatingin sya sakin. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya dahil ang cute nya. Ano ba yan. Nawawala ang pqgkabitter ko. Arg. Why?! Ng tingnan ko ulit sya bigla syang nawala. Nang pagbalik ko ng tingin ko sa sunset nagulat ako ng makita ko na sya sa tabi ko. Tumingin sya sa kin ng malapitan. Tinanong nya pangalan ko. At nagpakilala ako...
Ako: I'm Sirsha Pagkadiosa.
Sya: Oh. I'm Kei Park.
Tapos naghandshake kami. Ang lambot ng kamay nya huh. Hahah. Ng tumagal nag usap na rin kami tungkol sa kung anu anong bagay...
Kei: Ahm. Lagi ka bang nandito?
Ako: Minsan lang. May pasok kasi eh.
Kei: Ahh. Ganun ba?! Saan ka ba pumapasok?
Ako: Dun lang sa Ouran Highschool malapit dito.
Kei: Dun din ako nag aaral eh.
Ako: Talaga?
Kei: Oo. Nakikita nga kita dun eh. Di mo lang ako napapansin.
Ako: Ahhhahahah. Pasensya naman.
Kei: Haha. Ok lang yun haha. Pede ba tayong maging magkaibigan?
Ako: Ok lang.
Kei: Yey!!! May kaibigan na ako sa school.
Tumalon talon sya ng parang bata tyaka habang pumapalakpak. Hahah. Ang cute nyang ngumiti.
Ako: Hahaha. Sige sabay ka na rin saming maglunch.
Kei's POV
Sirsha: Hahaha. Sige sabay ka na rin saming maglunch.
Napahinto ako ng marinig ko yun. Ano? Ibig sabihin may mas nauna pa syang naging kaibigan? Di ba bitter sya? Bakit may friend na sya? Oo nga pala. May sasabihin ako sa inyong sikreto. Crush ko si Sirsha mula first year hanggang ngayon. Kakaiba kasi sya eh. Kaya ngayon ang pinakabest day ko.
Sirsha: Oh. Gabi na pano ba yan una na ako.
Ako: ahhh. Sige hatid na kita.
Nagkikwentuhan kami habang naglalakad. Ng makarating na kami sa tapat ng bqhay nya. May tinanong sya sakin.
Sirsha: May kamag anak ka bang mga Wo, Maño, Crasco o Marquez?
Ako: Ah. Wala naman. Kaschool mate ko lang ang mga yun. Bakit?
Sirsha: ahh. Wala naman.
At umalis na ng nakangiti. Napangiti rin ako dahil napangiti ko sya. Hahaha. Nakakalungkot nga lang dahil..... pshh. Wag na muna nating pag usapan yun dahil di ko kelangang alalahanin yun. Hahahah.
Umuwi ako sa bahay ng masaya. At natulog na nakangiti.Sirsha's POV
Tuwang tuwa ako dahil wala syang koneksyon sa mga binanggit kong surname. Hahaha. Yes. Sa wakas may kaibigan na rin akong bagong bago. I am happy that I met a new friend!!! Yey!
A/N: Hi guys. Nakapag UD din sa wakas. Hahaha. We have a new character. Ano kaya ang sinasabi nyang nakakalungkot? Kamusta na kayo? Thanks for reading. Don't forget to vote ☆, comment and share. Hahahah.
BINABASA MO ANG
Who's My Mr. Right?
Teen FictionAng babaeng bitter mahihirapang hanapin ang lalaking tinatawag nyang Mr. Right? Sino kaya ang magiging right na guy para sa kanya?