Move on

13 0 0
                                    

Sirsha's POV

Jayson: Ok ka lang?

Yan ang tanong sa kin ni Jayson na hindi ko masagut sagot. Nginingitian ko lang sya sa tuwing tinatanong nya yun. Dahil kahit ako hindi ko alam kung ok lang talaga ako matapos ang mga nangyari. Buti na lang laging nandyan si Jayson tyaka si Bryce para samahan ako lagi. Pero gusto ko ring mag isa kahit minsan lang para makapag isip isip. Kaya pagkatapos ng klase namin sinabi ko kina Bryce at Jayson na mauuna na ako. Gusto sana akong samahan ni Bryce pero pinigilan ko sya at nginitian ko na lang sya habang papalayo ako sa kanila. Hindi muna ako umuwi sa bahay. Tumambay muna ako sa mall. Ng nakarating na ako sa foodcourt bumili ako ng master siomai at naupo sa bakanteng table. Habang nag iisip ako may naupo sa harapan ko ng wala man lang paalam. Ng tingnan ko sya....parang pamilyar ang mukhang ito sino nga ba ulit to?! Ahhh...oo. Yung lalaking nakabangga sa kin nung first day of school. Tiningnan ko sya ng masama. Nginitian naman nya ako.

Ako: Ano ba?

Winter: Ahm. Pakilala ulit ako. Ako nga pala si Winter. (Tapos inabot ang kamay nya sakin)

Ako: Oh tapos? Tinatanong ko ba? Anong gagawin ko dyan? Pinapaputol mo?

Winter: (Napakamot na lang sa ulo nya)

Ako: Bakit ka nandito?

Winter: Bakit iyo ba ang mall na to?

Ako: Oo.

Winter: Talaga?! Sa pagkakaalam ko kay Gio ang mall na to.

Shocks alam nya. Arg.

Ako: Well !!! Kapitbahay nya ako. Ano bang kelangan mo? Umalis ka nga!!! Di kita kelangan!!!!

Natawa sya.

Winter: Sorry ulit dahil nabunggo kita nung orientation huh?

Ako: Ok. Yun lang. Sige makakaalis ka na.

Winter: Hahaha. Nabalik ka na rin sa dating sarili mo. Hahahah.

Nagulat ako sa sinabi nya at tinanong sya.

Ako: Ano ibig mong sabihin?!

Winter: Eh. Kasi nung mga araw na lumipas napakalungkot mo. Wala kang kaimik imik. Tapos napakabait mo. Ngumingiti ka kahit na parang deep inside nasasaktan ka. Ano bang nangyari sa yo?

Nagulat ako ng sinabi nya sa kin yun. Wala akong masabi. Nga nga. Bakit parang umiba ang atmosphere?

Winter: Well. Hindi kita ifoforce na sabihin sa kin yang dinidibdib mo. Sino nga naman ako para itanong sa yo yan di ba? Hahah. Kelangan mo ba ng kasama?

Kahit na gusto kong mag isa parang di ko na kaya. Kaya tumanho na lang ako at yumuko sa lungkot.

Winter: Paborito mo ba ang Siomai? May kaibigan din kasi ako na mahilig sa siomai. Halos araw araw nga yun ang recess nya eh hahaha.

Bigla akong nagising ng sinabi nya yun. Kaya tinanong ko kung sino yun.

Winter: Ah ahahah. Kahit sabihin ko naman di mo kilala yun hahaha.

Ako: Sino nga!!!?

Winter: Eto naman di mabiro. Si Bryce Maño. Di ko na nga sya nakakasama ng nagstart akong magseryoso sa pag aaral eh. Kamusta na kaya yun. Siguro-

Ako: Wait! Kaibigan mo si Bryce?!

Winter: Kaibigan ko nga yun nung nasa Korea pa ako. Bakit kilala mo?

Napaface palm ako. Wala nga syang relasyon kay Gio kay Jin pero kaibigan naman nya ang nakabangga sa kin. What a day. Nang tingnan ko sya nagtaka sya kung bakit ako nagface palm. Tumango na lang ako. Tapos mah tumawag sa kanya at parang may emergency daw kaya nauna na syang umhwi sa kin. Maya maya umuwi na rin ako dahil gabi na. Pft. Sana pala sinama ko na lang ang dalawa di rin pala ako makakapag isa eh.

Who's My Mr. Right?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon