Sirsha's POV
Tapos nalungkot ang doctor ng sabihin nyang...
Doctor: Ilang oras na lang mamamatay na sya.
Nagulat naman kami. Wala akong nasabi agad. Nagulat na lang ako ng may tumutulong luha na sa mga mata ko.
Jayson: Pano po nangyari yun?
Doctor: Ang pasyente namin kasi na to bata pa lang nandito na bale parang dito na sya lumaki. Nagkaroon sya ng taning sa buhay. Dapat meron pa syang 5 days sa mundong ito. Pero parang napagod nya ang puso nya. At biglang nagcollapse at nahimatay. Meron na lang syang 24 hours.
Bryce: Ahm. Doc pwede po ba namin syang puntahan sa room nya?
Doctor: Yes you may. Suotin nyo lang ang kelangan nyong suotin ang mga nurses ng bahala ipakita sa inyo.
Jayson: Salamat po.
Wala pa rin akong nasabi kahit isang word dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa tabi ng namumutla kong kaibigan. Ayaw tumigil ng pagkatulo ng luha ko. Bakit ko ba to nararamdaman? Bakit hindi mo sinabi sa kin?
Naupo naman ang dalawa at inakbayan ako. Lalo tuloy bumuhos ang luha ko ng himasin nila ang likod ko. Di ko na napigilan ang pag iyak ko. Napayuko na lang ako sa lungkot. Ng biglang nagsalita si Kei ng nahihirapan.
Kei: Na-nasan ako?
Bryce: Nasa ospital ka.
Hindi pa rin ako makatingin sa kanya.
Kei: Bakit ako nandito?
Bryce: Nahimatay ka sa may park. Buti na lang nandun si Sirsha tinawag nya kami agad at dinala ka namin dito.
Kei: Sirsha?
Kinalabit nya ako. Ang lamig na ng daliri nya. Tiningnan ko sya na may namumulang mata.
Ako: Bakit hindi mo agad sinabi?
Kei: Akala ko kasi may 5 days pa ako eh.
Tapos nginitian nya ako.
Wala na lang akong nasabi sa kanya. Tapos umalis muna ng room.
Bryce's POV
Pinagdadasal ko na sana gumaling si Kei kaya nasa chapel ako ngayon ng ospital ng umalis si Sirsha. Si Jayson naman ang nagbantay kay Kei.
Jayson's POV
Nalungkot ako ng maramdaman kong malamig na kamay ni Kei. Nginitian nya ako. Nginitian ko rin sya. tinanong ko sya kung ano ang gusto nyang kainin dahil magdidinner na.
Kei: Wala. Hindi ako gutom eh. Ikaw baka gutom ka na kumain ka na.
Tapos nginitian nya na naman ako.
Ako: Hindi. Dapat kumain ka na makakasama sa kalusugan mo yan. Kumain ka para lumakas ka.
Mukha tuloy kaming bromance.
Tinawanan lang ako ni Kei. Tapos biglang....*toooooooot*
Hinawakan ko si Kei. Napakalamig na nya. Nakita ko ring straight na ang linya. Di ko alam ang tawag dun eh.
Kaya tinawag ko ang doctor. Dumating naman ito agad. Tapos pinalabas ako. Tinawagan ko si Bryce tyaka si Sirsha. Dumating naman sila agad. Naghihintay kami ng resulta. Ang huli naming narinig ay ang sigaw ng doctor na "CLEAR!" Tapos tuluy tuluyan ng nagtoooot ang linya na yun. Ilang oras lumabas na rin ang doctor. Tapos. May sinabing oras samin.
Doctor: 7:11pm August 1.
At biglang sumigaw si Sirsha sa doctor.
Sirsha: NO!!! BUHAYIN NYO SYA!!!
Doctor: Miss. Di na po talaga nyang kaya ng puso nya.
Sirsha: NO!!! NO!!! DE PWEDE YAN. KEI! GUMISING KA. ALAM KONG NATUTULOG KA LANG. WAG KA NAMAN MAGBINGI BINGIHA OH. SASAPAKIN KITA KAPAG DI KA PA BUMANGON DYAN.
Umalis na ang doctor pati ang mga nurse. Tapos kami na lang ang natira sa room ni Kei. Umiiyak si Sirsha. Kinomfort namin sya ni Bryce. Napaiyak na rin kami dahil parang kanina lang nagbibiruan kami na Alien sya tapos mauuwi sa ganito. Nang tingnan namin si Kei may tumulong luha sa mata nya. Napaluha kami ng biglang nagring ang phone ni Kei. Mommy nya ang tumatawag.
Sinagot ito ni Jayson ng kalmado.
Jayson: Hello po?
Phone: Sino to? Nasan si Kei?
Jayson: Kaibigan nya po ito. Nasa ospital po kami ngayon.
Phone: Bakit kayo nasa ospital? (Paiyak na)
Jayson: Tita. Wala na po si Kei. (Naluha)
Tapos bigla itong inend ko. At binalik na ni Jayson ang cp ni Kei sa lamesa.
Niyakap ni Sirsha si Kei habang umiiyak. Iniwan muna namin sya. Kelangan nila ng space.
Siraha's POV
Bakit mo ako iniwan? Bakit? Di ba magkikita pa tayo sa school? Di ba magrerecess pa tayo ng sabay sabay habang kinakain ang siomai ni Bryce? Bakit kelangang mauwi sa ganito? Salamat sa araw na pinasaya mo ako ang daya mo naman eh. Dalawang araw pa lang tayoagkakasama eh. Iiwan mo ako agad. Sana pala hindi kita iniwan kanina. Sorry. I love you. Goodbye.
Iniwan ko na sya sa kwarto tapos dinala na sya ng mga nurse sa morgue. Naiyak ulit ako hindi ko alam kung bakit. Ang sikip ng dibdib ko. Di ko kaya na wala sya. Di ko matanggap. Naupo kami sa may malapit sa room ni Kei ng biglang dumating ang nanay ni Kei na umiiyak. Niyakap ko sya. Iyak ng iyak ang nanay ng makita nyang wala ng buhay ang kanyang anak.
Ilang araw ang lumipas. Libing na ni Kei. Pumunta kaming tatlo at rinamayan si Tita. Umiiyak sya. Di nya matanggap ang mga nangyari. Ako rin. Di ko pa rin talaga tanggap. Niyakap ako ng nanay ni Kei at binulungan akong salamat. Niyakap ko rin sya ng mahigpit at sinabihan ko rin sya na Salamat din. Magpakatatag.
Tapos nun umuwi na kami. At di ko pa rin matanggap na wala na ang kaibigan ko. Habang kumakain ako may naramdaman akong malamig na hangin. Tumulo na lang bigla ang luha ko ng maramdaman ko na parang may yumakap sa kin. At parang may bumulong na I love you. Tinuloy ko ang pagkain ko habang umiiyak. Tapos sinabi ko sa hangin na "Salamat. I love you" sana masaya ka na ngayon dyan sa langit. Bantayan mo ang nanay mo huh. Wag mo syang papabayaan.
Thank you sa memories. Goodbye.

BINABASA MO ANG
Who's My Mr. Right?
Teen FictionAng babaeng bitter mahihirapang hanapin ang lalaking tinatawag nyang Mr. Right? Sino kaya ang magiging right na guy para sa kanya?