CHAPTER 3

28 1 0
                                    


Janels POV

Di ko na namalayan tatlong buwan na pala ako dito sa school . Naging matalik kong kaibigan sina Aki at Riza na siyang naging room mate ko .

" urrrghh bilisan nyo guys malalate na tayo . Riza ! Riza ! bangon na bilis " sabi ni aki na siyang may pagka.nerd sa amin . Seryoso sa pag-aaral ngunit pinaka.kwela sa aming tatlo . May taste of fashion rin katulad ko .

" hmmm.. 5 minutes more pleasse " sabay takip ng unan sa mukha. Siya naman si Riza na siyang laging nalelate dahil may pagka.tamad pero napaka.generous nito , maawain at mahilig sa fantasy o romance at nangangarap nang gising na sana ito ang bida sa lahat ng binabasang libro.

Kahit may pagkakaiba kami ay marami rin kaming pagkakatulad at kahit ngayon ko lang sila nakilala ay napaka.gaan ng loob ko sa kanila .

" mauna na muna ako sa inyu at may aasikasuhin lamang ako sa library kita-kita sa cafeteria . bye " paalam ko sa kanilang dalawa at iniwan na ang mga ito .

Tinatahak ko na ang daan papuntang library iilan pa ring iba kung maka.tingin sa akin ngunit nakasanayan ko na sila. Pumunta muna ako sa locker upang ilagay ang gamit ko . Pag-bukas ko ng locker ay maraming papel na may naka.sulat na mga threats o di kaya ay iba't ibang mga masasamang salita tungkol sa akin pero hindi ko na lang ito pinapatulan at wala akong pinagsasabihan ng mga ito kahit na kina Riza . Kung inaakala kong napaka.desente ng mga estudyante dito nagkakamali ako .

First night . Niyaya ako raven kumain sa cafeteria since hindi ko pa masyadong kakilala ang mga ka.room mate ko ay sumama ako sa since napaka.gaan ng loob ko sa kanya . Sa cafeteria kumakain ng dinner ang mga studyante since may curfew at ipinagbabawal lumabas ang ga eatudyante tuwing weekdays , maari namang lumabas tuwing weekends ngunit kailangang bumalik before 5 pm. Ito ang unang gabi ko na kakain sa cafeteriang ito .Nasanay na ako sa luto ni Nana simula pagkabata kaya medyo naninibago ako sa mga inihahandang mga pagkain dito .
Nakapagtataka rin dahil sa lahat ng mga estudyante dito ay sa grupo lang nila raven ang may malaking mesa na syang nakatala para sa kanila at dahil bagu ay dinagdagan ng isa pang upuan sa kanilang mesa at doon ako pina.upo ..

SECOND TIME AROUND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon