" ohhhh shiitt !! " napabalikwas ako sabay tulak sa kanya . Nagulat siya sa ginawa ko kaya naman ay pinaliksikan ako nito nang mga mata.
" problema mo?" sabay kamot nito sa ulo . Napatitig ito sa akin hanggang sa may dibdib ko . Nararamdaman kong nag.init ang magkabila kong pisngi . Mabilis Kong hinarang ang dalawa kong kamay sa dibdib at katawan ko.
" tssss .. " at tumayo na ito
" t-teka ! w-wala kang g-gagawin ? "
" pshh ! " pumasok ito ng c.r at iniwan akong namamangha . putsak ! pahiya ako don ah,.°°°°°
" anong gusto mo ? " tanong niya habang tumitingin sa menu ..
ikaw ! " wag mo nang itanong di mo rin naman kayang ibigay ." sabay smirk sa kanya . Binaba niya ng pabagsak ang menu at tumingin ng matalim sa akin .
"ahhh.. he - he " sabay kamot ng ulo ko . nakalimutan ko pa lang Napaka.mainitin ng ulo nitong mokong nato .
" Bacon and egg na lang . " sabi ko nalang .
" make it two please " tingnan mo to .. gaya-gaya ..
Tahimik kaming kumakain nang nilapag ng waitress ang bfast namin . Patingin-tingin ako sa kanya . Naalala ko kagabi ang mga sinabi niya . eh ? siya kaya ? naalala niya ?
" eherrmm . uhm . ano pa lang nangyari kay yna ? " mabilis itong napatingin sa akin . " uhmm .. curious lang .. ito naman oh. parang others " binilisan na nito ang pagkain at ininum ang tubig .
Tinitigan ako nito na para bang nag dadalawang isip kung sasabihin ito sa akin . Tinitigan ko rin siya pabalik .
" wag kang chismosa ." sabi nya at iniwan na ako sa mesa ang sama !
Mabilis akong uminom ng tubig at sinundan siya . Nagpalakadlakad ito sa buhangin na parang napakalalim ang iniisip . Napaka.seryoso talaga ng taong to ! aish ! humanda ka sa akin at aalamin ko ang nakaraan ng yna na iyan pag.balik.
"hi ! ✋ "
Tiningnan lang ako nito pero huminto na sa paglalakad at umupo sa buhangin kaya umupo na rin ako .
Napakaliwalas ngayong araw , dahil maaga pa kakaunting tao lamang ang aking nakikita . Ngayon ko lang natitigan ang buong lugar . Napakapayapa . nakaka.relax . puting buhangin . at maraming puno nang niyog sa tabing dagat , sa dako pa roon ay may malalaking bato at malalakas ang alon doon . Siguro may mga kweba roon . Mas maganda siguro kung andito sina riza at aki . namimiss ko tuloy sila .wala kasing signal rito kaya di ko sila matawagan .
Napalingon ako sa kanya at di ko man lang namalayan na nakatitig pa la ito sa akin . Huhulaan ko na kung ano ang itsura ko .alam kong kulay kamatis na naman ako .
"b-bakit mo ako tinititigan nang ganyan ? "
" coz you really look like her . " a-ano ? ano daw ?

BINABASA MO ANG
SECOND TIME AROUND
General Fictiongenre : love story , fiction © hardthinker04 2016 " my 1st story " hope you like it guys °°°°°°° Life has always a twist . Sinisisi ni Yohan Cleve Fontabuela ang sarili sa pagkamatay ni yna his first love and first heartbreak . Years past at nak...