2 years later ..Ipinarada ko ang aking motorsiklo sa daan . Bitbit ang paborito nyang bulaklak .
" kamusta ka na ? alam mo bang hinahanap ka na nila lola ? miss ka na daw nila pati sina cheche walang araw na hindi ka hinahanap non. " nilapag ko ang aking dalang bulaklak sa kanyang lapida .
YNA MARIE ONG
BORN - SEPTEMBER 1 , 1998
DEATH - MARCH 16 , 2014Taintim akong nagdasal at nagpaalam .
Janels POV
Excited ako sa araw na ito dahil ito ang araw ko sa bago kong paaralan . Laking pasalamat ko at kakilala lang nila mommy ang may.ari nang school kaya't naka.pag.enroll ako sa kalagitnaan ng simestre " Ano kaya ang mangayayari sa araw na ito cho ? " sabi ko kay chocho ang Labrador ko na para bang sasagot ito . Bigay ito ng mga umampon sa akin nong 16th birthday ko . " aw aw ! " tahol lang ang isinagot sa akin ni chocho ." Janella ! bumaba kana't baka mahuli ka pa " sigaw ni nana enez ang tagapag.alaga ko simula pag.kabata .
" Andyan na po . " sigaw ko mula sa kwarto . " baba na tayo " sabi ko kay chocho at sumunod naman ito .
" naku ! iha napakaganda mo talaga " pambobola ni Nana na siya namang sinang.ayunan ko .
" Asus .. parang Hindi ka na sanay sa mukhang to Nana " at sabay kaming tumawa .
" o siya't sige na baka ma.late ka pa "
" sige po .. " pancake , pineapple juice at papaya for my breakfast .
Kinakabahan ako sa first day ko .. iba pa rin yong mga bagay na nakasanayan mo . Hindi ko na nakilala ang mga magulang ko sabi ni mommy Eliza ay nakita lang nila ako sa labas ng kanilang bahay dahil sa operada na at hindi na ito maaring magka.anak pa sabi nang doctor. Dalidali nila akong kinupkop at dahil sa mapera sila ay madali lamang nila akong nagawan ng mga papeles at agad na nag.migrate sa amerika ( dahil sa takot na baka mag.bago ang isip ng totoo kong magulang o baka may maghanap ay agad silang umalis ng bansa ) at doon na kami nanirahan , sa lugar ding iyon ako nagka.isip at nagkaroon ng mga kaigbigan . Masakit mang isipin na ipinamigay ako ng totoo kong mga magulang ay nagpapasalamat pa rin ako't nagkaroon ako ng mga magulang sa katauhan nila mommy Eliza at daddy Emanuel . Nalaman kong lahat ng ito sa kanila dahil naniniwala silang mas makakabuti sa akin na magsabi sila ng totoo kaysa sa iba ko pa malaman .
" andito na po tayo mam " sabi ni mang kanor sa akin ang family driver namin . Umusal ako ng salamat.Huminga ako ng malalim at lumabas ng kotse .

BINABASA MO ANG
SECOND TIME AROUND
Genel Kurgugenre : love story , fiction © hardthinker04 2016 " my 1st story " hope you like it guys °°°°°°° Life has always a twist . Sinisisi ni Yohan Cleve Fontabuela ang sarili sa pagkamatay ni yna his first love and first heartbreak . Years past at nak...