CHAPTER 5

19 1 0
                                    

Janels POV

Tumakbo ako ng tumakbo pagkalabas ko ng bahay na iyon . Ang demonyong iyon pala ang nag.mamay.ari non . Shit ! na maligkit naman oh ! siguro sa mga oras na ito ay nagkukulay kamatis parin ako .

°°°

Hindi ako makahinga at bumibilis ang tibok ng aking puso . Tinitigan ko siya sa mata . Maluha - luha na ako sa kahihiyan ( first time ko ito ! na ganito kalapit sa isang lalake ! at sa isang demonyo pa ! ) . Isa pa lang maling hakbang na titigan ang mata niya . Nakakahipnotismo . Maging siya ay napapatitig .. ang mapang - tuksong ngiti ay nawala at napatingin sa aking mga labi . Nagtitigan kaming dalawa . Bigla na lamang siyang lumayo at tumalikod . Galit na naman ba iyon ?
Dali - Dali akong pumanaog . Nilampasan ko ang kusina at nakita ko ang litrato ng isang babae sa dining area . " ito marahil si yna ." masasabi ko ngang may pagkahawig kami lalong lalo na sa Mata . Tama nga ang mga sinabi nina riza at aki may pagka.probinsyana ang dating at napaka.inosente ng mukha nito . Akmang hahawakan ko ang litrato ng marinig ko ang kanyang yabag na papanaog . Agad - agad akong tumakbo palabas .

°°°

Napadpad ako sa cafeteria . Agad akong pumunta sa counter at bumili ng maiinom,.

" bakit pawisan ka atang bata ka saan ka ba nag.susuot ? " tanong ni mercedes ang head ng cafeteria .

" ahh eh .. " di ko alam ang isasagot kaya ngumiti na lamang ako .

Umupo ako sa bakanteng upuan , since nasa mga klase pa ang karamihan sa mga estudyante kaya kaunti lamang ang mga tao dito .

" hi Jan . pwede maki . share ? "
si chuckie pala ! ngumiti ako bilang pag.sang.ayon ..

" anyare sayo ? " ngumiti ako pabalik , siguro dahil sa pagod at hinihingal pa ay hindi ako maka.sagot kay chuckie .

Inubos ko ang ininom kong juice ng mapansin ko ang mga paa sa giliran ko. Napagtanto kung si shane pala .

" maari ka bang maka.usap ? " at ngumiti nang pag.katamis tamis .

SECOND TIME AROUND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon