Dumating na ako sa bahay at ibinigay kay inay ang bigas na binili ko. Tiningnan ko ang cp kung may nagtext, ngunit di umiilaw. Lowbat na pala kaya chinarge ko muna.
Habang hinihintay ma full charge, ay mg papakilala muna ako.
Ako si Joseph Sibal. Josephine pag gabi. Haha oo bakla ako. Matangkad, makinis, malaman ng kunti, hanggang leeg ang buhok na gold dyed. Sabi ng mga Kaibigan ko ay, pag naayusan daw ay chak na mala model na pwedeng ipanlaban sa Miss Gay ang dating ko. Yun nga lang mahiyain ako at gusto kong respetuhin ng mga tao sa paligid ko. Pero, ewan ko ba, kahit anong buti mo sa kapwa, ay di talga maalis sa akin ang bastusin ng mga lalaki. Grabe naman kasi kung mg stereotype, akala nila lahat kaming juyots(bakla) ay pare pareho.
Minsan nga, ay mali, madalas pala, nang aalok ang mga tambay malapit sa amin ng BJ. Sorry kayo, hindi ako ganyang bakla. Hmmmf! Ngunit, makailang ulit ko man silang e reject, e ganun naman nag uumapaw ang panunuyo. Ang kakati. Eh kung do it on your own na lang kaya. Nandadamay pa.
Pero kahit ganun man, na salat ako sa respetong gusto ko e marami naman akong kaibigan at ngmamahal sa akin.
Kahit bakla ako, ay suportado ako ng mga magulang ko. Magaling kasi ako sa skul at responsableng anak kaya wala naman silang reklamo. Minsan nga lang, mas iniintindi nila ang future ko, na mas mainam daw na mgkapamilya. Nginingitian ko na lang pag umaabot kami sa mga ganung diskusyun at iniiba ko ang usapan.
Scholar ako sa skul. Nag woworking student ako, at ngayon ay nag aaral sa isang uinbersedad at kumukuha ng kursong mass com. I have a good communication skills kasi at madalas din akong sumasali sa mga news casting contest nung highschool. Kaya yun ang napili kung kurso. 2nd year college na ako ngayong pasukan ngunit 1st year pa rin ang status ko, dulot na din na limited ang units na pwede kung kunit sa subjects ko. Mga 6 years pa akong mg sta stay dito sa college kung tatantyahin.
At eto nga ako ngayon, naka tengga sa bahay kasi summer break na. Paminsan minsan ay pumapasyal sa River Dam na malapit sa amin. Wala kasing masyadong establishments kasi probinsya ito. Kung meron man malilit lang at malayo.
(Back sa kasalukuyan)
"Nak. Napakain mo na ba ang baboy? Ang ingay ksi" sambit ni inay. Naku, hindi pa pala. Bilis kong tinungo ang pigpen at pinaliguan muna bago pinakain ang dalawang alagang baboy namin. Si Kat at Niel. Yeah, katniel fan ako eh.
"josephine! Amoy baboy ka naman nyan." sigaw ni Ethan, kapitbahay ko na papansin.
Di ko na lng pinansin at patuloy sa pagpapakain ng baboy.
"Pst! Josephine! hoy!" patuloy na pamamansin nito sabay hagis ng maliit na bato na muntik akong tamaan.
"Ano ba Ethan? Ang KSP mo! Mghanap ka nga ng mababadtrip mo. Yung sasakay sa mga biro mo" sagot ko na mdyo nagagalit na.
"Eeeehhh. Gusto lang naman kitang imbitahin. Debut kasi ngayon ni Ana, punta ka sana. Kayo ng buong pamilya nyo" sambit nito na kamotkamot ang ulo na tila ng papacute. Nakaramdam naman ako ng hiya sa inasal ko.
"Ganun ba. Sige, sasabihan ko sila nanay at tatay.," ma pride kong tugon dito.
"Asahan kita ha. Este kayo." pahabol pa nito at umalis na.
Napaka papansin ni Ethan. Mging sa skul e ganun din sya. Minsan nga tinutukso kaming mgjowa. Wala lang naman sa kanya. Aaminin kong may paghanga ako sa kanya ng kunti, pero ayokong palakihin pa ang nararamdaman ko kasi ayokong may magbago. Kuntento na ako sa ganitong sistema.Bigla naman dumating si itay galing sa palengke. Maaga pa syang umalis para maka kuha ng preskong isda na ilalako nya. Bumibili din sya ng mga gulay na si Nanay naman ang syang nagtitinda sa isang maliit na kubong itinayo ni itay, harap lang na aming bahay.
"Junjun! Tulungan mo si Itay! Sigaw ko sa kapatid ko na busy sa paglalarong ng gagamba nya. Dalawa lang kaming mgkapatid at puro lalaki, pusong babae nga lang ako.
Matapos kong pakainin ang mga baboy ay tinungo ko na ang CP ko. In on at nakita ko ang message not sent. Nagtaka naman ako kasi alam kong may load ako. Tiningnan kong muli ang message sa outbox at napagtantong kulang pala ng isang numero ang numerong nakita ko sa bente pesos na yun.
"Naku! Manghuhula na lang siguro ako. Tutal nasa isa sa siyam na numero lang naman. Bahala nang ma wrong send" ingganyo ko sa sarili.
Hmmmm
Lets start with number 0
Hi guys! Sana subaybayan nyo rin tong story ko na to. Vote and comment po. Solomot!!
BINABASA MO ANG
Textmate Pa More (Boyxboy)
Romansa"Ate pa bili po ng bigas isang kilo yung indian rice po" pang aabala ko kay manang na aliw aliw sa pinanonood nya sa tv. Nang lingunin ko ay Awit ng Tanghalan sa Showtime pala. Fan din ako nito kaya ate pki bilisan naman ng bigas ko. "Eto sukli, hoy...