Chapter 1

14 2 0
                                    


"5! 6! 7! 8!"

Pagod na ako pero todo bigay pa rin ako sa pagsasayaw. Tagaktak na ang pawis ko at basa na rin ang T-shirt na suot ko ngayon. Nanginginig na rin ang tuhod ko sa pagod dahil non-stop ang pag-practice namin ng sayaw para sa isang event. 6 hours na kaming sumasayaw, no break.

Sabay sabay na ang galaw naming lahat 'di tulad kanina na medyo magulo pa ang blockings at hirap gumalaw dahil sa bilis ng mga steps.

Hindi rin kasi basta basta ang grupo namin. Madalas kaming naiimbitahan sa mga malalaking events sa iba't-ibang lugar at 'di mapagkakailang sikat ang grupo namin.

Nang matapos ang kanta ay nag-split kaming tatlong babae sa harap at nag-tumbling'an naman yung ibang lalaki sa likod namin

"Okay na yan for now. Good job!'' anang leader namin saka pumalakpak ng tatlong beses.

Hay! sa wakas. Dumiretso ako sa locker room namin at kinuha ang mga gamit doon.

"Av, may lakad ka ngayon?" Tanong ni Jack na co-dancer slash bestfriend ko.

"Errr, yup! may pictorial ako mamaya and pupuntahan ko yung ibang painting na gawa ko dun sa art gallery." sagot ko sakanya. "Oh! by the way, say my thanks sa ate mo. Siya nag-invite sakin na ibenta yung paintings ko dun."

"Aryt. I'll go ahead. Take care Av." he said then left.

Pag tapos kong maayos ang gamit ko ay lumabas na ako ng studio at sumakay sa aking Baby Porsche. Thank God at hindi traffic at maaga akong nakauwi sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko at naligo. I still have 3 hours before the pictorial. Kaya nagbabad muna ako sa bathtub, enjoying the cool water. I thought summer is cool. lol if you know what i mean. Not literally cool pero, You know, bikinis, beach, hot guys except the weather.

At dahil muntik na akong makatulog sa bathtub, that's my cue na tama na ang pagbababad. Kinuha ko yung bathrobe ko at yung tuwalya para sa buhok ko at lumabas na sa CR. I went straight sa walk-in closet ko. I chose my 'I hate mornings' t-shirt and white ripped jeans and a flannel. Then a Stan Smith shoes. I'm not a fan of heels, but minsan napipilitan akong magsuot because of some events.

Pababa na ako nang mag-ring yung phone ko. Ching

"yes?'' sagot ko sa istorbo kong pinsan.

"We'll go there later! mga 9 I think." si Kas yung sumagot, na isa ko ring pinsan. Magkakasama pala sila, Di ako informed.

"Aryt. See you."

"we'll bring beers! and hot girls." rinig kong sigaw ni Ching sa kabilang linya at sumipol. I chuckled.

"You dare. Kuya Ching." And I heard him laugh.

"btw, Alice is with me Av hah? Umalis sila mommy eh." si Alice naman yung nakababatang kapatid ni Kas na 5 years old pa lamang at super spoiled.

"Okay lang." I smiled as if she could see me smile. Napatingin ako sa orasan ko and it's almost three. "I better go Kas. Text me if you guys are here na. Bye! See you!" then I hang up. dahil kung di ko ginawa yun ay malamang male-late talaga ako sa pictorial.

Maaga rin naman akong nakarating sa pictorial at ngayon ay inaayusan na ako. Modelling and anything related sa mga ganitong bagay is really not my cup of tea. Pero dahil nga sa Jimenez ako, I'm totally exposed sa mga ganitong bagay.

"Are you sure ayaw mong pumirma ng kontrata dito girl?" tanong ng gayfriend ko.

"Yup Hugo, besides I heard na pumirma na si Meg dito. She'll do better." Then i flashed a smile. Matagal na nila akong pinipilit sa ganito. Pero my main focus is dancing. Well, boys talaga ang focus ko dati. And it's in the past.

A Dancer's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon