Chapter 2

7 2 0
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw mula sa napakalaking glass window sa kwarto ko. Maganda ang view paggising ko. Naalala ko tuloy yung kanta ni Demi Lovato na Skyscraper.

Humiwalay ako sa mga co-dancers ko, lahat sila ay nasa Langham Place at kaming dalawa lang ni Jack ang nagstay dito sa Park Hyatt. Libre na nga ako dahil shareholder dito ang daddy ni Jervin. Perks of having an influential family.

I got up from my bed and did my morning rituals. Sa labas na lang ako kakain at yayayain ko na lang si Jack. Medyo puyat pa ako dahil hindi pa nakaka-adjust ang body clock. Ngayong araw din na 'to kami mag peperform agad agad.

Pagtapos kong maligo ay dumiretso ako sa kwarto para maghanap ng ng maisusuot. I wore my Long sleeve crop top and Black ripped jeans and paired it with my favorite pink timbs.

Tinext ko si Jack kung okay lang ba na magpasama sakanya kumain at agad naman siyang um-oo. Maliligo lang daw siya, kaya habang hinihintay ko siya ay iistorbohin ko muna ang mga pinsan ko.

Nakipag video call ako sakanila through skype, at as usual, andun pa rin sila sa bahay ko. Nagkalat na mga unan, plato, bote ng beer at tatlong bote ng Absolut Vodka.

"Grabe! isang araw palang akong wala ginawa niyo ng dump site kwarto ko." i pouted. Naiinggit ako! sana nandun din ako ngayon.

"Whatever! patingin naman sa New York! miss ko na diyan eh." ani Kate saka sumalampak sa bed kung saan nakahiga silang lahat. Kumaway sila sa akin at nagtawanan sila sa di ko malamang dahilan. Mga baliw!

inikot ko naman ang phone ko para makita nila yung view dito.

They all sighed na para bang inggit na inggit sila. "Ah! Glimpse of New York. I saw your Ig post kanina Av! maganda pala diyan sa Hyatt." I nodded atsaka humiga din sa kama ko.

Inasar at ininggit lamang nila ako.

"Ma masaya pala Av pag wala ka dito eh." pang aasar ni Jervin sa akin. Tinarayan ko lamang siya at tinawanan naman nila ako.

nagpaalam na ako sakanila nang mag text si Jack na nasa tapat ng room ko na daw siya.

I brought my hotel card then locked my suite. Simple lang ang suot ni Jack. He's wearing a v-neck shirt and a leather jacket and he paired it with black Jeans and boots.

"San mo gusto? bukod sa mga bar dito Av hah." he said while chuckling.

Kapal talaga ng mukha nito. Siya lang naman 'tong mahili dun eh.

"Anywhere. San ba may masarap na kainan dito?" I asked him atsaka sumunod sa kanya patungong parking lot.

"Fine dining restaurants lang halos lahat ang malapit dito."

"No thanks. wa ako sa mood magpaka-prim and proper ngayon."

"Arte talaga. Sa A Voce na lang tayo tas diretso tayong Central Park." he said wiggling his eyebrows.

Kaya kinurot ko siya sa tagiliran kaya napadaing siya. "Sige. Paano sila Tris? pasunodin natin sila. Gala tayo before the event."

"Aryt. I'll text them."

Mabilis din kaming nakarating sa A Voce at pagtapos naming kumain ay dumiretso na kami sa CP kung saan kami magkikita-kitang lahat.

Kumaway sila nang makita kami ni Jack at nagyakapan.

"Sayang Av! walang nang-aalaska kay Joe kagabi, wala ka kasi." sumbong ni Tris sakin.

Nagtawanan kami doon hanggang mag-hapon na. Nakaupo kami sa damuhan at nagpapasikat naman yung iba sa amin na sumayaw.

"Bar tayo! para wild tayo sa stage mamaya!"

"Sakto! may alam akong bar dito. Tara!"

Napailing nalang kaming lahat kay Jack at sa kapwa niya bar-addict na si Joe.

5 sasakyan ang dala namin at dun ako sa SUV ni Jack sumakay kasama ang 4 pang babae.

Ibang bar ang pinuntahan namin. Hindi ito katulad nung mga typical na bar na puro ilaw. At siksikan ang tao.Parang restaurant lang ito ngunit puro beers at cocktails lang ang sineserve. Nahuli akong pumasok dahil na-amaze ako saglit sa nakita ko sa labas. Nang nasa tapat na ako ng pinto ay natumba ako at hinilot ang bandang noo ko na nauntog.

Tinignan ko ang nakabangga sa akin at muntik nang malaglag ang panga ko. Magulo ang buhok niya na mas lalong nag pasexy sa mukha niya. Matangos ang ilong, medyo singkit at mahahaba ang pilikmata.

Iniabot niya ang kamay niya sakin at inabot ko naman iyo. Pinagpag ko ang damit ko saka humarap sakanya.

"Sorry miss. I didn't know you were there. I'm really sorry." Okay lang! diretso mo na ako sa bahay mo. Gusto kong sabihin 'yan dahil nakita ko kung gaano kaganda ang katawan niya. Naka shorts at muscle tee lang siya kita ko ang braso niya hindi ganoon kalaki at hindi rin naman ganun ka payat. Kumbaga sakto lang sakanya ang katawan niya.

"No. It's okay. I wasn't looking on my way too. And your beer spilled so I guess we're even." tinuro ko yung bote ng beer na hawak niya.

"That beer's cheap. I can even buy this bar." he shrugged.

Aba't! mahangin 'tong lalaking 'to!

"I'm not asking." I said then left. Sampal ko sakanya yung bote ng beer eh.

Ang mga lalaking gwapo, kung hindi bakla, mayabang. Where's justice in this world?

"Oy Av! tagal mo naman. Ano sayo? libre daw ni Jake eh."

"Aba! hahaha sige Whiskey na lang atsaka kahit anong cocktail basta give me 3 bottles or shots." Jake nodded at humanap na kami ng pwesto.

Vintage at relaxing ang ambiance dito. Naalala ko tuloy yung 2 kong kuya at sila Vil. For sure di nila maeenjoy dito dahil walang mga sexy girls. I sighed.

"Bit sad eh?" Tanong ni Gee na leader namin.

"Baliw! may naisip lang."

Sobra na ang kahyperan naming lahat dahil sa sobrang dami ng ininom namin. Hindi naman kami lasing, pero may ganto lang siguro talaga na epekto yung beer. Dahil kahit papaano ay may alcho. din ang mga yun.

Nandito na kami ngayon sa event at kabado kami sa backstage.

"Ano?! feeling competition tong pinuntahan niyo at kabado kayo?" natatawang sabi ni Gee.

"And now! ladies and gentlemen, let us all give a big hand for Royal Crew!" at tumugtog na ang sasayawin namin.

Nakayuko kaming lahat. Suot namin ang t-shirt ng crew at naka baseball shirt at black pants.

nang marinig naming ang 'boom' na part sa kanta ay isinuntok namin ang kamay namin sa gilid na sabay ng pag sipa ng paa namin sa kabilang direksyon.

Nagpalakpakan ang lahat nang magsimula kami at ganun din hanggang sa matapos kami.

Nakita rin namin na nakangiti ang mga nanood pati na rin ang Presidente.

Pagtapos naming sumayaw ay dumiretso na kami sa backstage. Magpapahinga na sana kami nang tawagin kami ng isang crew sa Hotel.

"Excuse me, but the President is asking your crew to join the event. Your table is #7 behind the President's table."

Nagsigawan naman ang lahat at una-unahan pang pumunta sa table.


A Dancer's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon