Chapter 4 - the nerd

21 2 0
                                        

05/15/16
12:54am

***************

CHAPTER 4 -the nerd

(Jexter POV)

Pagkalabas ng classroom nagkahiwalay-hiwalay na kami. 
Break time na kaya sinama ko sina Glenn sa cafeteria ng highschool.

Sa Earohell University may nursery, pre-school, elementary, highschool junior at senior and lasty ang college students.

Magkakaiba ang building ng bawat level pati dormitories, magkahiwalay ang babae at lalaki.

May kanya kanyang building ang bawat administration, per teacher level, sa mga club at kung ano-ano pa.

Kung iisipin niyo napakadaming nakatayong building dahil napakalawak nitong university. 

Nang makapasok na kami, hinanap ko kaagad ung nerd. 

Nang makita ko na lumakad ako doon palapit.

May kasama siya babae din, mukhang bago lang sila ah.

Pumuwesto ako sa likuran nila at kinuha ko ang boteng hawak ni Fredo. 

''J-Jex, huwag mong ituloy yang balak mo. '' nauutal na awat sa akin ni Gelo.

''Chix yan pare, huwag mong papatulan. Maganda pa naman.''  Sabi naman sa akin ni Glenn.

''Tsk! ''

Tinuloy ko ang binabalak ko, na tatapunan tong babae.

''Alex! ''

Napatayo ung isang babaeng kasama niya sa table.

Nagpapanic na ung babaeng kasama niya at siya kalma lang.

''Hoy! Ikaw bakit mo siya tinapunan!?'' Reklamong sigaw sa akin nung babae.

''Nena, manahimik ka jan. Ung bilin ko sayo. '' seryosong saad nung nerd dun sa sumigaw sa akin.

Nanahimik ung babae at umupo pero hindi siya makapakali habang si  nerd naman nakatalikod pa rin sa akin. At patuloy parin ang sa kinakain niya.

Kinuha ko naman sa tabing mesa ang plato. May laman itong lasagna at spaghetti. 

Wala parin siyang kibo.

''What the!? Tinapunan na nga kita hindi ka pa rin lilingon sa akin?!'' Galit na sigaw ko.

Kaya ung ibang estudyante dito ay napahinto sa kinakain nila at napatingin dito. 

Aba'y?! patuloy parin siya sa pagkain niya.

Habang ung isang kasama niya eh. Nanonood lang sa kanya. 

Nang tinitigan ko ung babae na kasama ni nerd, parang hindi manlang siya natakot sa pagtitig ko sa kanya dahil kaharap ko siya at punong puno na ako. 

Nang naramdaman niya ang pagtitig ko sa kanya tinitigan din niya ako, parang sa aura na pinapakita niya eh  'never messed up with me or you regret it what will happen next'

''Jex'' bulong sa akin ni Fredo. At hinawakan niya ang magkabilaang balikat ko.

''Hindi pa tayo tapos, tandaan mo yan.''

Sabi ko bago ako lumakad palayo sa kanila.

Pumalakpak si Glenn at sumigaw na ''Shows over! ''

Mahirap na. At baka bumaliktan ang posisyon namin, imbes na siya ang mapahiya eh, ako pa.

''Gelo, check their background informations. '' utos ko sa kanya.

 Earohell University (On-hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon