Entry #6 - Tintin @ Mall Encounter

677 10 0
                                    

KRISTINE's POV

Hindi pa rin ako nakaka-move on sa mga nangyayari this past few days. Ikaw ba naman sabihan na pangit ang boses? Di ba nakakasira ng araw 'yon? Akala mo naman sa kanya ay maganda ang boses.

Makikita nya! Lalaitin ko din ang boses ng lalaking yun, sa isip-isip ko lang.

Basta I hate that guy. At isa pa, yung lalaki rin kung makapag-busina kala mo nasa terminal o kaya sya ang may ari nun. Sabihan pa naman ako na: DON'T BLOCK THE DRIVE WAY. Ang kapal! Pasalamat sya di ko nakita ang pagmumukha niya. Nakakainis!

Nakakainis ang dalawang lalaking 'yon!

SATURDAY ngayon kaaya wala kaming pasok. 

Dahil weekend ngayon, pupunta muna ako sa mall para magpalamig at mag relax naman. Tagal ko na di pumupunta sa Mall. Last kong pagpunta dun kasama ko si Jerome. Ang ex-boyfriend KO. As in EX kasi manloloko. By the way, ayaw ko muna siyang pag-usapan.

Nakasuot lang ako ng black hard jacket style with white shirt sa loob. Sinuot ko din ang Nerdy glass ko kahit wala naman sira ang mata ko. Dahil sa maaraw sinuot ko ang hoody cap na kulay green at headphone para kapag na-boredom ako, may music na papatugtugin ko.

"Ma, alis na po ako", paalam ko. Nasa kusina si Mama busy sa pagluluto.

"O sige alis na, basta mag-iingat ka nak ha." sabi ni Mama. Love na love talaga ako ni Mama dahil hindi man lang ako pinigilan.

"Sige Po", sabi ko at lumabas na ng bahay.

Ang init ng panahon ngayon. Buti nalang nandito ang hoody cap ko. Nag-abang ako ng tricyle para makalabas dito sa village. After 54124 minutes este 5 mins, nakasakay na ako ng tricyle papuntang labasan. Doon kasi nag-aabang ng jeep o taxi papuntang centro o bayan.

Nagtaxi nalang ako papuntang mall. Tutal mage-eleven na. Di pa naman ako kumain sa bahay pag-alis ko.

Pagbaba ko ng taxi agad ako pumasok ng mall. Ito ang gusto ko sa mall.. Malamig kahit mainit sa labas. Ginamit ko ang skilator para tumaas. Kapagod kapag gamit lang ang hagdan paakyat at ayaw ko naman gumamit ng elevator.

Habang paakyat, may nakatingin sakin na isang cute na bata kasama niya ang kanyang mommy . Nginitian ko ang bata. Ang cute niya kasi kung pwede lang pisilin ang mukha, ginawa ko na. Nakita ko ang bata na nagpipigil ng iyak. Gosssh!!! iiyak ang bata? Dali dali akong umakyat kahit naka-skelator pa ako. Baka ako awayin ako ng mommy ng bata.

Nasa 2nd floor na ako.

Hay salamat at di natuloy ang iyak ng bata, sa isip ko lang.

Dahil sa nagugutom na ako at gusto na tumambling ang bulate ng tiyan ko, dumeritso agad ako sa fastfood chain para kumain.

Nag-order lang ako ng 1 chicken, 1 cup of rice, French fries at coke. Busog na ako d'yan kahit papano. Honestly, madami akong kumain lalo na kapag nasa bahay. Minsan nga nakakatatlo akong ulit sa pagkain. Kaya 9 times ako everyday pero hindi ako nataba man lang? Bakit kaya?

Habang kumakain, may napansin akong sweet couple lover. Kainggit. Tss. Same clothes sila. Ano nga tawag dun? Couple shirt ba? Basta yun na yun. Hahaha

Gusto nyo ba malaman kung anong name ang nasa likod?

Segi na nga! No choice na ako!

KenTin as in Kenny Love Tinay. Nakasulat kasi.

Nasa likod yan ng lalaki. Nakatalikod kasi yung lalaki kaya nabasa ko ang nakasulat. Grabeee ang sweet nila. Kainggit Much :( #Lol Natapos na ako kumain kahit bitin much sa pagkain Hahahaha

THE CAMPUS LOVE TEAM (Secretly In Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon