Entry #8 - Meet Him and I'll thanks to him.

572 15 2
                                    

Entry #8 is here.

ENJOY READING!!!

------

Nakarating na kami sa bahay nila tito andrew at tita kyla. Grabe ang ganda ng bahay nila...Pagbaba ko sa kotse kitang kita ng dalawa kong mata ang mansyon na bahay nila tito at tita.

Malaki ito sa inaasahan ko.

"Grabe ang yaman nila tita kyla at tito andrew", sabi ko saking sarili.

"tara pasok na tayo sa loob", yaya ni tita kyla.

Sumunod lang kami kila tito't tita. Pagkapasok namin. Napa-wow na lang ako saking nakita. Grabe ang ganda talaga sa loob. Halatang mamahalin ang kanilang gamit. Hahaha Osegi na! Sila na ang RICH!

"Good Evening Ma'am, good evening sir", bati ng isang katulong. KASAMBAHAY kasi naka-uniporme bilang maid.

"Good Evening din, at ihanda mo muna ang aming dinner". sabi ni tita.

"Ok po maam" sabi naman ng maid.

Umalis na ito at umupo kami sa kanilang dinner table. Grabe super laki at may mga prutas pa sa gitna nito. Hehehe mapapasubo na naman ako nito wahahaha sa isip ko.

"Loida?" tawag ni tita kyla.

May dumating pang isang katulong. Mas matanda ito compare sa naunang katulong.

"Yes maam?" tugon naman ni manang Loida.

"si Kyle ba nasaan?" - tita

"Nasa taas po at natutulog" - manang Loida.

"Hay naku batang toh..alam ng may bisita di pa nakahanda" - rinig kong sabi ni tita.

"Osya, gisingin muna at sabihin mo nandito na yung bisita" patuloy na sabi ni tita Kyla.

Umakyat na si manang loida.

Ginala-gala ko ang aking mata. Mamahalin ang mga furniture nila tita. Hayssst kelan kaya ako magiging mayaman? sa isip ko.

Habang naghahanda ang mga katulong, di pa rin mawala sa isip ko yung mamang tumulong. malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Sana magkita ulit kami at para makapasalamat talaga anko ng buong husay. ;)) Ano nga name nun?? I forgot. Basta siya yun.

"Yan na pala ang anak ko ..si Andrei Kyle..my only son". - rinig kong sabi ni tita kyla.

Dahan-dahan akong lumingon. Iniikot ko ang ulo ko. Nasa likod ko kasi yung sinasabing Andrei Kyle na anak ni tita at tito Andrew. Nakita kong nakayuko pa ito at gulong gulo ang buhok. Pero, infernes maputi itong lalaki.

Sana cute ito..sa isip ko. hahaha :)) Halatang bagong bangon ito. Hmmm anong ginawa kaya nito maghapon at parang pagod na pagod.

"Andrei ..umupo kana dito" tawag ni tito sa lalaki.

Pagkataas ng mukha ng lalaki para akong nakakita ng multo este anghel na bumaba sa langit..at pamilyar ito sakin. 

Nanlaki ang aking mata ng nagtama ang aming mga mata.

OMGey ...siya yung ...

THE CAMPUS LOVE TEAM (Secretly In Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon