Entry #5 - Elaine, Crush niya si ....

707 14 1
                                    

KN: Para toh kay hazen16 ..inadd niya kasi sa RL niya..Nasiyahan naman ako.

ENTRY #5

P O S T E D

Enjoy Reading :)

+++++++++

...Elaine's POV continue...

Habang nililista ng secretary namin ang lahat ng suggestion. Inisip ko parin ang pangyayari kanina. Ang pangyayari kay Kristine...

Ano ang dapat kung gawin?tanong ko saking sarili. Haisst hirap mag-isip! Kainis ka KUYA... Binibigyan mo ako ng problema. Hehehe ay di pala si Kuya ..ako pala ang nagbibigay problema saking sarili. Grrrrrrr XD

Lahat na nalista ni Sec. Zuwie. Kaya nagbotohan na kaming lahat.

Syempre dahil gusto ko ang isang suggestion syempre ako ang unang tumaas then sumunod naman ang iba. Ewan ko ba kung bakit lahat ng gusto ko gusto din nila. Hay..Ako na talaga! AKO NA ! Hahaha :P

Nag-usap usap na kami kung ano ang mga gagawin. Excited silang lahat. First time kasi ito sa school namin. Lahat naman nag-aaral dito gwapo't magaganda.

Pero - Per- perooo...

Goshhh ..Bakit siya nakatingin sakin??

Sakin talaga? Ang cute niyang tingnan. Grabiii pero Elaine wag ka muna mahulog sa kanya. ikaw lang ang may gusto ey. Dapat siya rin may gusto sayo.

Friend niya kasi si Kuya. Baka masuntok siya nun. Hahaha kawawa naman kung nagkataon.

Narinig ko kasi nung nag-usap usap sila yung words na TALO-TALO. Ewan ko kung anung ibig sabihin nyan... Ewan ko ba. Ang Bobo ko about sa tulad ng mga words na ganyan.

"Are you okay?" tanong sakin ni Vice President.

Nagbalik ang kaluluwa kung saan kanina pa lumilipad, nang marinig ko ang BOSES niya. Natulala kasi ako sa kanya. Ewan ko ba..He's always in my mind.

"A-a..Y-yes, I'm fine. Thank you", utal na sabi ko.

Gosh..Ano kaba Elaine huwag ngayon. Lagi kasi ako nauutal sa kanya. Simula kasi nagka-crush ako kay Eross e naa-Awkward na ako sa kanya. Ganon din ba kayo? Yung awkward kayo kay crush kapag nandyan siya malapit sayo? Yun feeling na parang kayo lang talaga ang nasa mundo? Haiiisst.

(Koks Note: Si Eross ang nasa picture. Thank You)

"Namumula ka ata", sabi ni Eross. Si Eross ang Vice President ng SC. Siya ang friend ni Kuya na crush ko. Sabi kasi sakin ni Kuya wag daw ako mahulog kahit kanino sa mga friend niya. Ewan ko ba kung bakit ganyan ang turan sakin ni Kuya.

"A-a h-hindi, wag mo pansinin yan", sabi KO. Nakakahiya. Nagba-blush ako kay Eross. Tss.

Buti na lang natapos na ang meeting namin. Makakauwi na din sa wakas. 

Papunta na sana ako sa parking lot kung saan nandun si manong driver. Oo May driver ako pero si Kuya wala. May sarili kasi si Kuya ng kotse. Haissst Sana ako din :( ..harhar

"Hatid na kita", sabi ni... Ay si Eross pala. Huwaaaaaat si EROSS? Siya maghahatid sakin. Ang swerte ko naman. Pero di pwede may sundo ako eii.

"Don't worry. Nagpaalam na ako sa Kuya mo at alam na din ni manong driver mo. Kaya nga di siya sumundo sayo." dagdag pa ni Eross.

Tiningnan ko ang buong parking lot. Pero wala yung kotse namin. Huhuhu :( Kawawa naman ako. Tss. Iniwan lang ako na diko alam.

No choice kaya sumabay na ako sa kotse ni Eross. Habang nasa byahe kami wala kaming imikan. Awkward lungs ang peg namin. Ikaw ba naman na magkasabay kayo ni crush o ng mahal mo? Diba napaka-awkward yun? Tsk!

THE CAMPUS LOVE TEAM (Secretly In Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon