Grade 4. Walong taong gulang palang ako no'n. Naisama ako ng pinsan ko sa bahay ng isang highschool teacher. Kung bakit kami pumunta do'n, hindi ko na matandaan. May isang kulay green na libro na nakapatong sa isang patungan na hindi ko na rin maalala kung anong klaseng patungan 'yon. Hindi ako malikot na bata, lalo na kapag nasa ibang bahay. Alam ko din na hindi tamang makialam sa gamit ng iba. Pero hindi ko napigilan ang kapangahasan dahil sa pamagat ng libro.
ABNKKBSNPLAKo?!
Hindi ko maintindihan yung pamagat nung una, pero dahil mas malaki ng konti ang utak ng pinsan ko, naintindihan ko din ang pamagat.
Nakaka-ilang pahina palang ako pero kinailangan na naming umuwi. Gusto ko sanang hiramin nalang ang libro, pero nahiya ako sa muhka-namang-mabait-na-guro. Hindi kasi kami close.
Pag-uwi ko ng bahay, kumuha agad ako ng bolpen at papel at nagsimulang magsulat. Hindi ko alam kung bakit, pero para lang akong nakapanood ng Zoro at pagkatapos ay kumuha ng panyo, binutasan ng dalawa para sa mata. Nagsuot ng kapa at nagsukbit ng patpat na espada at nagsabi; "Ako si Zoro!", sabay hampas sa kalaro.
Ikaw... Paano ka nagsimula?
BINABASA MO ANG
Touching Pen
Non-FictionGusto mo bang maging mahusay na manunulat? Wala akong maitutulong sayo. Pareho lang tayo ng kinalalagayan. Nakasakay tayo sa iisang Pedikab. Malayo pa ang patutunguhan at mabagal ang padyak. Tara, kwentuhan muna tayo... *ngiti*