“writing about a writer's block is better than not writing at all”
― Charles Bukowski, The Last Night of the Earth Poems
Writer's block. Naranasan mo na ba? Tinatamad kang mag-isip, magsulat. Puno ang isip pero walang maisulat. Sa ganitong sitwasyon, mas minamabuti ko nalang na huwag munang magsulat. Pero sabi nila, ang solusyon daw talaga ay magsulat lang muna ng kahit na ano. Tulad nito:
Tipa... Tipa... Tipa...
FDJKDSHSJDHFDGDSG...
Buntong-hininga, sabay pakawala ng malupit na Backspace.
Tipa... Tipa... Tipa... Inom ng tubig na mainit na kanina lang ay malamig pa. Ctrl + A then Delete.
Tipa... Tipa... Tipa... JFSHLSHAHDHAJ...
Tipa... Tipa... Tipa... WALAKOMAGAWA
PARAMASAYATAWAKOHAHAHA
TAWAPAHAHAHAHA
OHALATAMANAPARANAKOTANGA
Karaniwan na ang ganitong eksena pero hindi karaniwan sa ganitong oras.
Tipa... Tipa... Tipa... Alas-dose ng tanghaling-tapat. Nakaharap sa monitor, tumitipa ng keyboard. Tirik ang araw, pawisan ang buong katawan. Mainit ang buga ng elektrikpan. Maasim, maalat, ang pawis ay tumatagaktak. Tipa... Tipa... Tipa... Gusto kong magsulat pero wala akong maisulat. Sabi nila writer's block daw. Sabi ko naman, baka writer's black.
Pawis. Init. Tanghaling-tapat. Sunog at nanigas na ang mga tae sa kalsada. Sunog ang balat, sunog ang utak. Sunog. Dulok. Nangitim na ang kanin sa loob ng bungo na nakasalang sa apoy ng tanghaling-tapat. Writer's black.
Korni di ba? Pero di bale na. Kahit paano, ang blangkong papel kanina, ngayon ay may laman na.
Ikaw... Naranasan mo na ba?
BINABASA MO ANG
Touching Pen
No FicciónGusto mo bang maging mahusay na manunulat? Wala akong maitutulong sayo. Pareho lang tayo ng kinalalagayan. Nakasakay tayo sa iisang Pedikab. Malayo pa ang patutunguhan at mabagal ang padyak. Tara, kwentuhan muna tayo... *ngiti*