Nakahiga, tinatamad bumangon at magkwento. Sa totoo lang, wala naman talaga akong kwento, totoo yan. Sabaw ang utak. Masabaw pa sa lugaw na mabibili kanto. Tamad ako. Tamad ako magkwento o kahit na ano. Tamad magsulat. Tamad sa lahat ng bagay. Kung bibigyan man ako ng isang kahilingan ngayon, hihilingin ko na sana'y may kwento ako...sana may maisulat ako...sana...
Matagal ding naging blanko ang papel, walang tinta ang panulat at walang laman ang utak.
Wala akong kwento. Wala akong kwenta. Tae lang, tinatamad din. Aanhin pa ba ang damo, kung nagkakatol na ang kabayo? Ako ang nagsaing ako din ang kumain. Laptop ay isinuksok, laptop ay nadukot. Bugtong, bugtong, bugtong, nagkadugtong, dugtong. Heto na si kaka, laging nakahilata. Baboy ko na payat, laging puyat. Hindi tao, hindi bagay, ang tae'y nagsusulat. Makata, makatae nakatira hindi sa Makati. Ako po'y tutula, mahabang-mahaba ako po'y uutot, tapos na po.
Bagong gising mula sa gabing mahimbing. Babati ng magandang umaga sabay ngiti. Muta sa mata. Panis na laway na lumikha ng bakas sa nakangiting labi. Amoy ang hiningang umaalingasaw. Handa na ang almusal, umuusok na kape at pandesal na walang palaman. Isantabi muna ang mumog at hilamos. Umupo, itaas ang paa. Ilublob...nguyain ang pandesal na nahugasan. Higupin ang mainit na kape. Simulan na muli natin ang kwentuhan.
BINABASA MO ANG
Touching Pen
Non-FictionGusto mo bang maging mahusay na manunulat? Wala akong maitutulong sayo. Pareho lang tayo ng kinalalagayan. Nakasakay tayo sa iisang Pedikab. Malayo pa ang patutunguhan at mabagal ang padyak. Tara, kwentuhan muna tayo... *ngiti*