Chapter 2 : GRAY and PURPLE
Nag-aayos na nga mga banners ang iba't-ibang estudyante na nominated sa Student Council,habang nag-aagawan naman si Pink at Blue sa gitnang parte ng stage para sa banner nila.
"Blue! Ano ba?! Hindi ba uso sayo ang Ladies First?!" Bulong ni Pink kay Blue para hindi makahalata ang ibang tao na nasa auditorium na nag-aaway sila dahil ang alam ng lahat ay sobrang close at magbestfriend ang dalawa.
"Okay Sige! Ladies First, lagay mo na banner mo!" sabi ni Blue saka ito bumaba ng hagdan
Ano naman kayang nakain ng Blue na to at mabait ata ngayon? naisip ni Pink
Nilagay ni Pink ang banner niya at nang makita niya ito ay sobra siyang nagulat at nagalit.
O_____O
Binaboy ni Blue ang banner niya,nilagyan ng sungay,sipon,bulok na ngipin at kung anu-ano pa sa mukha ni Pink.
"Mamaya ka sakin!" sabi ni Pink kay Blue
"May 1?" sabi naman ni Blue na may mapang-asar na ngiti sa mga labi.
Success! Whahahaha! Akala mong Pink ka ah! Wala kang banner ngayon! Mwahahaha! naisip ni Blue
Nilagay na ni Blue ang banner niya sa ibabaw ng banner ni Pink.
In-unlock ni Pink ang hagdan para mahulog dito si Blue,pero biglang tumalon si Blue mula sa taas ng hagdan kaya hindi siya nahulog.Si Pink ang malalaglagan ng hagdan kaya hinila siya ni Blue at napayakap si Pink sa kanya.
"Ui Pink! Bakit mo ko niyayakap?" sabi ni Blue na nakangiti
Waaaah! Hindi ako makasigaw pero bakit ang bango ni Blue Ang togas ng tiyan ang la--...Teka! Ano ba tong iniisip ko at nakayakap pa sin ako sa kanya Waaah! The End of the World na ata! naisip ni Pink
"Eeeeeeep! Bagay talaga sila!"
"Sabi na nga ba! Sila na eh!"
"Hindi ah!Akin si Prince Blue noh!"
Sabi-sabi ng mga estudyante sa loob ng auditorium.
Lumayo si Pink sa kanya at sinuntok ang tiyan ni Blue.
"Hindi po kame ng Prince Blue niyo at malabo pong mangyari yun!" paglilinaw ni Pink
"Oo nga pakipot kasi tong Princess niyo!" sabi ni Blue saka inakbayan si Pink.
"Pano magiging pakipot yan? Eh nililigawan ko na nga!" sabi ng isang lalaki na kapapasok pa lang ng auditorium.
Siniko ni Pink si Blue sabay tanggal naman ng pagkaka-akbay ni Blue.Tumakbo si Pink papunta sa lalaki saka hinwakan ang kamay nito para mapahiya si Blue.
"Oh Ano Blue?Sinong pakipot ngayon?" sabi ni Pink
Sa hindi alam na dahilan.Nilapitan ni Blue ang palapit na babae sa kanya at inakbayan ito.
"Bakit? Tingin mo papatulan talaga kita?" sabi naman ni Blue
"Tara na nga Mr.Manliligaw!" sabi ni Pink sa lalaki at hinatak ito palabas ng auditorium.
Bwisit na Blue yan! Kahit kelan hindi nagpapatalo!Grrrr...Nakakainis! Teka! Bat ba kasi ako naiinis?! para naman hindi ako sanay! Lagi ko naman siyang nakikitang may ka-flirt na babae. Grrrr.. naisip ni Pink
Tumulo ang luha ni Pink nang hindi niya namamalayan kaya pinunasan ito ng lalaki na hanggang ngayon ay hawak niya, napansin niyang nasugatan ang lalaki dahil bumaon ang mga kuko ni Pink dahil sa higpit ng pagkakahawak dito.
BINABASA MO ANG
Lover's Quarrel
RomansaSimula pagkabata wala nang inatupag ang ating mga bida kundi magwrestling,magpataasan at magpagalingan...kelan kaya nila marerealize ang tunay nilang nararamdaman para sa isa't-isa?? Sa mga oras kayang mahirap nang balikan..? (Don't Judge the book b...