Chapter 9.2: Jealous?

144 6 0
                                    

As/N: Paread din po ng story namen.. LOVING YOU FROM AFAR,MY FIRST TRY WILL BE FOREVER AND I LOVE YOU FROM THE BOTTOM OF MY HYPOTHALAMUS :)) 

MAY FB NA DIN PO PALA KAME!! mergeofhearts@yahoo.com

Enjoy Reading!!

COMMENT AND VOTE NAMAN DIYAN!! XD

____________________________________________________________________________

Chapter 9.2: Jealous?

Nanatili lang na nakatayo si Pink dahil medyo hindi pa siya makagetover sa narinig mula kay Blue..

"Pink!" pagtawag sa kanya ni White dahil natulala na siya..

"O-oh?"

"May I ask you something Pink?" tanong ni White

"Sure.."

"Do you like Blue?" seryosong tanong muli ni White

Nagdadalawang isip siya kung anong isasagot..

Bruho yung asul na yun! Hindi daw niya ko like edi hindi na lang din! Beeehlaat siya! - naiinis na naisip ni Pink

"No! I don't.."

"Good ^___^" 

"Sige White I have to go may next class pa ko"

"Sige Pink Bye! ^____^" pagpapaalam ni White na may Wagas na ngiti

Umalis na si Pink,ngunit hindi siya sa klase niya dumiretso..

*****

Nakita na ni Ivory ang mga hinahanap niya..

" I finally found the two of you!..follow me sa Faculty Room..

Sumunod naman ang dalawa ng walang tanung-tanong.

"Please sit.." sabi ni Ivory ng makarating na sila sa Faculty Room sa mismong room ni Ivory..

"Bakit niyo nga po pala kame pinapunta dito?" tanong ni Gray

"It's about the deal..ituloy niyo pa din yung deal kahit may iba pang mga gumagalaw..excited na kame ni Mareng Beige na makasal yung dalawa..mga pakipot at torpe kasi! Hayyyy!! Buti nung ako dati Go go go lang! Wala ng pakipot kipot pa! Anyhow,yung reward natatandaan niyo pa ba?? Uulitin ko na lang para mas mapagisipan niyo pa kung itutuloy niyo.. Susuportahan namen ang pagkacollege niyo dito sa DVF University kahit anon course pa yan.. Isang condo unit kahit saan at ang sure ng career niyo after niyong grumaduate ng college..Ano Go Go Go pa ba? Pera o bayong?" sabi ni Ivory habang  ginagaya ang sayaw ng mga dancers tuwing Pera o Bayong segment na..

"Excuse me po..saglit lang po talaga..kelangan ko na po talagang magrestroom" pagpapaalam ni Purple habang tumatalon talon na para mapigilan ang pantog..

"Too much information! Sige larga baka lumabas pa yan dito Hahaha"

"Panira ka naman ng moment dalian mo lang ha!" bulong ni Gray kay Purple..

"Eh sa naiihi na ako anong gusto mo dito ako umihi ha?" bulong din ni Purple

"Excuse me po"

Tumakbo na si Purple sa pinakamalapit na restroom na malapit lang sa Faculty Room

Pumasok siya sa isang cubicle at inilabas na ang kanina pang pinipigilan...

Palabas na sana siya sa cubicle ng marinig niya ang boses ni Pink..

***

Dumiretso si Pink sa restroom na nasa staffs building dahil puro rooms lang ng mga staff ng school ang floor na yun para masigurado niyang walang makakarinig sa kanya..

Pumasok siya sa restroom at inilock ang pinto at humarap siya sa salamin..

"Maganda naman ako ah! Sexy naman! Wala nga lang hinaharap pero kahit pa! Pagnagustuhan niya ko magkakaron siya ng HINAHARAP KASAMA AKO! Ang ine-expect ko pa naman sasabihin niya Oo! At hindi ko lang siya gusto Mahal ko siya! Mahal na Mahal! Tapos sunod nun ikikiss niya ko kagaya nung mga napapanuod ko sa mga koreanovelas!" pagkakausap ni Pink sa sarili sa tapat ng salamin habang tumutulo na sa mga mata niya ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan

"Para na ata akong baliw neto!"

Kinalkal niya ang bag niya at kinuha si Mr.BBB (Blue's Blue Brief) na hindi pa niya binabalik simula nang kunin niya ito ng patago mula sa closet ni Blue..

"Ikaw na lang kakausapin ko! Wala taste talga yang nagmamay-ari sayo! Mr. BBB Ganyan ba talaga pagsupot? Supot pa ba si Blue? Ayyy!! Ano ba yan! Pano ko malalaman eh hindi naman ako kasama ! Yuck! Kung ano ano na tuloy naiisip ko!Kayo kasi ni Blue eh! pinapahirapan niyo yung buhay ko!..Pero kasi *huk* akala ko *huk* akala ko gusto na din niya ko! *huk* Kung kelan naman narealize ko na yung feelings ko tsaka naman naging ganito! *huk* Waaaahh!! I hate you talaga Blue Jarett Dela Vega! *huk* siguro si White hindi ako sasaktan!*huk* I'll give him a chance! Tama! Kay White na lang ako!" Lalong lumakas ang iyak niya ng maalala niya ang nangyaring pagtanggi sa nararamdaman ni Blue para sa kanya..

Pinunasan ni Pink ang mga luha niya gamit si Mr.BBB..Inayos niya ang sarili niya at saka siya muling lumabas..

*****

Narinig ni Purple ang lahat,hindi siya nagulat sa mga unang sinabi ni Pink ngunit may nabuong kaba sa dibdib niya sa mga huling sinabi ni Pink..

"White is mine,Pink" bulong ni Purple sa sarili at saka siya bumaba sa bowl na tinuntungan niya para makita si Pink habang nagmomonologue.

Lumabas na din siya makailang minuto pagkalabas ni Pink..

Bumalik na siya sa Faculty Room kung saan naghihintay sina Ivory at Gray..

"Ang tagal mo naman!" Inis na sabi ni Gray kay Purple.

" Hayaan mo na Gray ganyan talaga kameng mga girls! Dapat laging pretty!" sabi ni Ivory kay Gray

"Back to business na tayo..Wag na kayong magback-out ha! Dali na Please..Please.." pagpipilit ni Ivory sa dalawa habang nagbu-beautiful eyes pa...

"Yes ma'am we won't back out" agad na sagot ni Purple

"Well then,Aja! Aja! Galingan niyo ha! Gusto ko na ng Apo! Wooooooohh! Sige na Pwede na kayong bumalik sa ginagawa niyo ^___^" sabi ni Ivory na may malaking ngiti sa mga labi

Nagtataka naman si Gray sa iniasal ni Purple dahil parang kanina lang nung pinaguusapan nila yung deal gustong-gusto ng magback-out ni Purple dahil sa sobrang pagsusungit ni Blue..

What's going on with her?- naisip ni Gray..

_________________________________________________________________________

Chapter 9.2 is Up!!! :))

As/N: Paread din po ng story namen.. LOVING YOU FROM AFAR,MY FIRST TRY WILL BE FOREVER AND I LOVE YOU FROM THE BOTTOM OF MY HYPOTHALAMUS :)) 

MAY FB NA DIN PO PALA KAME!! mergeofhearts@yahoo.com

Enjoy Reading!!

COMMENT AND VOTE NAMAN DIYAN!! XD

Ang Pinakamakulay na Storya sa Wattpad.

Please Support This Story!

Read.Comment.Be A Fan.

Merci! Arigato! Kamsahamnida! Thank You! Salamat! 

We merged our hearts in making this story..So we wish that we'll touch your hearts. ;))

3RD PERSON PO ANG TECHNIQUE NAMEN NG PAGNA-NARRATE NG STORY NA ITO.

Lover's QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon