Prologue

97 11 8
                                    

Tatlong daang taon na ang nakakalipas. May isang nilalang na tinatawag na "The Great Spellcaster" ang bumago sa kapalaran ng mundo habang buhay.


Nagtataglay siya ng kakaibang kapangyarihan na higit pa sa lahat ng nilalang sa daigdig.


Malakas man syang ituring, nalulungkot parin siya dahil nag iisa lamang siya sa mundo. Nag iisang nilalang na may kapangyarihan.


Natakot siya na walang magmamahal sa kanya ngunit nagkakamali siya.


Umibig sya sa isang ordinaryong babae. Nagmahalan sila sa loob ng maraming panahon ngunit hindi ito nagtagal.


Dahil sa kapangyarihang dumadaloy sa dugo niya, hindi sya namamatay at tumatanda. Nakita niya kung paano mamatay ang kanyang sinisinta.


Gumuho ang kanyang mundo at nalungkot siya ng sobra. Sa kanyang, paglulumbay, naisip niya ang isang bagay.


Tinipon niya ang kaniyang buong kapangyarihan. Lumikha siya ng isang mahika na babago sa mundo. Tinawag itong, "The World Changing Spell".


Mula nang maisagawa niya ang mahikang ito ay nagbago ang mundo. Nagkaroon ng apat na kaharian, tatlong klase ng magician, at kakaibang uri ng hayop at mga halimaw.



Hindi na sya muling nakita pa simula noon.



Doon nagsimulang magkaroon ng Spellcasters, Element Wielders, at Catalysts.

================================

A/N: Please read, vote, comment and enjoy.

My Catalyst Lover [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon