Chapter 4: Entrance

64 10 6
                                    

Thea's POV



Hindi ko parin nakakalimutan yung ginawa sa akin ni Darryl kahapon. Nakakahiya talaga at mabuti na lang walang nakakakita bukod sa driver.



Umaga na ulit ngayon at nasa harap na kami ng malaking pader ng Capital.



Sabi sa amin ng driver ng karwahe, ipakita daw namin yung marka namin sa bantay ng tarangkahan.



Pinakita namin iyon at nilagyan nila ng isang spell. Wala namang nangyari at pinapasok na nila kami.



"Anong spell yung ginamit nila?", tanong ko kay Darryl.



"Truth Spell tawag dun. Mawawala ang marka sa balat mo kung peke iyon.", sabi niya.



"Ganun pala yun", sabi ko.



Tahimik lang kami habang umaandar ang karwahe. Maya-maya ay may isa tarangkahan na naman ang kailangan naming daanan.



"Anong kailangan niyo sa Capital?", tanong ng bantay.



"Mga baguhang mahikero lamang kami at nais naming mag-aral ng mahika sa Capital", sagot ni Darryl sa bantay.



"Pumasok kayo sa ikatlong tarangkahan pagkatapos nito", sabi ng bantay.



Nagpasalamat kami at dumiretso na sa ikatlong tarangkahan.



Namangha ako sa laki ng loob. Sobrang lawak at nasa ginta nito ang isang malaking palasyo.



May nakita kaming tatlong pila sa may bandang unahan. Naroon ang tatlong bandera na sumasagisag sa tatlong klase ng mahikero.



"Mukhang maghihiwalay na tayo Thea", malungkot na turan ni Darryl.



Ngumiti ako sa kanya at sinabing, "Okay lang yan.. magkikita din tayo ulit... wag kang malungkot"



Ngumiti siya ng pilit. Naglakad na ako papuntang pila ng mga Catalyst.



Nasa harapan ko ang isang lalaki na matangkad at maputi ang buhok. Nakasuot siya ng jacket na balat at naka maong siya na pantalon.



Sinundan naman ako ng isang babae sa likuran. Tiningnan ko siya at ngumiti siya sa akin.



"Hi! Ako pala si Cassandra.. tawagin mo na lang akong Cass or Sandra"



"Thea ang pangalan ko..", simpleng sagot ko at nakipagkamay sa kanya.



Bago kami pumasok ay dadaan pala muna kami sa isang barrier na kulay pula. Pinaliwanag sa akin ni Cass na tanging Catalyst lang pwedeng pumasok doon.



Susunod na ang nasa harapan kong lalaki na papasok pero natigil siya sa harap ng barrier. Napaisip ako kung bakit siya tumigil.



Bigla siyang umatras at tumakbo sa barrier. Nagulat ako sa ginawa niya at halos iluwa na sana siya ng barrier.



"Anong problema nun?", asar na sabi ni Cass.



"Hayaan na lang natin", sabi ko na lang at naglakad ako diretso sa barrier.



Medyo nahirapan akong pumasok at parang niluluwa ako ng barrier palabas. Pinilit kong pumasok at tumalsik ako paloob.



Napapikit na lang ako ng biglang may sumalo sa akin.



"Ayos ka lang?"



Napadilat ako at nakita ko ang lalaking nasa unahan ko kanina.



May itsura siya at maputi. Napatitig ako sa kanya ng matagal.



"Miss? Hanggang kailan ka tititig sa mukha ko?"



Biglang akong bumalik sa realidad at dumaloy ng mabilis ang dugo ko. Tumayo agad ako at tumalikod sa kanya.



"Sorry.... at salamat sa pagsalo sa akin", nahihiya kong sabi



"Okay lang yun... sa susunod gayahin mo yung ginawa ko"



Nakatalikod parin ako sa kanya at biglang lumabas si Cass sa barrier.



"Thea! Ayos ka lang? Bakit kase di ka muna bumwelo  bago pumasok?", alalang sabi ni Cass.



"Okay lang ako buti na lang niligtas niya ako-"



Lumingon ako at hindi ko na nakita yung lalaking tumulong sa akin.



"Sino?"



"Umalis na ata siya", sambit ko.



Nagpatuloy na lang kaming pumasok sa loob.



=============================

A/N: Please read, vote, comment and enjoy.

My Catalyst Lover [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon