Thea's POV
"Hindi mo matatakasan ang iyong kapalaran. Ikaw ang itinakda at balang araw ay ililigtas mo ang buong mundo."
"Thea, bumangon ka na dyan at maghanda ka na."
Idinilat ko ang aking mga mata at nakita ko si mama.
Gusto ko lang siyang titigan ngayon. Siguradong huling beses ko nang makikita ang kanyang mukha.
"Ayan gising ka na pala. Kumain ka na at may pupuntahan ka pa", sabay talikod niya sa akin para ipaghanda ako ng almusal.
Hindi ko parin akalain na ngayon na ang araw na iyon.
Bumangon ako at pumasok sa banyo. Habang naliligo ako, hindi maalis sa isipan ko ang isang panaginip.
Dumiretso na ako sa lamesa para kumain pagkatapos kong maligo.
Nakahanda na ang lamesa at ako na lang hinihintay ng pagkain.
Napukaw ng aking tingin ang isang ulam. Alam talaga ni mama ang paborito ko.
Ginatang alimango ang ulam sa lamesa at hindi na ako makapaghintay na kainin ito.
Umupo na ako at nagsimulang kumain. Tahimik lang kaming kumakain ng biglang binasag ko ang katahimikan.
"Nay, kailangan ko ba talagang pumunta doon?", may pag-aalinlangan parin ako sa gagawin kong ito.
Napatigil si ina sa kanyang pagkain at tumingin sa akin. Hindi ko kayang tingnan ang kanyang mga mata. Namumugto na ito na tila ba'y kaunti na lang at papatak na ang luha.
Binaling niya ang tingin sa ibang direksyon at tumuloy sa pagkain.
Bakit ganun? Hindi ba niya ako pipigilan? Sa tingin ko, hindi ko pa kaya.
"Nay, hindi na lang po kaya ako pupunta", alangang sabi ko.
Tumingin siya ulit sa akin pero hindi na tulad ng kanina.
"Anak, alam mo namang nasa batas iyon hindi ba? Kailangan mo iyon dahil may marka ka. Marka ng pagiging Catalyst."
Tama, dahil isang akong Catalyst.
Ang bayang ito ay sakop ng Capital at wala kaming magagawa kung hindi ay sumunod sa batas nila. Batas na ilang daang taon nang binuo at pinapatupad.
Napatahimik ako sa sinabi ni ina. Masakit sa kalooban na pinanganak ako ng ganito.
Pero ito ang tadhana ko at kailangan kong tuparin.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Please read, vote, comment, and enjoy. :)
BINABASA MO ANG
My Catalyst Lover [ON-GOING]
פנטזיהIn a world full of magic and war, love will grow. In times of great tragedy, love wilts sorrow. In them, love will thrive. But how long will it last? If they belong in two different class? Will their fates harness a good future? Or only grief and f...